Twenty-One

10.9K 442 23
                                    

Raiden

NAPABUGA ako ng malakas na hininga habang nakatungo sa librong binabasa ko. Walang pumapasok na detalye sa utak ko. Nakatitig lang ako sa libro at binabasa ito tapos babalikan dahil di ko maintindihan.

I'm so distracted. Kanina pa itong umaga. Hindi ko matawagan si Kyle kagabi pa. This morning I tried calling him but he's out of reach. Napag-isipan kong pumunta sana sa bahay niya ngunit naalala ko ang long quiz ko kaninang umaga. It's my major sub so I don't really want to mess it up.

I sighed as I rest my head on the table. Hindi ako mapalagay dahil sa nangyari kagabi. Gusto kong magpaliwanag man lang sa kanya.

Naaalala ko ang sinabi ni Javi sa'kin kagabi. He said it's not him and I believed it. Wala na akong maisip kung sino iyon kaya isinawalang-bahala ko na muna. Masyadong marami ang iniisip ko. As long as he or she's not harming me, I won't make it a big deal. Wala na rin naman sumunod na nangyari simula noong sa court.

I sighed again.

Inaalala ko rin ang kompanya namin. I'll visit my parents one of this days. Gusto kong malaman kung ano na ang nangyayari.

I sighed.

"Wow, you sigh a lot."

Napatingin ako sa may ari ng boses. Nakatayo ito sa harapan ko at may kung anong pagkamangha na ekspresyon sa mukha. He sat on the chair across mine. Umayos ako ng upo at tiningnan si Yvan.

He's on his civilian so I wonder how he get in here inside the library. Ang alam ko strikto ang nagbabantay ngayon. Ayaw ng mga hindi estudyante ng University.

"Hey," walang gana kong bati.

"Do you have time?," tanong nito. Kumunot ang noo ko sa kanya at nagtaka.

"Bakit?"

"Will you do me a favor? It's me who should really do it but you know, I'm doing you a favor. It's a win-win situation," mas lalong kumunot ang noo ko sa sinasabi niya dahil hindi ko ito maintindihan.

"I don't get it," tapat kong sagot. Yumuko ito at sumandal sa table. Lumapit ito sa'kin ng bahagya at maigi akong tiningnan.

"Look, I know what happened last night. I was there when Kyle got wasted. He seriously look like hell last night, mumbling something about you replacing him and not loving him and things like you didn't showed up leaving him hopeless."

Napanganga ako sa sinabi ni Yvan. Ano ba ang nangyari kay Kyle kagabi?

"I got an emergency last night. I tried looking for him but failed," I explained.

"I know. That's why I'm proposing something," nakangisi nitong sabi.

"A-Ano yon?"

To be honest, Yvan's really weird for me.

"My baby just asked me to go to Kyle's house to look out for him. May trabaho pa kasi siya dito kaya ako ang inutusan niya," panimula nito.

"Ano ba ang nangyari sa kanya?"

"He's sick. Ganoon siya kapag nalalasing ng sobra," hindi ko alam 'yun. "So what I'm saying is, you go to your lover and I'll go to mine. Win-win for the both of us," nakangisi nitong sabi habang nakatingin sa'kin.

HINDI ko alam kung ano ang nangyari ngunit matapos kong tanggapin ang access card mula kay Yvan para makapunta sa bahay ni Kyle ay nakatayo na ako sa gate nito. I am staring in front of his house. May dala akong gamot na ibinigay sa'kin ni Yvan.

I fucking skipped my two last classes just to see him. Fucking effort.

Napailing ako bago napag-isipang pumasok na. Tahimik akong nakapasok sa bahay nito. Compare to the first time I went here, malinis na ito ngayon. Mukha na talagang bahay. Maayos ang lahat ng gamit ngunit katulad ng dati, tahimik ang loob.

The Hacker (BxB) CompletedWhere stories live. Discover now