CHAPTER 17: Worried

991 30 0
                                    

Kiro pov.

The fuck! Nasan na siya!

Nandito kami ngayon sa linagiwanan ko kay Kimmy halos lahat kami naghahanap na sa kaniya. Kahit kailan talaga napaka-tigas ng ulo ng babaeng ‘yon.

"Kiro pag may nangyare kay Kimberly, malalagot ka sa ‘kin" banta sa ‘kin ni Drake. What's wrong with him? Weird.

Nagpatuloy kami sa paghahanap, nang may makita akong balat ng ahas base sa balat nato ay malaki at mataba ang ito....the fuck! Di kaya nakita ni Kimmy ang ahas nato! At baka tumakbo siya papalayo?

"What's tha—oh balat ng ahas? May ahas dito! Kiro I'm scared" Natatakot na sabi ni Moira at yinakap niya ang braso ko.

Dumaan sa harapan namin si Drake na masamang nakatingin saming dalawa.

"Nakuha niyo pa talagang maglandian tsk" Drake said then he walked straight down the path that Kimmy might have passed.

Tinanggal ko ang pagkakayakap ni Moira sa braso ko. Nakakabanas e!

Naglakad ako sa dinaanan ni Drake. Sumunod naman sa ‘kin si moira at sila Kira at Mara.

"KIMMY! WHERE ARE YOU!" sigaw ni Kira.

Maghanap kami ng naghanap sa gubat nato.

Where are you Kimmy! Where are you! I'm damn worried now!

______________

Kimmy pov...

Huhu! Pagod nako kakalakad gutom na rin yung tiyan ko kagabi pako walang kain, sana pala sumunod na lang ako kay hubby kanina.

Mag gagabi na rin at dumidilim narin dito sa gubat! Shacks! ang creepy guys help me!

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa nakarinig ako ng alulongng kung anong hayop man ‘yon sa sobrang takot ko ay tumakbo ako ng may mabangga akong matandang lalaki.

"Sorry po sorry po" agarang hingi ko ng tawad.

"Okay lang ineng, ano palang ginagawa mo dito? Mag gagabi na ineng at delekado dito sa gubat pag gabi na" Sabi ni lolo. Ngayon ko lang napansin na may kasama siyang isang matandang babae asawa niya siguro.

"Naligaw po kase ako"

"Ganun ba! Isa ka sa mga turista dito sa boracay ah noh?" Tanong ni Lola.

Tumango ako bilang sagot.

"Sumama ka samin dahil mag gagabi na pansamantalang duon ka muna sa bahay namin siguradong matutuwa ang dalawa kong anak" sabi ni Lola at hinawakan ako sa kamay.

Dahil na rin sa no choice ako ay sumama na ako, magpapachoosy pa ba ako mamamatay nako sa gutom at takot dito.

Himinto kami sa paglalakad ng matunton namin ang malaking bahay, mukhang dito nagtatrabaho ang mag asawang ito.

Kumatok si Lola sa pintuang malaki at halos lumuwa ang mga mata ko ng nahagyang yumuko ang babaeng nakabihis kasambahay at binati si Lola at Lolo at nakaka shock pa na senior at seniora ang tawag sa kanila. Akalain niyo ‘yon mayaman pala tong si Lola at si lolo.

mas nakakagulat nung pumasok kami sa loob at shala! ang ganda ng loob sobrang linis pa, busy ako sa paghanga sa bahay nila nang may magsalita sa likod ko.

"Who are you?"

Agad akong napaharap sa likuran ko at shemas! Ang gwapo niya!

"H-huh?" Anong gagawin ko? Lolo, Lola help me.

"Cloud wag mo siyang takutin" saway ni Lola.

"Oh my god! Lola ang ganda niya" Napatingin ako sa babaeng maliit siguro nasa 10 or 12 years old palang siya.

"Ate, what is your name po?" tanong nung bata.

"Ah I'm Kimberly Park but you can call me ate Kimmy" Nakangiting sabi ko, ngumiti din sya sakin ang ganda nya.

"I'm cheska Larson and he is my older brother Cloud Larson" ang kulit niya tas palangiti unlike sa kuya niyang seryoso parang si hubby ko.

Speaking of hubby namimiss ko na siya, I'm sure na tuwang-tuwa yung hipokritang Moira na ‘yon kase wala ako doon.

"Cheska how old are you?" I asked.

"9 po ikaw ate Kimmy"

"Ahm magna-19"

"Parehas po kayo ng kuya ko" sabi ni Cheska. Napatingin naman ako sa kuya niya nakatingin din siya sa ‘kin pero agad niya ding iniwas at umalis na lang bigla.

"Cheska tama na yan! Ineng magpahinga ka na, Cloud ipunta mo siya sa guest room" Sabi ni Lola kay Cloud.

Bumalik si Cloud at umuna ng maglakad.

"Salamat po" Sabi ko.

"Gigisingin ka na lang namin pag kakain na wag ka mag alala bukas ihahatid ka namin sa resort kung saan ka naka check-in" Sabi ni lolo. Ngumiti na lang ako at sumunod kay Cloud.

"Thanks" sabi ko kay Cloud pero linayasan niya lang ako. Hay! Ang sungit niya, binuksan ko na lang ang pintuan at pumasok sa loob may kama pero medyo maliit pero okay narin basta may mahihigaan ako.

Patihayang humiga ako sa kama at malalim na napabuntong hininga, I'm sure hinahanap na nila ako wala kase yung cellphone ko pero naiirita ako kay Moira, ampas ko pa sa kaniya hubby ko e.

Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi namalayang nakatulog na ako.

My Coldhearted Possessive Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon