Eighteen

11.7K 387 27
                                    

Raiden

"PARECEIVE nalang po Sir."

Pinirmahan ko ang papel na inabot sa'kin ng delivery boy. Ibinalik ko ito sa kanya bago sinarado ang pinto ng apartment ko. Napatingin ako sa hawak kong dalawang paper bag na may laman na mga pagkain.

Inilapag ko ito sa mesa at tiningnan ang note na naroon.

Enjoy your breakfast.
-Kyle

Napailing nalang ako bago kinuha ang phone ko para matawagan si Kyle. Ilang araw na niya akong pinapadalhan ng pagkain tuwing umaga. Minsan ay tulog pa ako may kakatok na sa apartment ko na may dalang pagkain.

May isang beses pa nga na may nagdeliver ng bulaklak sa'kin sa skwelahan.

"Ikaw po ba si Raiden Alonzo?," tanong sa'kin ng lalaki na may bitbit na bulaklak.

Nagtataka naman akong tumango at napatingin sa paligid. Nasa school grounds ako at papunta na sa parking lot para umuwi. May kakaunting estudyante na napapatingin sa gawi ko.

"Flowers for you Sir. Pareceive nalang po," inabot ng lalaki ang bulaklak kaya ay tinanggap ko. Magtatanong pa sana ako kung kanino galing nang makita ko ang maliit na card kasama sa bulaklak.

I miss you.
-Kyle

Nang matanggap ko ang bulaklak ay namula pa ako at nagreklamo kay Kyle na nakakabakla ang ganun. Tinawanan lang ako ng loko at sinabihan na wala akong magagawa dahil iyon ang gusto niyang paraan.

"Hey," sagot ni Kyle sa kabilang linya.

"Natanggap ko na. Palagi nalang galing sa labas ang umagahan ko, ah? Nasasanay na ako," sabi ko rito. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kyle at ang paggalaw nito.

"Soon I'll cook for you. Every damn meal."

"Napapansin ko, bakit palaging breakfast?," tanong ko rito. Napansin ko kasi na palaging breakfast ang pinapadala niya. Ni minsan ay hindi ito nagpadala ng lunch o dinner.

"Para ako agad ang papasok sa isip mo pagkagising mo. That, for sure, I'll be in your head the whole day."

Napanganga ako sa sagot ni Kyle. Hindi ako makapaniwala na may ganoon siyang agenda sa panliligaw niya sa'kin.

I must admit that he's right. Hindi na siya nawala sa isip ko.

**********

Kyle

NAGPATULOY ako sa pagbabasa ng mga proposals na kailangan kong pirmahan. There are proposals for the updates of some games and apps and also to launch new games. Kailangan ko 'tong basahin bago ko i-approve for presentation.

Nasa kalagitnaan ako sa pagbabasa nang makarinig ako ng mga yabag ng paa papunta sa'kin. Itinaas ko ang aking ulo para tingnan kung sino ang papalapit.

"Hey," bati ko kay Joann. She smiled at me before sitting on the sofa. "What brings you here?," I asked.

"We need to talk. It's about Raiden."

Nagbago ang ekspresyon ko nang marinig ko ang pangalan ni Raiden. My eyebrows knitted as I walked towards Joann. Umupo ako sa upuan katapat niya at sumandal doon.

"What about him?"

Joann clicked her tongue and shake her head before sighing. Now, this is serious.

"Remember the Gordon massacre at Village Royale?," she asked. Natahimik ako at inalala ang sinabi niya.

"Yeah," I nodded. "Bakit? We finished the work already. The case is close and we have evidences of Gordon's illegal activities."

The Hacker (BxB) CompletedWhere stories live. Discover now