Seventeen

11.5K 396 23
                                    

Raiden

My head's throbbing when I woke up. Tinatamad na bumangon ako at kinapa ang phone sa gilid. Nang makuha ito ay tiningnan ko kung anong oras na. It's already seven in the morning. I sighed in relief. Good thing I don't have my first period class right now. Mamayang alas nuebe pa ang pasok ko.

Kinusot ko ang mata ko at tamad na bumangon. Napaupo ako habang napapamura dahil sa sakit ng ulo.

"Hangover?"

Nagulat ako dahil sa narinig na boses. I looked at the owner of the deep voice sitting casually on the chair placed in front of my bed.

"What the fuck?! Paano ka nakapasok?!," gulat na tanong ko kay Kyle. He's serious as fuck while looking at me. His gaze are dark and I don't know why I feel intimidated by his looks. Nakaramdam ako ng kaba nang hindi ito sumagot. "Hoy anong ginagawa mo dito?!," sigaw ko ulit. Napalunok ako nang masabi iyon ng hindi nauutal.

"Is partying part of your family matter?," malamig nitong tanong. Kumunot ang noo ko dito.

"Paano mo nalaman? At isa pa bakit ka nandito? I thought you're out of the country? Paano ka nakapasok dito huh?," sunod-sunod kong tanong.

"I just fucking found out that you were making out with a girl when I was not around so I fucking flew right away back here to see you."

"H-How'd you---

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang maalala ko ang lalaki na nakita ko kagabi. Mas lalong kumunot ang noo ko nang tingnan ko ito.

"Pinapasundan mo ba ako?!," I blurted out.

"It doesn't matter."

"It's illegal! Tangina mo, gago ka ba?!," galit kong sigaw sa kanya. Napatayo ako sa kama at lumapit dito. "You're obsessed!," I shouted pointing at him.

"Hell I am!," he shouted back as he stood up. "Fuck, how could you make out with someone else?! How could you kiss someone other than me?!"

"Bakit naman hindi?!"

Sigurado akong namumula na ako sa galit ngayon. My throat's also hurt because of this constant yelling but I won't fucking let him win this argument!

"You're mine, Raiden! Mine!"

Mas lalong kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

"What the fuck are you talking about?," hindi makapaniwala kong tanong dito.

I saw Kyle swallowed hard because of the movement of his Adams apple. Napahilamos ito sa kanyang mukha bago ako ulit tiningnan. His face softened as he looked at me.

"I've never been so insecure all my life, Raiden. Pagdating lang sayo. Yes, I had someone following you. Since the beginning. It's weird, absurd, crazy pero sinusundan na kita noon pa man. Noon nakakaya ko pang magpigil kapag nakikita kang may inuuwing babae dahil hindi pa ako pumapasok ulit sa buhay mo," mahaba nitong litanya. "But babe, I'm here already. Why are you still doing it?," he asked almost pleading. I can see how weak Kyle's state right now.

I can't handle it so I looked away. Dahil sa ginagawa niya ay mas lalo akong nahuhulog. I admitted it to myself already. Oo, may nararamdaman na ako sa kanya. I noticed it already but I just admitted it fully. I want to console him and assure him that I'm not seeing anyone anymore other than him. Gusto kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

But no.

My pride can't take it.

He just trespassed, pinasundan ako at sinigawan. Hindi ko iyon mapapalagpas.

"Walang tayo Kyle. I have no responsibility to be faithful to you," mahina kong sabi sakto lang na marinig nito.

"But I thought---

Hindi nito natuloy ang sasabihin nang sinamaan ko ito ng tingin.

"That's not how it works, okay?!"

"Then fucking tell me how it works!"

"Both of us should have feelings for each other---

"I do love you."

"I don't."

Napaawang si Kyle sa sinabi ko. Pati ako ay nagulat sa pagtanggi ko. Nakaramdam ako ng kaba kaya ay umiwas ako ng tingin.

"You're lying. I'll court you and fucking make you mine, Raiden," gulat akong napalingon sa kanya. The moment I did that our faces are inches away from each other. Hindi ko namalayan na lumapit pala ito sa'kin. Kyle brushed his lips on mine softly before releasing it. I pursed my lips as I looked at him in the eye. "You're only mine, Alonzo. This...," he traced my lower lip with his thumb. "...is mine alone."

MY DAYS went on after the encounter with Kyle. I don't know if he's serious dahil isang araw na ang lumipas ngunit wala pa itong paramdam. I must admit that I am looking forward on what he'll do. Gusto kong malaman kung ano ang gagawin niya para makuha ako.

"So, you're saying that he's already courting you but seems like not?"

Napatingin ako kay Lovely na nakaupo katapat ko. Ibinaba ko ang iniinom kong kape bago tumango sa kanya. Sumandal ako sa upuan at napabuntong-hininga.

"Iyon ang sabi niya. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagpaparamdam," sabi ko rito.

"Babe may feelings ka na sa kanya!," sigaw nito. Sinamaan ko ito ng tingin at napalingon sa paligid. Mabuti nalang at kaunti lang ang tao sa coffee shop at wala naman yata silang pakealam.

"Hinaan mo nga ang boses mo!," saway ko rito. Napapeace-sign ito sa'kin na kinailing ko lang. "And also call me anything else. Huwag na ang b-babe," I added.

"Ay?! Iyon ang tawagan niyo? Ang landi mo babi!"

"Anong babi?"

"New endearment duh!"

Napakamot nalang ako sa ulo dahil kay Lovely. Ewan ko ba kung bakit ganyan ang babaeng 'yan.

"Pero let me ask you, ha. Bakit mo dineny ang feelings mo sa kanya tapos ngayon magdadrama ka kasi hindi nagparamdam?," natahimik ako sa tanong ni Lovely. Tangina, hindi niya talaga napapalagpas ang mga detalye sa kwento ko.

"I told you my pride can't take it. Sinabi ko na sayo ang ginawa niya," I answered honestly.

"I know naman na masama talaga 'yung ginawa niyang pagpapasunod sayo tapos nag-trespassing pa. Pero hello?! Nag-explain naman e!"

"Kahit na!"

"Hala ang bitch mo Raiden! Mas matangkad pa sa'kin 'yang pride mo!," sabi ni Lovely na parang naste-stress. "Kung gusto mong magwork 'yang relasyon niyo--- na hindi pa naman nasisimulan kasi pabebe ka---magpababa ka ng pride. Ganoon dapat, babi! Wala namang mawawala kung aamin ka at bibigyan mo ng chance! Ikaw lang din ang mahihirapan kung magpipigil ka," mahaba nitong litanya.

Napatitig ako kay Lovely bago napabuntong-hininga at iniyuko ang ulo. Aaminin ko na may point ang sinabi niya. Masyado akong mapride, noon pa man. Package na 'to sa attitude ko. Sa sinabi ni Lovely ay parang natauhan ako.

There's no point of denying it. Habang mas dinedeny ko ay mas lalo naman akong nahuhulog.

"Ano ang gagawin ko?," I asked Lovely.

"Hayaan mo lang manligaw. Pakipot ka konti, mga dalawang araw o isa. Depende kung gaano ka karupok," she said as she shrugged her shoulders. "Tapos balitaan mo'ko kung kayo na," dagdag pa nito.

I chuckled at her. I raised my coffee and cheers with her before sipping from its straw.

Hindi mawala sa labi ko ang mga ngiti habang tinatapos ko ang araw kasama si Lovely.

I'll just probably wait for Kyle's courting.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

@HenryLauv

The Hacker (BxB) CompletedWhere stories live. Discover now