"TULOG pala," mahinang anas ni Sanria nang makita si Gray na nakahiga sa kama nito. Aayain sana niya itong magmeryenda ng hapong iyon.
Pero imbes na umalis na ay pumasok pa rin siya sa loob ng silid ni Gray. Maingat na naupo siya sa gilid ng kama ni Gray at pinagmasdan ito.
Hindi niya inaasahan na magbabago ang isip nito. Kung kailan handa na siyang mag-move on sa kaibigan ay saka naman nagbago ang isip nito at hinikayat siyang manatili rito.
Thank you for letting me stay, Gray, aniya sa isip. Malaking bagay iyon para mas maging okay ang pakiramdam niya. Emotional and mentally.
Inilapit niya ang mukha rito at ginawaran ito ng mabining halik sa noo nito.
Siya namang mulat ng mga mata ni Gray. Nang mapansin iyon ni Sanria ay mabilis siyang napatuwid ng upo. Pakiramdam niya ay umahon lahat ng init ng katawan niya sa kanyang pisngi. Malay ba niyang gising si Gray? O baka naman kanina pa talaga ito gising?
Nahawakan nito ang noong hinalikan niya. "Para saan 'yon?"
Nakagat niya ang ibabang-labi. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano si Gray. "Thank you," aniya. "Thank you for letting me stay. 'Y-Yon lang."
Hindi inalis ni Gray ang tingin sa kanya nang maupo rin ito mula sa pagkakahiga. Bakit parang duda ito sa sinabi niya? Bahagya pa nitong inilapit ang mukha kay Sanria kaya napigil ng dalaga ang paghinga.
"Bakit namumula na naman 'yang pisngi mo? Malakas naman ang aircon dito sa kuwarto ko." Gumuhit ang nakalolokong ngiti sa sulok ng labi ni Gray kapagkuwan.
Pinanatiling kaswal ni Sanria ang sarili at ang pagsasalita. Ayaw niyang mabahiran ng malisya ang ginawa niya. Not in front of Gray.
"Ang dami mong napapansin. Kung gusto mong magmeryenda, sumunod ka na lang sa may pool side." Tumayo na siya pero bago pa siya makahakbang palayo ay mabilis namang hinawakan ni Gray ang kaliwang kamay niya. At sa isang kisap mata ay animo may naghahabulang kabayo sa dibdib niya. Napalunok siya dahil sa pakiramdam na iyon. Napatingin siya kay Gray na bumaba na rin sa kama nito.
"Sabay na tayo," anito nang balingan siya.
"S-Sige."
Pagkasuot nito sa tsinelas nito ay hinila na siya nito sa kamay palabas sa kuwarto nito. Hindi siya nito binitiwan hanggang sa makarating sila sa may pool side. Napapalatak pa si Blue nang makita silang magkasama.
"Dinaig pa ang mag-jowa kung makapag-holding hands."
Mabilis niyang nahigit ang kamay mula kay Gray. Naupo siya sa tabi ni Ferncez na nangingiting nakatingin sa kanila ng kuya nito.
Hindi niya tinapunan ng tingin si Gray nang maupo ito sa tapat niya. Pagkakuha sa tinidor, tutusukin na sana siya ang turon sa pinggan ng magkasabay pa sila ni Gray ng tusok sa turon na balak niyang kunin. Napatingin tuloy siya kay Gray na seryoso ang guwapong mukha ng mga sandaling iyon. Ayaw yata nito na tinutukso sila ng kapatid nitong si Blue.
"Kunin mo na," tukoy ni Sanria sa turon at hinugot ang tinidor niyang nakatusok doon.
Wala pa ring imik si Gray ng kunin ang naturang turon. Kinuha nito ang hawak niyang tinidor at ipinalit doon ang tinidor nitong may nakatusok ng turon. Nasurpresa siya sa ginawang iyon ni Gray. Napaangat pa ang isang kilay ni Blue sa ginawa ni Gray.
"Salamat," aniya na nagbaling na ng tingin sa may swimming pool at nilantakan ng kagat ang turon na bigay sa kanya ni Gray. Lihim siyang napangiti. What a sweet gesture, she thought.
"Ate Sanria, sali ka mamaya sa laban namin. Naulit ko kasi kay Kuya Ford na narito ka, nong magkalaro kami kanina online. Kampi ka raw mamaya sa amin. May laban kami, eh. Para may kasama kami na isa pang magaling," kumindat pa sa kanya si Blue.
BINABASA MO ANG
A Princess In Disguise 2: A Princess Promise
Novela JuvenilLumaki si Sanria na halos si Gray ang palaging nakakasama kaya daig pa nila ang magkapatid kung ituring ang isa't isa. Si Gray rin ang tumatayong protector ni Sanria kaya halos nakadepende ang dalaga rito sa lahat ng bagay. Kapag isinasama si Sanria...