CHAPTER 8: Kimmy vs. Moira

1K 31 0
                                    

Kim pov... 

"Kimmy ano score mo? Bilis baka mas mataas ako sayo" tanong ni ice sakin. 

"Oo nga kimmy" sabat naman ni kira at tumabi kay ice. Hmm! I smell something fishy. 

"Atat kayo? Wala pa nga yung papel ko eh! Tagal kase ibigay!" Angal ko. 

"Kiro ang taas ng nakuha mong score" rinig kong sabi ni moira kay kiro. Lumingon ako sa likuran hindi nga ako nagkamali linalandi nanaman ng moira nato ang Hubby ko. 

Nginitian nya pa si kiro ito namang si kiro Hindi nya pinapansin si moira. Nawala lang yung ngiti nya nung bumaling na sya sakin. 

"Zero nanaman nakuha mo sa quiz, hindi kase nakikinig. tsk! Hindi ka katulad sakin maganda matalino pa. "Bulong bulong nya. 

"Edi ikaw na matalino! Kala mo naman kinaganda mo na talaga yan!" Bulong ko sure naman akong maririnig nya yon. 

"What did you say?" Taas kilay nyang tanong. 

Tinaasan ko din sya ng kilay. " Wala sabi ko panget mo" napatawa naman sila ice at kira sa sinabi ko. 

"Ako panget? Baka Ikaw" halos umusok na ilong ni moira sa galit. 

"Sure ka bang panget ako? Ang ganda ko kaya, kaya nga ang dami kong manliligaw ee" pangbwibwiset ko sa kanya. Totoo na maraming nanliligaw sakin pero lahat yon binasted ko dahil kay kiro. 

"Kaya pala hindi nagkakagusto sayo si kiro" sabi nya at nag smirk. 

Alam kong narinig yon ni kiro

"Kase nga hindi nya pa ako type sa NGAYON but SOON magiging AKIN din sya" naka ngiting sabi ko kahit na deep inside banas na banas nako. 

"Bwiset ka!" Galit na sabi nya sakin. 

"Bwiset ka din!" Tumayo ako at sumiryoso. 

"Bat ba habol ka ng habol kay kiro kahit na alam mo namang wala kang pag asa sa kanya" galit na sabi nya sakin. 

"Wala kang pake elam kung habol ako ng habol sa kanya eh sa ganun ako ee pake mo" seryosong sabi ko sa kanya. 

"You bitch" sabi nya sakin akmang ihahampas nya sakin yung hawak hawak nyang folder ng hawakan ko yung kamay nya 

Diniinan ko ang pagkakahawak. Napa ngiwi naman sya sa sakit

" di porket Ikaw ang president ng room papabayaan ko ng ganyan ganyanin moko tandaan mo Hindi mo ko kilala. masayahin akong tao pero wag mo lang akong sasagadin makikita mo hinahanap mo" pagbabanta ko sa kanya. Umupo na ulit ako sa upuan ko. Nagmamartsang umalis sa room si moira for sure magsusumbong na naman yan Kay mam lone iba talaga pag sip sip.

"Oh my!! Kimmy iba ka" pagpupuri sakin ni kira.

"Oo nga" dag dag ni ice.

"Iba talaga pag si Kuya na ang pinaguusapan lumalaban ka na" tukso sakin ni kira.

Tumingin ako sa likuran ko at ngumiti ng makita Kong nakatingin din sakin si kiro.

"Syempre"

------

Wala akong matitigan ngayon wala kase ang hubby ko pinatawag ni Mam. Lone

"Pinapatawag ka ni Mam. Lone" nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko. Lumingon ako at si 

Kiro lang pala ang bilis nyang maglakad papunta dito.

"Bakit daw " Hindi nya pinansin ang tanong ko bagkus ay naglakad na lang sya kaya sumunod Nako. Huminto kami sa tapat ng office ni Mam. Lone. Binuksan ni kiro ang pintuan kaya pumasok ako. Nakita Ko si moira na nakaupo sa tabi ni mam at umiiyak.

Sabi na nga ba nagsumbong sya!

"Ms.park anong ginawa mo Kay moira pinagsasabihan ka lang daw nya na zero ang nakuha mo sa quiz nyo pero bigla ka daw nagalit" tanong sakin ni mam.

"Wala naman akong ginagawa sa kanya mam" sagot ko.

"Wala!! Ms. Park kung may galit ka Kay moira isantabi mo muna yan. Hindi ko na gusto ang ugali mo ms.park lagi ka na ngang bagsak sa quizzes tapos ganto pa ginawa mo" galit na saad ni mam sakin.

Tumingin ako ng malamig Kay mam at Lumapit sa lamesa ni mam.

Ramdam ko ang presence ni kiro sa likod ko

"Mawalang galang na mam bakit Hindi nyo ho muna Itanong sa kanya kung anong ginawa nya sakin tsaka USO pong magtanong sa iba naming kaklase Hindi yung sya lang yung kinakampihan mo" sabi ko .

"Watch your mouth ms.park , dahil dyan sa ginawa mo linisan mo ang detention room" galit na saad ni mam.

Lumabas ako ng office ni mam. Ramdam ko parin ang presence ni kiro.

My Coldhearted Possessive Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon