NANATILING nakatingin sa labas ng bintana sa kanyang kuwarto si Sanria nang lapitan siya ng kanyang ina. Napabuntong-hininga si Anria nang mapagmasdan ang anak na bakas pa rin ang kalungkutan sa magandang mukha.
"Sanria," agaw nito sa pansin niya.
Bahagya lang niyang sinulyapan ang ina at muling tumanaw sa labas ng bintana. "Bakit po?" walang kagana-gana niyang tanong.
Isang buwan na rin ang matuling na lumipas. Nakalabas na rin si Gray sa ospital. Pero hindi pa niya ito nadadalaw sa bahay ng mga ito. Wala siyang lakas na harapin ang kaibigan na ni hindi siya maalala. It hurts her a lot. At hanggang ng mga oras na iyon ay iwas na iwas siyang maging topic si Gray. Nagpapasalamat naman siya dahil iginalang iyon ng kanyang pamilya.
"Gusto mo bang mamasyal?"
Hindi niya sigurado kung magagawa ng pamamasyal na iyon na tanggalin ang lungkot niya. Kahit na sobrang sama sa loob niya, hindi naman niyon maikakaila na sobrang nami-miss na rin niya ang kaibigang si Gray.
Iling ang isinagot niya sa tanong ni Anria.
"Bukas, birthday ni Gray," parang alanganin pa nitong sabihin. "Inaasahan ng Tita Chello mo ang pagpunta natin. Lalo ka na."
Itinago niya ang mukha sa ina nang sumungaw ang luha sa mga mata niya nang banggitin nito kung ano ang mayroon kinabukasan. Huminga siya ng malalim.
"Mama, kayo na lang po siguro. May tatapusin po akong project bukas." Kinagat niya ang ibabang-labi para pigilan ang mapaiyak.
"Sanria, alam ko na hindi okay ang pakiramdam mo dahil sa nangyari kay Gray. Hindi ka niya maalala. Alam ko masakit 'yon sa side mo. Pero hahayaan mo na lang ba na tuluyan ka niyang makalimutan? Anak, ayaw ko sa lahat 'yong nakikita kang ganito. Hindi ikaw ito, eh. Ni hindi ka na namin nakikitang ngumingiti o tumatawa. Please, don't do this. Tulungan mo ang sarili mo. Natatakot ang papa mo na baka mauwi sa sobrang depression ang nangyayari sa iyo. Wala kang kinakausap. Ni hindi mo bino-voice out ang nararamdaman mo." Hinawakan nito ang magkabila niyang balikat at iniharap siya rito. "Sanria," sambit nito sa pangalan niya nang makitang hilam na naman sa luha ang pisngi niya. Mahigpit siya nitong niyakap. "Magiging okay rin ang lahat. Hmmm? Narito lang kami ng papa mo kung kailangan mo ng kausap."
"Mama," humihikbi niyang bigkas sa pangalan nito.
Isang buwan na niyang dinadala ang bigat sa dibdib niya at nang mga sandaling iyon habang yakap siya ng kanyang ina. Isa lang ang nais niyang gawin, ang ilabas lahat iyon. Umiyak lang siya nang umiyak habang yakap ng mama niyang si Anria. Pakiramdam niya ay para na siyang sasabog.
Hinaplos nito ang buhok niya. "Maaalala ka rin ni Gray. Hindi naman siguro magtatagal ang amnesia niya."
"Paano po kung... kung magtagal? Paano kung hindi na niya ako maalala?"
"Sshh. Think positive. Kung magpapalamon ka sa negativity, ma-stress ka lang lalo. Kung hindi ka niya maalala, eh, 'di ikaw ang magpakilala sa sarili mo. Para makilala ka niya. Pumayag si Papa mo na dalawin mo every weekend si Gray sa kanila."
Natuwa siya sa nalaman pero mabilis ding nabura ang tuwa na iyon. Paano kung maghapon siyang hindi pansinin ni Gray?
"Baka hindi po niya ako pansinin."
"Then do something. Ayain mo siyang gawin ninyo 'yong mga hilig ninyong gawin kapag magkasama kayo."
Pinahid niya ang luha sa pisngi at bahagyang lumayo sa ina. "Ma..."
Malungkot itong ngumiti. "Kapag hindi mo tinulungan ang sarili mo baka mapilitan ang papa mo na papuntahin ka muna sa London."
"Mama, ayaw ko po," mabilis niyang tanggi.
![](https://img.wattpad.com/cover/215557997-288-k405259.jpg)
BINABASA MO ANG
A Princess In Disguise 2: A Princess Promise
Novela JuvenilLumaki si Sanria na halos si Gray ang palaging nakakasama kaya daig pa nila ang magkapatid kung ituring ang isa't isa. Si Gray rin ang tumatayong protector ni Sanria kaya halos nakadepende ang dalaga rito sa lahat ng bagay. Kapag isinasama si Sanria...