Nagising ako ng maramdaman kong may tumatapik sa aking balikat.
Pagmulat ko ay isang anghel agad ang bumungad sakin
'Ang gwapo talaga ni hubby'
"Kimmy okay ka lang ba?" Tanong nya.
Napabalik lang ako sa realidad ng magtanong sya
"Huh? Ano? Ah oo" alanganing sagot ko
"Asan nga pala tayo" tanong ko
"Nasa kubo" simpleng sagot nya
Ay! Oo nga pala na stranded kami dito sa gubat.
Ang lakas parin ng ulan.
"Hubby hinahanap na kaya nila tayo? " tanong ko muli.
Tumingin sya sakin. " siguro"
--------------
4 hours later"Ang tagal naman tumila ng ulan!" Reklamo ko. Linalamig nako kanina pa tapos yung ulan at yung hangin hindi man lang humihina idagdag pa ang kawalan ng ilaw at panlamig panlaban sa hangin.
Nakaupo lang si hubby sa isang sulok kahit madilim kita parin naman sya kase ang puti nya.
Nakaka insecure nga eh dinaig pako sa kaputian
"Hubby nilalamig nako" reklamo ko pa .
Totoo naman kase kanina pako nilalamig nanginginig na nga ako eh
Maya maya pa ay nakarinig ako ng yabag papunta sa dereksyon ko. Umupo sya sa harap ko
My ghod sobrang lapit ng muka namin!!
Hala papalapit na yung muka nya!! Oh my di ako prepared!
"Ah hehe hubby ano gagawin m--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla nya akong yakapin.
"Nilalamig ka pa ba?" Tanong nya. Tumango ako bilang sagot.
Ano bato!! Kinikilig ako!!
Ang tigas ng dibdib nya!!
Oh my!!! Sana ganto na lang kami
---------------
Nagising ako ng may tumapik sa balikat ko.
Yieee! Heaven! Muka kasing anghel si hubby ko.
"Let's go, bumalik na tayo sa hotel" as usual malamig na Boses nanaman nya.
Tumingin ako sa paligid. Tumila na pala ang ulan.
Woo! Buti naman.
Inalalayan nya akong tumayo. Sayang! Naka t-shirt na sya! Wala na yung abs nya yiee! Haha landee!
Lumabas kami ng kubo. Buti naman umaraw na! Naglakad kami pabalik sa mga linakaran namin kagabi. Sobrang putik! Dahil sa ulan kagabi ang hirap dumaan dahil sa mga putik na nadadaanan namin ang kakapal pa naman.
Habang naglalakad kami ay nakarinig kami ng sigaw.
"KIRO!!"
"KIMMY!!"
OMO!!Boses yun ni Mara at kira.
"wait here" sabi ni hubby at umalis. Naiwan akong nakatayo habang nakalubog ang paa ko sa putik no choice eh!
5 minutes later
"Hubby nasan ka na" maiiyak na ko sa takot dito ang tagal nya eh! Baka kung ano pang mangyare sa kanya!.
Napatingin ako sa taas ng may tubig na pumatak sa muka ko.
Mukang aambon pa! Wrong timing naman eh!.
Tumingin tingin ako sa paligid Baka sakaling may ma silungan ako.
Luckily may nakita akong malaking butas. Agad akong naglakad papunta sa butas nayon pero agad din akong napaurong ng may lumabas na mataba at mahabang.....
"A-ahas"
Agad akong tumalikod at tumakbo ng tumakbo. Huminto ako ng marealize Kong malayo na pala ang narating ko.
Bigla na lang pumasok sa isip ko yung sinabi ni hubby na 'wait here' patay! Patay ako nito! Huhu😭.
Anong gagawin ko?!!! Pls somebody help me!!!
Lumakad ako pabalik pero agad din akong huminto ng makarinig ako ng kaluskos. Huhu! Baka kung ano nanaman yung lumabas ee! Hahanap na lang ako ng shortcut siguro naman may shortcut dito..
Tumalikod ako at mas pinili ko na lang ang maghanap ng shortcut kesa dumaan ulit sa dinaanan ko kanina. Baka nandun pa yung ahas.
Sana makahanap ako ng shortcut...
BINABASA MO ANG
My Coldhearted Possessive Boyfriend
Teen FictionPano ko nga ba naging boyfriend ang lalaking saksakan ng LAMIG? Pano nga ba? Sa pagkakaalam ko hinahabol habol ko lang siya noon pero ngayon, naging boyfriend ko na siya. Pano nga ba kami nahantong sa ganitong set up? Ano nga ba ang ginawa ko pa...