Chapter 13

2.9K 138 7
                                    

"SAMANTALANG dati," himutok pa rin ni Sanria habang ginugutay-gutay sa kamay ang dahon ng mangga. "Ni ayaw tatagal ng ten seconds na kaharap si Alonica."

Nasa manggahan siya nang mga sandaling iyon. Doon siya pumunta matapos niyang mag-walkout sa lanai kanina. Malapit lang iyon sa mansiyon nina Gray.

Isinandal niya ang likod sa punong mangga. Nalililungan ng naturang puno ang kinaroroonan niya. Napabuntong-hininga siya kapagkuwan. Pumikit siya at sinikap na alisin ang imahe ni Alonica at Gray sa kanyang isipan.

'Di pa kasi amining nagseselos, pakli ng pilyang isip niya. Nahigit niya ng bahagya ang mahabang buhok. Ako. Nagseselos? Malabo! kontra niya sa isip. Bakit naman siya magseselos?

Naiinis siya sa pagsulpot ni Alonica. Iyon lang iyon.

Napamulat lang siya ng mga mata nang may maupo sa tabi niya. Ganoon na lang ang gulat niya nang makita si Gray. Nasapo niya ang dibdib. Pagkuwan ay nahampas ito ng malakas sa braso nito.

"Bakit bigla-bigla ka na lang sumusulpot?" she hissed. "Gray!"

Bahagya naman itong natawa sa reaksiyon niya. "I didn't mean to scare you."

Kinalma muna niya ang sarili bago muling hinarap si Gray. At ano'ng ginagawa nito roon? At paano rin nito nalaman na naroon siya?

"Paano mo nalaman na narito ako?"

"Nakita ni Mang Benjie na narito ka," tukoy nito sa tauhan ng mga ito.

"Si Alonica—"

"Umalis na," mabilis nitong putol sa sasabihin niya. "Hindi rin naman siya nagtagal. Dumaan lang siya para imbitahan ako sa resort nila next weekend."

Sa isip ay nairapan niya si Alonica. At talagang duma-the-moves sa kaibigan niya ang babae na iyon.

"Pupunta ka?"

Tumango ito bagay na nakapagpatahimik kay Sanria. Mag-iiwas sana siya ng tingin nang muli itong magsalita.

"Kung sasamahan mo ako, pupunta ako," ngumiti pa uli ito. A wicked one.

Umawang ang labi niya. "Gray, kung sa balwarte nina Alonica, pass ako diyan," inismiran niya ito. " Puwede ka namang pumunta kahit hindi ako kasama, eh."

"Bakit ayaw mo?"

Binunot niya ang katabing damo at ginutay-gutay rin ang dahon niyon. "Wala ako sa mood."

Napatango-tango ito. "Hindi na lang ako pupunta." Isinandal din nito ang likod sa may punong mangga.

"Tapos ako ang sisisihin ni Alonica dahil hindi ka pumunta?"

"Hmmm."

Isinaboy niya rito ang nagutay na damo. "Ang galing mo. Ipapahamak mo pa ako. Pumunta ka kung ayaw mong—"

"Kung ayaw kong ano?"

Nang balingan ni Sanria si Gray ay parang gusto niyang pagsisihan ang ginawa. Sakto kasing bumaling din ng tingin sa kanya si Gray. Dahil halos magkadikit ang mga braso nila ay halos dalawang dangkal lang ang layo ng mga mukha nila sa isa't isa. Lihim siyang napalunok. Hindi niya mabawi ang tingin na animo ay napako na kay Gray ng mga sandaling iyon.

Ganoon din si Gray, ngunit nang mga sandaling iyon ay animo napakalalim ng titig nitong iyon sa kanya. Nang bumaba ang tingin nito sa labi niya ay sandali itong napatitig doon. Pagkuwan ay mabilis na nagbawi ng tingin. Nasapo pa nito ang ulo nang makaramdam ng kirot doon.

"Aaah!"

Saka lang tila natauhan si Sanria mula sa animo mahikang bumalot sa kanila ni Gray ng ilang sandali.

"A-Ayos ka lang?" nag-aalala niyang tanong nang hindi pa rin tanggalin ni Gray ang kamay sa ulo nito. Lumuhod siya sa tabi nito. Hindi niya alam kung ano ang hahawakan dito.

