Nine

12.8K 487 33
                                    

Raiden

"Mauna ka na sa K-World ha? May dadaanan pa ako."

"Okay."

Ibinaba ko ang tawag at bumaba na ng apartment. Minaneho ko ang daan patungong K-World ng may pagkakabahala.

Malapit ang K-World sa UIC. Tambayan iyan ng mga estudyante noon. Kahit kami ay doon tumatambay para maglaro. Sana nalang ay walang mangyaring hindi maganda.

Napabuntong-hininga ako ng marinig ang pagtunog ng phone ko. Ang akala ko ay si Lovely ang tumatawag ulit ngunit nang makita kong si Kyle pala ay nag-iba ang ekspresyon ko sa mukha. Pinilig ko ang aking ulo at nagpokus nalang sa pagmamaneho, completely ignoring his call.

Simula noong nakita ko kahapon ay agad na akong umuwi. I ignored his texts and calls since morning. He texted me early asking me to go to work but I didn't replied. Wala na akong pakialam kung tatanggalin niya ako sa trabaho. Kung sakali man ay tatanggpin ko nalang ang inalok ni Lovely sa'kin.

I completely don't know why I am acting like this. I'm maybe immature but the fact that he's with a girl yesterday and lied to me, fuck, hindi maganda sa pakiramdam. Kapag naaalala ko ay umiinit lang ang ulo ko. Nawawala ako sa mood. Kung bakit? That, I didn't know. I shouldn't act like this, I know. Pero nakakapota lang talaga sa pakiramdam!

After a twenty minutes ride ay nakarating na ako sa napag-usapan namin ni Lovely. Magpapasama kasi ito na mamili ng mga gamit niya sa bagong apartment. Hindi naman ako makahindi dahil parati ako nitong tinutulungan.

I went out the car and stand outside the shop na may nakapaskil sa taas na malaking name na K-World. Namiss ko ang lugar na 'to. Matagal-tagal na rin kasi simula noong huling punta namin dito. After what happened to me, minabuti namin ni Cole na hindi na bumalik sa kahit saan na konektado sa Unibersidad at sa mga estudyante nito.

Kinuha ko ang cp ko at nagtipa doon ng text. I texted Lovely na nakarating na ako para naman ay magmadali siya. I scrolled through my instagram account while waiting for her reply. Nakayoko ang ulo ko habang hinihintay si Lovely at nakatutok sa cp.

"Raiden Alonzo?"

Natigilan ako sa ginagawa nang may tumawag sa pangalan ko. Mariin kong naipikit ang mata ko at kinagat ang ibabang labi. I sighed a little before I face the person who called me.

"Isaiah Ramos," sabi ko sa pangalan nito. Blangko ang mukha ko dahil hindi ko naman kaibigan ang isang 'to. Sa lahat ng tao na pwede kong makita ay siya pa talaga.

"Long time no see. Hindi ko inaasahan na makita kita dito," aniya na may nakakalokong ngiti. Tumingin pa ito sa dalawang kasamahan niya na mahina ring natawa.

Maloko ko rin itong ginantihan ng ngiti. "Hindi rin naman kita gustong makita rito," I said.

I saw how his expression changed. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"The same Alonzo that I know. Did you know that I'm the new captain of the team? Magtatransfer ka na pala."

I clenched my jaw. Pilit kong pinapakalma ang sarili dahil sa pinagsasabi niya. Fucker, lakas maglandakan ng titulo e kung hindi ako umalis ay hindi naman mapupunta sa kanya.

Tumango lang ako kay Isaiah at nanatiling tahimik. Minsan talaga napapaisip ako kung bakit Isaiah ang pangalan niyan e ang ugali hindi umaayon.

"Let me guess why you'd transfer. May I?"

Humakbang ito palapit sa'kin. I remained standing at hindi umatras. When he's few inches away from me, matapang kong sinalubong ang tingin niya. Isaiah looked at me and then his eyes went down to my lips and smirked.

The Hacker (BxB) CompletedWhere stories live. Discover now