NAPANGITI si Sanria habang nakatingala at nakatanaw sa malaking bituin sa madilim na kalangitan. Halos katatapos lang din nilang maghapunan.
Nang mga sandaling iyon ay nasa may malawak na terrace siya sa pangalawang palapag ng mansiyon. Doon siya dumiretso nang matapos siyang kumain para magpahindag.
"Ate Sanria."
Nalingunan niya si Ferncez na nakasuot na ng pantulog nito at may yakap na malambot na teddy bear. Nginitian niya ito. "Gusto mo na ba agad matulog?"
Umiling ito nang makalapit sa kanya. "Bakit hindi mo po kasama si Tami?" sa halip ay usisa nito.
"Ako lang kasi 'yong pinapunta dito nina Papa. Hayaan mo sa susunod mag-sleep over din dito si Tami. O kaya, ikaw ang mag-sleep over sa bahay namin."
"Gusto ko 'yong idea mo, Ate Sanria." Pilya itong ngumiti kapag kuwan. "Ate Sanria, sino'ng crush mo?"
Nangunot ang noo niya sa tanong nito. "Crush? Bakit mo naman natanong?" natatawa niyang sambit.
Teka, crush? May na-crush-an na ba siya? Hindi niya matandaan na nagkaroon siya ng crush. Alam naman niya na normal na magkaroon ng crush ang isang tao. Pero hindi niya naranasan iyon.
"Ahm. Wala akong crush, Ferncez."
Namilog ang mga mata ng sampung taong gulang na bata. Mukhang nasurpresa sa naging sagot niya. "Talaga po, Ate? 'Di ba, seventeen ka na? Bakit wala kang crush? Eh, 'yong mga classmate ko nga may mga crushes na, eh."
"Wala akong nagugustuhan o hinahangaan..." nagkibit siya ng balikat. "Wala talaga akong matandaan na nagkaroon ako ng crush."
"Kahit kailan?"
Tumango siya. "Swear."
Sa school, focus lang siya sa pag-aaral niya ng interior designing. Karamihan naman sa classmate niya ay babae. Iilan lang ang lalaki. At wala ni isa man sa mga iyon ang nagustuhan niya. Kahit sa mga kaedaran niya na nasa family circle nila. Wala naman siyang nakakasama bukod kay Gray na pinakahinahangaan niya sa lahat dahil sa talino nito and many to mention. Exempted naman siguro ito dahil kaibigan niya ito.
"Ang weird naman, Ate Sanria. Wala kang crush. Kahit sa mga Asian Idol, wala kang naka-crush-an?"
Umiling siya. Hindi naman siya mahilig manood ng mga Asian Drama. Mas gusto niyang maglaro ng online games kasama si Gray. Manood ng anime at magbasa ng mga libro.
"Ferncez, hinahanap ka ni Yaya Dahlia. Baka lumamig lalo 'yong gatas na iinumin mo."
Parehas sila ni Ferncez na napatingin sa may pinto ng terrace. Palapit sa kinaroroonan nila si Gray. Hindi niya mapigilan ang sarili na sandaling pagmasdan si Gray. Siguro kaya wala siyang naka-crush-an ay dahil walang nakakahigit kay Gray. Lalo na sa panlabas na anyo. Ang taas naman pala ng standard niya kung ganoon.
"Okay po, Kuya Gray," ani Ferncez sa kuya nito bago siya muling binalingan. "Ate Sanria, dederetso na ako sa room mo. Kuwentuhan tayo doon, ha?"
Tumango siya. "Sige."
Nang makaalis si Ferncez ay hindi rin umalis si Gray. Ito ang pumalit sa puwesto ni Ferncez sa tabi niya.
"Wala ka talagang crush?"
Nasamid siya sa biglang itinanong ni Gray. Lumunok siya at tumikhim para hindi ubuhin dahil sa pagkakasamid. Nakikinig ba ito sa usapan nila kanina ni Ferncez?
As if, hindi nito alam na wala naman talaga dahil wala siyang panahon sa ganoong mga bagay. Ah, oo nga pala, may amnesia nga pala ito. Wala na itong maaalala na related sa kanya. Napabuntong-hininga na lamang siya bago umiling.
BINABASA MO ANG
A Princess In Disguise 2: A Princess Promise
TeenfikceLumaki si Sanria na halos si Gray ang palaging nakakasama kaya daig pa nila ang magkapatid kung ituring ang isa't isa. Si Gray rin ang tumatayong protector ni Sanria kaya halos nakadepende ang dalaga rito sa lahat ng bagay. Kapag isinasama si Sanria...