CHAPTER 3: Bully

1.2K 36 0
                                    

Kasalukuyang naglalakad ako ngayon dito sa hallway ng school at lahat ng nasasalubong ko eh masama tingin sakin. Tungkol nanaman to sa post ko sa facebook hindi pa rin sila nakaka move on don. 

"Hoy kim ang kapal ng muka mong mag post ng ganun!" Sigaw ni Samantha cortez ang pambansang playgirl ng campus. 

"Eh ano naman sayo yon" mataray na sabi ko sa kanya. 

"What did you say" halos umusok na yung ilong nya sa galit. 

"Sabi ko ang pangit mo" sabi ko sa kanya. 

Mukang na wrong say ata ako!! 

Lumapit sya sakin sabay

Pak

Ang sakit ng pisngi ko sinampal lang naman nya ako. 

"Ayan ang bagay sayo! Assumera ka kase" sabi nya sabay walk out. 

Naglakad na lang ulit ako papuntang room. Hinimas himas ko yung pisngi kong sinampal nya hanggang ngayon masakit parin. 

Pinihit ko yung doorknob ng pintuan ng room namin hindi ko pa man nabubuksan ng todo ay may bumuhos na sakin tubig na malamig. 

Narinig kong nagsitawanan silang lahat. 

"Hahaha loser"

"Buti nga sayo"

"Papansin ka kase kay kiro"

Rinig kong sigaw nila napayuko na lang ako wala naman akong laban sa kanila ang dami kaya nila. 

Pumasok na lang ako ng room at linapag yung bag ko tsaka ako lumabas ng hindi man lang sila pinapansin. 

Shit! Ang lamig! Grrr

Nanginginig na naglalakad ako ngayon papunta sa locker ko. 

Ngayon pinagsisisihan ko na ang pagsagot ko kay Samantha alam kong pakana nya to sya lang naman may demonyong ugali sa school nato. 

Buti pala nagdadala ako lagi ng extra uniform. 

Pagkakuha ko ng uniform ay pumunta nako sa cr para magpalit. 

8:00 na, late na rin ako. Lumabas ako ng cr at naglakad papuntang room. 

"Why are you late miss park, at bakit basa ang buhok mo?"Tanong ni mam. 

"Pumunta lang po ako ng cr, tsaka nasira po yung gripo ng cr natin kaya lahat ng tubig napunta sakin" pagpapalusot ko.

My Coldhearted Possessive Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon