Chapter 17

2.8K 125 7
                                    

NAPABUNTONG-HININGA si Sanria nang makababa sa kotse ni Gray na Audi. Sinundo siya nito sa hacienda. Pumayag ang ama nito na mag-drive itong mag-isa papunta sa resort na pagmamay-ari nina Alonica.

Inilibot niya ang tingin sa paligid. Bigla ang pagbalik sa alaala niya nang nangyari tatlong taon na ang nakakalipas sa lugar ding iyon. Ipinilig niya ang ulo upang iwaksi ang alaalang iyon na ipinangako niya na ibabaon na sa limot.

Napasulyap siya kay Gray nang lapitan siya nito. Ito na rin ang may dala ng gamit niya. Over night sila sa resort at bukas pa sila uuwi ng hapon.

"Ikaw na ba ang magdadala niyan?" tanong pa niya. Baka kasi nabibigatan ito sa gamit niya.

Inayos nito ang suot na sumbrelo sa ulo. "Okay lang. Tara na."

Sumunod na siya rito. May tatlong palabag ang Hotel sa resort. Naabutan pa nila sa may lobby si Alonica na agad nagliwanag ang mukha nang makita si Gray.

"Hi, Gray. Mabuti naman at hindi ka naligaw papunta rito."

"Madali lang naman dahil gumamit ako ng waze," ani Gray rito.

"Okay na ang room na gagamitin ninyo. Heto ang susi ng kuwarto na gagamitin ninyo," nakangiti pa rin si Alonica nang ibigay sa kanila ni Gray ang tig-isang susi. Kakaiba pa ang ngiting ibinigay ni Alonica kay Sanria.

Sa second floor ang silid na gagamitin niya. Tiningnan niya si Gray. "Sa second floor ka rin?"

Ipinakita nito sa kanya ang susi nito. 304. Ibig sabihin ay sa third floor iyon. Tiningnan niya si Alonica na makahulugan pa siyang nginitian. Sinadya talaga nito na malayo siya sa kuwarto ni Gray. As if naman big deal sa kanya?

Malawak ang naturang resort. May fish farm din doon na puwedeng derektang manghuli ng isda na siyang ipapaluto sa chef ng resort. At may iba't ibang amenities para mag-enjoy ang mga guest. May apat na malalawak na swimming pool.

"Ihahatid na muna kita sa room mo," agaw ni Gray sa pansin ni Sanria.

Napatingin siya rito bago marahang tumango. Bahagya pang napasimangot si Alonica nang lampasan nila ito.

"Narito na pala kayo."

Napahinto sa paglalakd si Sanria nang marinig ang boses ng bagong dating. Lihim pa siyang nagtaka nang makita sina Ford. Kasama nito si Sean Pecson, apo ng Governor sa probinsiya nila. At si Pamela na girlfriend ni Sean.

"Let's go."

Napakurap-kurap siya nang hawakan siya ni Gray sa kamay at hilahin palayo sa mga bagong dating.

Nakasalubong pa nila ang dalawang kaibigan ni Alonica na si Miah at Havi. Hindi nakaligtas sa kanya ang kilig nang mga ito nang makita si Gray.

Ano ba ang plano ni Alonica? Bring back memories ang peg?

"Mamamasyal ka ba pagkaayos mo sa mga gamit mo?" ani Sanria nang makasakay sila sa elevator.

"Papahinga muna ako." Sinulyapan siya nito. "'Wag kang lalabas sa room mo hanggat hindi kita sinusundo," bilin pa nito.

May isang oras din ang byahe papunta sa resort kaya naman siguro ay napagod si Gray sa pagda-drive.

Tumango siya. "Okay."

Nang makarating sila sa silid na gagamitin niya ay namangha pa siya sa view mula sa may terrace. Nasa mataas na bahagi ang hotel kaya naman ang ganda ng view mula roon. Refreshing rin ang mga bundok na nakapaligid sa lugar na iyon.

"Ang ganda rito," bulalas pa niya mula sa terrace. "Gray," tawag niya rito na nilingon pa ito. Nakita niya ito na humilata ng higa sa may kama na may kalakihan. Ipinatong pa nito ang isang braso sa may mata nito. Matutulog ba ito? Akala ba niya ay sa silid nito ito magpapahinga? May pagtataka na nilapitan niya ito. "Bakit diyan ka humiga sa kama ko?"

"Malawak naman ito."

"So? Kung tutulog ka, pumunta ka na sa room mo. Nasa taas lang naman. Sige na para makapagpahinga ka na." Umawang ang labi niya nang talikuran pa siya nito ng higa. Kinuha rin nito ang isang unan at itinakip sa mukha nito.

"Talk to me later."

"Gray," apila niya. Ano na lang ang iisipin ng iba nilang kasama kapag nalaman na naroon din si Gray sa silid niya? Sa huli ay napabuntong-hininga siya.

Importante pa ba ang iisipin nila kaysa sa pagod ni Gray? sita ng isang bahagi ng isip niya.

Naupo na lang siya sa may bandang paanan ng kama. Napatingin sa kanya si Gray nang tanggalin niya ang suot nitong sapatos.

"Baka madumihan mo 'yang higaan ko," alibi niya bago tumayo at nilapitan ang mga gamit niya para ayusin.

Nangingiting umayos sa pagkakahiga si Gray at muling ipinikit ang mga mata.


A Princess In Disguise 2: A Princess PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon