Eight

13.8K 487 24
                                    

Raiden

Tatlong araw simula noong nagpa-enroll ako. Tatlong araw simula noong nabasa ko ang instagram story ni Kyle. Tatlong araw. Tatlong araw ko na siyang hindi nakikita. Hindi naririnig.

Hindi niya ako tinawagan nitong mga nagdaang araw. Hindi ko rin ito tinawagan dahil ayokong mag-isip ito ng kung ano. Hinayaan ko lang. Nilibang ko ang aking sarili sa ibang bagay. At kapag sinabi kong ibang bagay iyon ay ang uminom. Mambabae. Party at night tapos kalbaryo sa umaga dahil sa sakit ng ulo at pagmumura ng babaeng naikama ko.

I sip at the cup of coffee that I ordered. Nandito ako sa malapit na coffee shop sa apartment ko upang magkape dahil sa sakit ng ulo ko. Hangover. Tsk.

It's the most bullshit thing after drinking. Why do we have to suffer after having a good time huh?!

Napailing ako sa aking ulo nang marealize na kanina pa ako tingin ng tingin sa phone ko na nakalapag sa mesa. Aaminin ko, naghihintay ako na tumawag siya. May gusto akong itanong sa kanya pero ayaw kong ako ang una na lumapit dito. Mapride na kung mapride pero ganoon ako. Bahala siya sa buhay niya.

"Fuck! Ano ba kasi ang ginagawa niya?," mahina kong tanong kahit wala namang sasagot. Mababaliw na ako kakaisip.

Hintayin ko nalang na matapos ang araw na 'to. Bukas ay Sabado ibig sabihin may trabaho ako. Ibig sabihin makikita ko siya.

Tangina, seryoso na ba ako sa iniisip kong' to?

I sighed as a sign of surrender.

Natalo na naman ako sa marupok kong katangian.

Umalis na ako sa shop at umuwi sa apartment ko. Nagbihis ako matapos maligo at napagpasiyahan na mamimili ng gamit ko para sa klase. Ayokong manatili buong araw sa apartment ko dahil baka mabaliw lang ako don.

Nang makarating sa mall ay dumiretso ako sa National Bookstore para doon mamili. I just bought a binder, pens and other things that I think was necessary. Medyo natagalan ako sa pagbayad dahil maraming tao. They're also buying requirements for the opening of new school year.

Nang matapos ay kumain lang ako sandali at umuwi na. Pagkauwi ko sa apartment ay agad akong napahiga sa kama. I stared at the ceiling and spaced out.

Ang boring.

Nabalik ako sa wisyo nang tumunog ang cp ko. Dinukot ko ito mula sa aking bulsa at tiningnan kung sino ang tumatawag.

"Hey Love," sagot ko sa tawag.

"Hey Rad. Ano balita? Hindi ka nagchika sa'kin," tanong nito sa nagtatampong boses.

"Wala namang chika. W-Walang nangyari," pagsisinungaling ko.

"Neknek mo! By the way, I've found a job for you."

Natigilan ako sa balita niya. She already found a job for me pero nagtatalo ang isipan ko kung tatanggapin ko ba.

"Hoy, ano? What's your decision?"

Ayoko.

Pakiramdam ko ay hindi ako dapat na tumigil sa trabaho na 'yon dahil lang sa may kung ano akong nararamdaman kay Kyle. Kailangan ko ng pera at ang pagiging secretary ni Kyle ay malaking tulong. Sa tingin ko ay walang makakapantay sa sahod na binibigay sa' kin ni Kyle.

It's a matter of feelings over practicality.

Kung magpapadaig ako sa emosyon ko, mahihirapan akong macover ang gastusin ko sa art class ko.

At isa pa...

Ayokong malayo kay Kyle. Hindi sa ngayon. Marami pa akong tanong sa kanya.

"Thanks Love but I won't accept it. Okay na ako sa trabaho ko ngayon. I'm totally fine," mahina akong napabuntong-hininga.

"Are you sure?"

"Yes. Thanks a lot."

"Anytime baaaaabe! Bye!"

Natawa ako sa pagtawag niya sa'kin ng babe. Mahilig talaga itong tawagin ako sa kahit na anong emdearment. I don't mind it because she's like a sister to me after all.

"Bye," I hanged up and tossed my phone to the side. Napapikit ako at napabuntong-hininga.

I'm frequently sighing this past few days. Sign 'to ng maraming iniisip.

Bukas, tatanungin ko nalang siya. Pagkapasok ko sa trabaho, I'll ask him and clear some things.

**********

Kinabukasan ay mabilis akong naghanda para pumasok na sa trabaho. Nagsuot lang ako ng stripe polo shirt inserted on my black jeans and a pair of black shoes. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.

Hindi naman siguro ako overdress? Presentable naman akong tingnan. Kanina pa ako napapaisip kung dapat ba akong magtuxedo gaya ng empleyado niya doon. Pero naalala ko na hindi naman kami pumipirmi sa opisina niya kaya't okay lang siguro na kahit ano ang susuotin ko. Wala namang dress code na binigay eh.

Nang matapos ayusin ang sarili ay agaran akong nagmaneho patungo sa kompanya ni Kyle. Malapit ng mag alas-otso pero sa tingin ko ay hindi naman ako late dahil wala akong natanggap na text mula sa kanya na hinahanap niya ako.

When I arrived at the company, naghanap ako ng pwedeng pagparkingan ng kotse ko. After I safely parked my car ay tiningnan ko ang aking repleksyon sa rearview mirror ko. Habang inaayos ang buhok napatingin ako sa cp ko nang tumunog ito.

I grabbed my phone and opened the message from Kyle. Nagbago ang emosyon sa mukha ko nang mabasa ko ang message niya.

FROM: Sir Kyle

Don't work today. I have important things to do.

Para akong nadismaya sa nabasa. Bakit hindi niya sinabi kahapon? Noong nakaraang araw? Nandito na ako sa labas ng kompanya niya, tang'na pumunta lang pala ako sa wala kung gano'n.

Nagreply ako ng simpleng 'Okay Sir' sa kanya bago binalik ang cp ko sa nilagyan ko kanina. Napatitig ako sa entrance ng kompanya niya.

Ano ba 'tong nangyayari sa' kin?

Habang nakatitig sa entrance ay napakunot ang noo ko. Tiningnan ko ng mabuti ang dalawang tao na kakalabas lang at nakatayo na parang may hinihintay.

It's Kyle and a girl that I don't know.

Nag-uusap silang dalawa. Nakatalikod si Kyle sa'kin habang nag-uusap sila kaya ang mukha ng babae ang nakikita ko. Nagkakatuwaan yata sila dahil sa malawak na ngiti ng babae at pagtawa nito. Nakita ko pa kung paano niya natatawang hampasin si Kyle sa dibdib na kinailing naman ng huli.

Moments later ay pumarada ang kotse sa harapan nila at mabilis silang pumasok doon. Kyle opened the door for the girl before he entered on the other side. Umalis na sila lulan ng sasakyan at naiwan ako doon na mahigpit na nakahawak sa manibela.

Damn it!

Ngayon lang ako nainis sa babae. Tangina umiinit talaga ang dugo ko ngayon.

Argh pota!

Bakit ba ako nagkakaganito?! Bakit ako naaapektuhan? Ano ba sa'kin kung may kasama itong babae? Ano ba sa'kin kung ang important things to do pala nito ay babae?

What does it concerns me?

****************

@HenryLauv

The Hacker (BxB) CompletedWhere stories live. Discover now