Kyle
I frustratingly sat on the sofa when I arrived home. This past few days has been so tough for me. Naging sobrang abala ako dahil sa mga transactions ng Thanatos and the work inside my company. Ilang araw din iyon kaya't hindi ko tinawagan si Raiden at tinext. Hindi ko rin ito pinapasok dahil ayokong abalahin ito. I don't want to burden him so much dahil malapit na ang pasukan. It was a silent torture inside me pero tiniis ko. Nagkakaroon naman ako ng balita sa kanya dahil sa nakabantay sa kanya na tauhan ko.
Just this morning I texted him to come to work ngunit hindi ako pinansin. Nakailang tawag at text ako sa kanya pero niisang beses hindi ito sumagot at hindi rin nagreply. I got pissed so I followed him. Tinanong ko sa tauhan ko kung nasaan si Raiden and when I found out agad akong pumunta doon.
When I arrived, I got a sight of him. Nakaupo sa lupa at sa harapan niya ay tatlong lalaki. Uminit ang ulo ko nang makitang dumudugo ang ilong niya. Before I got to him may dumating na babae at lumapit sa kanya. Nakita ko kung paano niya itinago ang babae sa kanyang likuran.
Fuck, who's that girl?
Mabilis akong lumabas ng sasakyan para makalapit sa kanila. And when I saw the guy who's about to punch him, I immediately kicked him causing him to fall down. Inambahan ko ang dalawang lalaki at sinigawan ito para umalis. Nang makaalis sila ay tumingin ako kay Raiden but when I looked at him hindi ko imasahan ang reaksyon niya.
The way he looked at me feels like he doesn't want to see me. Parang ayaw niya ang presensya ko. Nang kinabig niya ang braso ko at sinigawan ako para akong binuhusan ng malamig na tubig. And when he held the girl's hand and fucking called her love then left me, it feels like something just stabbed my chest.
Fucking soft Kyle!
Napahilamos ako sa aking mukha at mariin na ipinikit ang mga mata. How can he do that? Anong problema niya? Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko. Is it because I didn't texted him for days?
Assuming ka Kyle.
"Aish jinja!"
I am really frustrated right now! Mababaliw na ako kakaisip.
Dinukot ko ang cp ko sa bulsa ng tumunog ito. Sinagot ko ang tawag at itinapat ang phone sa tenga.
"Master, Mr. Alonzo's inside a club right now."
Nag-iinom na naman siya.
Parati nalang itong umiinom. Hindi ba siya nagkakasakit? Okay pa ba ang atay niya?!
"Call me when he gets home, safely."
When I said safely, that means no girls.
Ibinaba ko ang tawag at sinandal ang ulo ko sa likuran ng sofa. Ipinikit ko ang mga mata ko at hindi namalayan na nakatulog na pala ako.Nagising ako nang malakas na tumunog ang cp ko. Inabot ko ito at sinagot ang tawag. Nakapikit pa ang mga mata ko.
"Master, nakauwi na po siya."
I ended the call and opened my eyes. I sighed before standing up. Kinuha ko ang wallet, car keys and phone ko bago mabilis na lumabas ng bahay. Minaneho ko ang daan patungo sa bahay ni Raiden ngunit dumaan muna ako sa isang pharmacy para bumili ng gamot. May pasok bukas kaya kailangan niya ng gamot para sa hangover niya.
Napapamura ako kapag naiisip ko na nag-inom ito not minding the fact that tomorrow's his first day of school.
Fuck, I sounds like a daddy right now.
Raiden's, daddy.
Nang makarating sa apartment niya, I did some hacking to enter his passcode. Matagumpay akong nakapasok sa loob. His room's dark and I didn't tried to open the lights dahil baka magising ito. Umasa nalang ako sa maliit na ilaw sa pader na siyang nagbibigay kaonting liwanag sa loob.
YOU ARE READING
The Hacker (BxB) Completed
Romance"You can't hack someone's heart to make him fall in love with you." Date started: March 31, 2020 Date finished: May 18, 2020