Nakahiga at nakatingin ako ngayon sa kisame ng kwarto ko. Pinauwi na kasi ako para makapag pahinga ng maayos.
Iniisip ko parin yung pagiging concern ni kiro sakin kanina sa clinic. Kinikilig talaga ako!!!
Napatigil ako sa pag iisip ng may kumatok.
"Baby may bisita ka" sabi ni mommy mula sa labas ng kwarto ko.
"Mom nahihilo pa po ako! Sino po ba yon?" Tanong ko.
"Si kiro pauwiin ko na lang ba sya" mommy
"Sige mo-----what!!! Si kiro wait lang mommy bababa nako" tarantang tumayo ako sa kama ko at lumabas.
Parang biglang nawala hilo ko sabi na nga ba si kiro lang ang medicine ko 'LOVENAT' lang ata to!. Ang kailangan ko na lang ay 'YAKAPSUL' hahahaha!!!!
Bumaba ako ng hagdan. Nakita kong naka upo si kiro at yung mommy nya sa sofa.
"Iha are you okay?" Tanong ni tita Eliza ang mommy ni kiro soon to be mommy
Ko na rin."Okay lang po ako tita nandito na si kiro eh" nakangiting sabi ko kay tita kaya natawa din sya.
"Haha ikaw talagang bata ka, ano bang nangyare sayo't nagkasakit ka" tanong ulit ni tita Eliza na may pagaalala.
"Ah hehe dahil po sa mga fans ni kiro tita at mommy" alanganing sagot ko. Tinignan lang nila ako na nagtataka.
"Anong dahil sa mga fans ni kiro" tanong naman ni mommy sakin.
"Ah eh ganto po kase kaninang umaga sa hallway nag lalakad ako tapos lahat ng nasasalubong ko eh masama tingin sakin tapos lumapit sakin si Samantha sinampal nya ako tapos kaninang bubuksan ko sana yung pintuan ng room ng biglang may bumuhos saking tubig na may mga yelo nagalit po silang lahat sakin kase sa post ko sa Facebook" sabi ko sa kanila. Si mommy at tita ang sama aura nila.
"Anong post mo sa Facebook" tanong ni mommy at tita sakin.
"Ah hehe mom and tita calm down maliit lang naman pong bagay hehe" pilit akong tumawa kase naman kinakabahan nako.
"Maliit na bagay lang pero bakit ganyan ginawa nila sayo!" Napapikit ako ng sumigaw si mommy. Hot seat ako mga bessy!!!
"Kase nga po sa post ko sa facebook mommy" kinakabahang sabi ko sa kanila. Tinignan ko naman si kiro na prenteng naka upo lang sa sofa na para bang walang pake elam sa paligid.
"Ano nga pinost mo sa facebook" napapikit ulit ako ng sumigaw si mommy.
"Mare calm down!! Kinakabahan na si kimmy" sabi ni tita kay mommy para huminahon." Iha ano ba pinost mo sa facebook at ganyan ginawa nila sayo" mahinahong tanong ni tita.
"Ano po yung picture namin ni kiro nung highschool yung ano po... Hehe yung naka yakap ako sa kanya. Tapos po sumigaw ako sa open space ng school namin ng 'I love you kiro' kaya ayun binully nila ako" alanganing sagot ko nanaman.
Nagkatinginan sila mommy at tita napa yuko na lang ako nakakahiya talaga!!!! Napaangat ako ng ulo ng tumawa silang dalawa.
"Haha talaga iha hahaha!!" Natatawang saad ni tita.
"Hahaha baby I'm so proud of you ginawa mo yon!!"tumatawang saad din ni mommy. "Hay nako!!! Tignan mo kiro kung ako sayo sagutin mo na anak ko amg tagal ka nya ng nililigawan!"dag dag pa nya.
Namula naman ako sa sinabi ni mommy. Oo nga naman may point si mommy.
"Tama ang tita mo kiro sagutin mo na si kimmy" sabi din ni tita kay kiro.
"Tita naman ee!!" Pakipot ko muna guys noh!!!!
"Mare uwi na kami at gabi na rin" pagpapaalam ni tita eliza.
"Gabi na dito na lang muna kayo tumuloy mamaya kung mapano pa kayo sa byahe" sabi ni naman ni mommy.
"Saan kami matutulog dalawa kami" tanong ni tita kaya sumabat nako.
"May guest room po kami tita kaso isa lang kama don" sabi ko kay tita.
"Kung ganito na lang kimmy sa kwarto mo na lang matulog si kiro at si tita mo naman sa guest room matutulog okay ba yon" mommy
Oh my makakasama ko sya sa kwarto ko.
" great idea" makahulugang sabi ni tita.
"So let's sleep" pag aaya ni tita. Nag sipuntahan naman sila mommy sa guessing room kaya kaming dalawa na lang ni kiro ang natira sa hagdan.
Kinakabahan ako guyssss!!!! Sana great idea to katulad ng inaasahan ni tita
![](https://img.wattpad.com/cover/219621797-288-k85135.jpg)
BINABASA MO ANG
My Coldhearted Possessive Boyfriend
Teen FictionPano ko nga ba naging boyfriend ang lalaking saksakan ng LAMIG? Pano nga ba? Sa pagkakaalam ko hinahabol habol ko lang siya noon pero ngayon, naging boyfriend ko na siya. Pano nga ba kami nahantong sa ganitong set up? Ano nga ba ang ginawa ko pa...