"Ayos lang ako. May kumirot lang sa ulo ko."

Hindi siya naniniwalang ayos lang ito dahil medyo napapangiwit ito. "Gusto mo bang bumalik na tayo sa bahay ninyo?"

Bahagya itong umiling.

"Gray—"

"Okay lang ako, Sanria," ibinaba na nito ang kamay nito. Pagkuwan ay unti-unting iminulat ang mga mata. Sa mukha agad niya natuon ang tingin nito.

Habang nakatitig siya rito, hayon at patuloy pa rin siyang ginugulo ng kakaibang pakiramdam sa dibdib niya. Bagay na hindi niya kayang i-open-up kay Gray.

"Alam mo ba kung bakit nasungitan kita last week?" bigla ay tanong nito.

"Dahil kasalanan ko 'yong... 'yong aksidente?"

Bahagya itong umiling. "Dahil sinasabi nila na tayo 'yong super close sa isa't isa. Tapos ano? Isang beses ka lang nagpakita noong nagising ako sa ospital. At kung hindi ka pa pipilitin ng mama mo ay hindi ka sasama sa party ko last week. Kaya imbes na matuwa ako noong nakita kita, nainis ako."

Iyon ang dahilan. Nagbawi siya ng tingin at muling naupo sa tabi nito. Ramdam niya ang pagsunod ng tingin nito sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Hindi madali sa akin 'yong nangyari sa iyo. Magigising ka na hindi mo na ako kilala. Walang araw na hindi ko sinisi 'yong sarili ko. Natatakot ako na kapag nagpakita ako sa iyo, itaboy mo lang ako dahil hindi mo na ako kilala. Baka ayaw mo akong makita. Hindi ko tanggap itong nangyari sa iyo. Na hindi mo na ako kilala."

"I forget you, yes. Pero may parte sa akin na gusto ka pa ring makita," mabilis na sansala ni Gray sa sinabi niya.

Tila may mainit na bagay na humaplos sa puso niya sa sinabi ni Gray. Gusto siya nitong makita? Napatingin tuloy siya rito. Pero bakit bakas sa mga mata nito ang lungkot? Para saan ang lungkot na iyon?

"Gray..."

Ngumiti ito pero hindi umabot sa mga mata nito. "'Yong totoo, Sanria. Do you hate me?"

Hate? Wala siyang hate na nararamdaman para kay Gray. Umiling siya. "Deep word ang hate na 'yan, Gray. Never kong mararamdaman 'yan sa iyo. I just," tumingin siya sa malayo bago muling nagsalita. "Miss you." Bakit ngayon ay nakakaramdam na siya ng pagka-awkward kay Gray na sabihin ang mga katagang iyon? Hindi katulad dati na kaswal lang niyang sabihin.

"Why are you blushing?"

Nahawakan niya bigla ang mga pisnging nag-iinit nga ang pakiramdam. Doon na napangiti ng todo si Gray. And now he is teasing her!

"G-Ganito talaga ako kapag mainit ang panahon." Kunway nagpaypay pa siya gamit ang kaliwang kamay. "Ang alinsangan kaya ng panahon," dahilan pa niya. Napamaang siya nang bigla ay hawakan ni Gray ang kamay niya at walang sabi-sabi na pulsuhan siya.

"Mabilis ang tibok ng puso mo," anito na mula sa pulsuhan niya ay nag-angat ang tingin sa kanya. Tumaas pa ang isa nitong kilay.

Nahigit niya ang kamay. "'Wag mo akong umpisahan, Gray."

"Bakit? I'm just wondering wh—"

Mabilis niyang itinakip ang dalawa niyang kamay sa bibig nitong hihirit pa. Wrong move! Dahil tagos na tagos sa palad niya ang init na nagmumula sa malambot na labi ni Gray. Hindi niya magawang iangat ang tingin sa mga mata ni Gray dahil natitiyak niya na lalo siyang manlalambot ang pakiramdam kapag nasalubong niya ang titig nito na nagdudulot sa kanya ng kakaibang pakiramdam.

Mayamaya ay inalis na rin niya ang kamay sa bibig ni Gray.

Tumikhim ang binata. Lihim na nagpasalamat si Sanria dahil hindi na ito muli pang nagsalita para tuksuhin siya.


A Princess In Disguise 2: A Princess PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon