Sixteen

12.1K 396 21
                                    

Raiden

"Five minutes break!"

Hinihingal na naglakad ako patungo sa bleachers kung nasaan ang gamit ko matapos magbigay ni coach ng five minutes break.

"Here," nagpasalamat ako kay Konn nang inabutan ako nito ng mineral water. Agad akong uminom ng tubig at ninamnam ang lamig ng nito. Tagaktak ang pawis ko dahil sa ginawa namin. Kanina pa kaming alas tres dito sa court dahil sa training. Mag-aalas singko na at wala pa yatang balak si coach na pauwiin kami.

Ilang araw na simula noong nagfile ako ng leave sa trabaho. Wala akong balita kay Kyle dahil noong huli nagpaalam ito na magiging abala umano siya.

"I'll be out of the country for how many days," balita nito sa'kin sa kabilang linya.

"O-Okay," nag-aalangan kong sagot dahil hindi ko alam kung bakit niya pinapaalam sa'kin. The last time I checked, we almost had sex but we're not together.

"Please behave."

Simula noong araw na iyon ay hindi na ako nakatanggap ng text sa kanya. It doesn't bother me because I've been so busy lately. Hanggang ngayon ay hindi ko parin macontact si Javi---my ex. I'm planning to meet him to ask him some questions but he's out of reach. Nagpatulong na nga rin ako kay Lovely para mahanap siya.

"Bro, sama ka mamaya," napatingin ako kay Fraud na nakatayo sa harapan ko at pinupunasan ang pawis niya.

"Saan?"

"The Heist. Papainom ako."

"May ganap ba? Bakit papainom?"

"Tss, nagwawaldas lang 'yan ng pera Raiden," singit ni Konn sa gilid ko.

"Whatever you say! We should relax you know. I invited some girls from the other Universities," Fraud looked at me with a grin. "Mandilig tayo mamaya," he said at me.

Hindi ko mapigilang matawa at hinampas ito ng mineral water na kalahati nalang ang laman. Napailing ako sa kanya ngunit kalaunan ay tumango rin.

"I'll be there," sagot ko.

"'Yun oh!"

Pinasadahan ko ng daliri ang buhok ko. Nang marinig namin ang pagpito ni coach ay agad kaming nagsibalikan sa gitna ng court.

When the training ended we immediately bid our goodbyes before going home. Suot ang jersey shorts at pulang T-shirt na ipinambihis ko ay agad akong naglakad sa parking lot ng school. Nakasukbit ang training bag ko sa aking balikat habang naglalakad patungo sa kotse ko.

I was about to open my car when I noticed the guy who just arrived. Nang bumaba ito sa kotse niya ay nagtagpo ang tingin namin. He immediately smiled at me and waved.

Ngumiti rin ako at umayos ng tayo nang naglakad ito palapit sa'kin.

"Hey," bati ni Carter sa'kin.

"Hey," tinanguan ko ito. "Anong ginagawa mo rito?," I asked.

"Am I not allowed here?," tanong nito.

"No, that's not what I meant!," I explained. He chuckled at me.

"Biro lang. May pupuntahan lang ako."

"Girlfriend?"

"Hahaha, hindi! A friend. Dito siya nagtatrabaho," napatango naman ako sa kanya.

"I see. Oh siya, una na 'ko. May pupuntahan pa ako eh," paalam ko. Kumunot ang noo ni Carter na tila ba nacurious.

"Saan naman?"

"Nagyaya kasi ang kaibigan ko mag-inom."

"Oh, okay. See you when I see you then."

The Hacker (BxB) CompletedWhere stories live. Discover now