Twenty-seven

11K 377 44
                                    

Raiden

"TAPOS na ba?"

Inayos ko ang pagkakalagay ng gamit namin ni Kyle sa kanyang comfort room. The pair of glass, pair of toothbrush. Ang dalawang tuwalya at robe na nakasabit sa gilid at ang dalawang tsinelas pang-cr. Everything's in pair. Kahit saan ka tutungo sa bahay, malalaman mo agad na may dalawang taong naninirahan sa loob.

"Tapos na," sagot ko bago lumabas. Nadatnan ko si Kyle na nakaupo sa sahig at nakasandal sa kanyang kama. He's folding our clothes. Nag-away pa kami kanina kasi gusto niya i-hanger nalang lahat ng damit para hindi na magtupi. Pati ang pambahay gusto niyang ilagay nalang sa hanger.

"Let's just hang it all. Nakakatamad naman magtupi nito lahat," reklamo niya. I glared at him and he narrowed his eyes at me, fighting back.

"No. Sundin mo ang gusto ko," may diin kong sabi.

"Tss," he rolled his eyes at me. "Kung hindi lang kita mahal, nako!," I chuckled as he started folding our clothes. Susunod naman pala.

Lumapit ako kay Kyle at umupo sa harap niya. He finished folding the last shirt and carefully placed it above the others. Tumayo ito at kinuha ang mga natupi ng damit at inilagay sa cabinet. After closing it he looked at me, hands on his waist.

Tumingala ako sa kanya at nagtatanong na tumingin.

"Ano?"

He pouted. Bumagsak ang mga balikat nito at parang bata na tumabi sa'kin.

"Babe, magpakasal na tayo...,"malambing nitong sambit. He's sitting beside me and later on hugged my waist. Isinandal nito ang kanyang ulo sa aking balikat. "Simple wedding lang, sa ibang bansa."

Nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi nito. Hindi ko alam kung seryoso ba 'to o ano e.

"Pagod ka lang," sabi ko sa kanya. Kyle sighed heavily and hugged me tighter. He leaned closer to me and buried his face on my neck. I can feel his breath fanning the side of my neck as he planted soft kisses on it. Hindi ko maiwasang manigas at mapalunok dahil sa ginagawa niya.

Kyle chuckled which made me blush even more. Damn, hacker.

"Raiden, promise me you'll marry me," bahagya nitong nilayo ang mukha sa leeg ko at tumingin sa'kin habang ang ulo ay nakasandal sa balikat ko. "Babe, mag-promise ka sa'kin," he asked softly.

"Sigurado ka ba? I mean, ayaw mo bang magka-anak? Sayang lahi mo," tanong ko rito. Kyle glared at me as his face darkened. Tinaasan ko lang ito ng kilay na kalaunan ay nagpabuntong-hininga sa kanya.

"Tss, ano ang lahi kung hindi ikaw ang malalahian ko?"

"Gago!"

Kyle let out a heartfelt laugh.

"Seryoso nga ako. Ayaw kong magpalahi sa iba, gusto ko sayo lang," he said grinning. Napailing nalang ako habang mahinang natawa sa sinabi niya. Nasasanay na ako sa ugali niyang mapaglaro. Para sa'kin, kapag ganyan siya ay nagpapakita lang na komportable siya sa'kin.

"Hoy ano na! You're not yet promising me!," reklamo nito na parang bata.

"Oo na! Promise!"

"Seal it."

Pinanliitan ko ito ng mata na kinangisi niya lang. Our face are just few inches away from each other. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at inabot ang labi nito. I kissed his half-opened mouth, shove my tongue inside his and when he responded, I sucked his tongue. I can taste his saliva that went inside my mouth. Gumagawa ng tunog ang halikan namin. A sound of something being sucked and sipped.

The Hacker (BxB) CompletedWhere stories live. Discover now