"DITO muna ako matutulog."
Nang mag-angat na ng mukha si Gray ay sinamantala naman iyon ni Sanria para pumihit paharap kay Gray. Humawak naman si Gray sa railings sa may likuran ni Sanria nang bigla siyang humarap dito.
"May problema ba?"
Tinitigan lang siya nito bago ito tumayo ng tuwid at pumwesto sa tabi niya. He even sigh. "Mas safe ditong matulog kaysa sa suite ko."
"Bakit?"
Tumingin ito sa malayo. "Pinuntahan ako ni Alonica sa suite ko. Ni hindi siya kumatok para ipaalam ang presensiya niya. Ang alam ko naka-lock ang pinto sa suite ko. Siguro may dala siyang duplicate key kaya siya nakapasok."
Kunway tinawanan niya ang sinabi nito. But deep inside ay natuwa siya dahil nag-open ito sa kanya at hindi inilihim ang bagay na iyon. Ibig sabihin ay hindi nito ginusto ang nangyari. Lihim siyang napangiti dahil sa bagay na iyon. "Bakit mukhang harass na harass ang reaction mo?" biro pa niya.
"She kissed me even without my permission. And I hate it." Humigpit pa ang kapit nito sa may railings.
Without permission... iyon ang tumatak sa isip niya. Ibig sabihin ay si Alonica ang humalik kay Gray? Sa nalaman ay unti-unting gumaan ang pakiramdam niya. Nagawa talaga iyon ni Alonica? Ganoon na ba ito kadesperada kay Gray?
Humarap ulit siya sa may railings at tinapik-tapik sa balikat si Gray. "Halik lang 'yon. Daig mo pa ang na-rape sa reaction mo."
Lang, Sanria? Eh, halos umiyak ka na nga kanina sa nakita mo, epal ng isip niya.
Pinalis nito ang kamay niya. "It's still a kiss."
"So, anong ginawa mo after ninyong mag-kiss?"
Tiningnan siya nito ng masama. "Correction, she kissed me. At ni hindi ko ginantihan. Pinaalis ko sa suite dahil kung hindi siya aalis ay ako ang aalis dito sa resort nila."
"Iiwanan mo ako?"
"Hindi," lumambot na rin ang ekspresyon ng guwapo nitong mukha. "Magkasama tayong pumunta rito kaya magkasama rin tayong uuwi."
"Kung hindi mo naman gusto 'yong nangyari kanina, kalimutan mo na." Iyon lang ang alam niyang ipayo at iyon lang din ang dapat niyang gawin. Kalimutan ang kaharasan ni Alonica. "Well, sabi mo naman dati, she's kinda pretty naman, 'di ba?" biro pa niya.
Hindi ito nagsalita. Mukhang ayaw talaga nito sa nangyari.
"Anyways, hindi naman si Alonica 'yong first kiss mo. Stop acting like nanakaw niya 'yong first kiss mo." Naitikom niya ang bibig dahil sa nasabi. Nag-iwas siya nang tingin ng kumunot ang noo nito.
"First kiss ko?"
"Ang ganda ng moon and Venus conjunction ngayon," masaya niyang wika para ilihis ang usapan. Kunway nag-inat pa siya ng mga kamay at naghikab. "Matutulog na ako," paalam pa niya rito. "Sumakit 'yong braso ko dahil sa paglalangoy kanina. Ipapahinga ko muna. Good night."
Pero bago pa makalayo si Sanria kay Gray ay mabilis siya nitong napigilan sa kanyang braso. Muli siya nitong isinandal sa may railings at matamang pinagmasdan.
"'Wag mong takasan ang usapan, Sanria. What about my first kiss? Hindi ko matandaan ang bagay na 'yon."
Ilang sandali niyang natitigan ang guwapo nitong mukha bago nagawang magsalita. "Mas okay siguro kung ikaw mismo ang makaalala noon, Gray," aniya na bahagya itong nginitian. "And about Alonica, kung hindi mo naman gusto 'yong nangyari sa inyo kanina ay kalimutan mo na. Baka makahalata pa bukas ang mga kasama natin kapag paiiralin mo 'yang inis mo sa kanya dahil sa ginawa niya. She likes you, matagal na. Kaya niya siguro nagawa 'yon kasi desperada na siyang mapansin mo in another aspect."
BINABASA MO ANG
A Princess In Disguise 2: A Princess Promise
Teen FictionLumaki si Sanria na halos si Gray ang palaging nakakasama kaya daig pa nila ang magkapatid kung ituring ang isa't isa. Si Gray rin ang tumatayong protector ni Sanria kaya halos nakadepende ang dalaga rito sa lahat ng bagay. Kapag isinasama si Sanria...