"Class! Meron tayong camping bukas ang Hindi sumama bagsak sa lahat ng subject" sabi ni mam fela.
Bagsak sa lahat ng subject!! Sasama na lang ako.
"Mam saan po magaganap ang camping?" Tanong ng isa Kong classmate.
"Hindi pa namin alam bukas ko ko sasabihin sa inyo magdala kayo ng mga kakailanganin nyo lalo na ang tent at ready to eat na foods, okay so class dismissed" lumabas na si mam sa room.
"Ice pupunta ka?" Tanong ko Kay ice tumango naman sya. Si kiri kaya sasama?.
Lumingon ako sa likuran ko. Tatanungin ko na sana ng.
"Kiro sasama ka ba?" Malanding tanong ni moira. Nginisian ko sya at tinarayan.
"No" sagot ni kiro.
Hindi sya sasama! Pero babagsak sya at ayaw ko yun mangyare.
"Kimmy recess na tayo" pagyaya ni kira sakin. Tumayo ako at tumingin Kay kiro.
"Hubby Sabay ka na samin" pag aaya ko Kay kiro.
Sana pumayag sya!
Tumayo sya at naunang naglakad samin. Tinignan ko si moira ang sama ng titig nya sakin kaya binelatan ko sya. Sorry na lang sya dahil sakin lang ang HUBBY KIRO KO.
------
Canteen.."Hubby! Hindi ka talaga sasama?" Tanong ko sa kanya. Katabi ko sya ngayon kaya free akong titigan sya at tanungin.
"I don't know" sabi nya habang kumakain.
"Eh? Sayang!" Sabi ko. Bumaling naman ako Kay ice." Ice sasama ka diba tabi tayong ta--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita si kiro.
"Sasama ako" saad nya. O to the M to the G... Sasama ang hubby ko!!
"Talaga!!" Sa sobrang saya ko niyakap ko sya.
"Ay he he sorry.. Hubby ko na dala lang" sabi ko at ngumiti ng peke. Tumingin ako sa kanya at ang cute nya namumula yung tenga nya tapos medyo lumaki din yung mata nya na kala mo nagulat sya. Actually nagulat talaga sya haha!!..
"Hi Kimmy!" Napabaling ako sa lalaking tumawag sakin. Si drake pala
"Hi drake!" Ngumiti ako sa kanya.
"Kimmy do you know him?" Tanong ni kira. Tumango naman ako Napa 'ah' na lang sya.
Napa tingin ako Kay kiro na ang sama ng muka nanaman problema nya? Nag seselos ba sya?
------------
Naglalakad na kami ngayon papunta sa room. Akalain nyo yun classmate namin si drake pero kanina talaga ang sama ng aura ni kiro my hubby ko, ano kaya problema sya? O di kaya nagseselos sya!!! Ang assumera ko naman.
Nagsi upuan na kami ng makarating na kami sa room. Kasabay ng pagupo namin ang pagdating ni mam. Mae ang napaka kulit naming teacher actually may love life sya ngayon kaya ayan tuwang tuwa.
"Class, sa gaganapin na camping ay kailangan ng bawat isa ng partner, dapat ang mga babae ay parner nila ay lalaki lamang" sabi ni mam. Nagsihiyawan naman yung mga classmates ko.
"Okay class! So ito ang mga partners"mam. Sinabi na ni mam ang lahat ng partners. Pero kami wala.
"Mam wala pa kaming partner " angal ni moira.
"Sino pa ang walang partner " tanong ni mam. nagsitaasan kami ng kamay
"Oh sorry, kira si ice ang partner mo"
"Kiro si Kimberly ang partner mo" waah!! Partner ko sya woooh!! Sorry to say moira mas panalo ako kesa sayo. Hmp!
"And last drake and moira"
"Kaya be ready class dahil bukas na ang camping mga tatlo or apat na araw tayong magcacamping. Okay! Wala nga pala kayong klase ngayon kaya pwede na kayong umuwi" saad ni mam at lumabas.
Tumayo ako at pumunta sa upuan ni kiro. Yumuko ako sakto namang tumingala sya kaya nalapit ang muka namin.
O.O 👉 ganyan itsura nya.
Medyo umurong sya ng kunti napangiti na lang ako namumula nanaman kase tenga nya.
"Hubby sabay tayo uwi ah" nakangiting tanong ko at umayos na ako ng tayo.
"Ok" maikling sagot nya. Tumayo na sya at naglakad kaya sumunod nako.
-------
Bahay...
"Mommy may camping kami bukas ah" pag papaalam ko kay mommy.
"Okay basta magiingat ka doon" tumango ako at pumunta sa kwarto.
Inayos ko na ang mga gamit nagagamitin ko para bukas. Nang maayos ko na ay humiga na ako at hinayaang hilahin ng antok.
BINABASA MO ANG
My Coldhearted Possessive Boyfriend
Teen FictionPano ko nga ba naging boyfriend ang lalaking saksakan ng LAMIG? Pano nga ba? Sa pagkakaalam ko hinahabol habol ko lang siya noon pero ngayon, naging boyfriend ko na siya. Pano nga ba kami nahantong sa ganitong set up? Ano nga ba ang ginawa ko pa...