Raiden
"Three points, Alonzo!"
Napuno ng hiyawan ang gymnasium nang makashoot ako ng tres. Tagaktak na ang pawis ko dahil nasa third quarter na kami ng laro. Lumapit si Konn at Fraud sa'kin at nakipag-apir nang tumunog ang buzzer hudyat na tapos na ang third quarter. Pumunta kami sa bench kung nasaan ang ibang mga kasamahan namin.
"Nice job, Alonzo. Leading tayo ng 20 points pero huwag kayong magpakampante dahil maraming pwedeng mangyari, may huling quarter pa," ani Coach. Tinanggap ko ang ibinigay na gatorade ni Trek at kumuha ng tuwalya doon para ipunas sa mukha ko.
Umupo ako sa tabi at inabot ang phone ko na nasa loob ng bag ko. I looked at my phone to see some messages ngunit wala. Tumayo ako at nilibot ang paningin sa mga bleachers hoping that I'll see him. Mahina nalang akong napamura nang wala akong makita ni anino ni Kyle.
Bwisit, akala ko ba pupunta siya?
Malapit na matapos ang laro pero hindi ko parin makita si Kyle. Pati text mula sa kanya ay wala man lang. Hindi ko alam kung dadating ba siya. Umigting ang panga ko dahil sa inis. Wala sa mood akong umupo ulit at uminom. Marahas akong napabuga ng hangin at pilit na pinakalma ang sarili.
"Coach pa-sub muna ako," ani ko kay Coach. Mabuti nalang at hindi na nagtanong si coach at pumayag sa sinabi ko. Kanina pa ako naglalaro at gusto ko munang magpahinga. Kung papasok ako sa court ng naiinis ay hindi magiging maganda ang laro ko.
Nagbuzzer na ulit at tumayo kaming lahat at inilagay ang kamay sa gitna nang magkapatong.
"One two three!"
"Ravens fight!"
Naghiyawan ulit ang mga manunuod habang ang mga kasamahan ko ay isa-isa ng pumunta sa gitna ng court. Pinasadahan ko ang buhok ko ng aking kamay. Tumalikod na ako sa court at bumalik sa pwesto ko. Bago umupo ay hinubad ko ang suot kong jersey sa pamamagitan ng paghila nito pataas mula sa likuran. Napatingin ako sa itaas nang marinig kong maghiyawan ang mga tao at sinisigaw ang pangalan ko.
Kung kanina ay kaya ko silang patulan ngunit ngayon ay wala na talaga ako sa mood kaya hinayaan ko lamang sila. Umupo ako ulit at isnukbit ang damit sa balikat.
Ang sama ng loob ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Parang kinikirot ang puso ko sa nangyayari. Umasa pa naman ako na pupunta siya. May hinanda ako ngunit mapupunta lang yata iyon sa wala. Bahala na siya.
"What the---"
Marahas akong napatayo at inis na tumingin sa likod kung saan may nagtapon ng jacket sa'kin. Hinanap ko kung kanino ito nanggaling at nang makilala ko kung sino iyon ay natigilan ako. Sinalubong ni Kyle ang tingin ko. His expressions dark as he roamed his eyes on my body. He seems so piss off as he looked at me.
Siya pa talaga ang may ganang magalit?!
Hindi ko alam kung ano ang problema niya at kung bakit ganyan nalang inasta niya. Naiinis pa ako dahil bakit ngayon lang siya! Saan siya galing? Ang bakla pota pero nagtatampo ako!
"Raideeeeeen you're so hooooot!," napalingon ako sa grupo ng mga kababaihan na nasa malapt lang. Pati si Kyle ay napalingon sa kanila dahil sa pagsigaw ng mga ito. Tipid ko lang silang nginitian na kinikilig naman nila. Tumingin ulit ako kay Kyle at para akong natuod nang makitang masama ang tingin nito sa'kin.
This is my first time to see him angry. Aaminin ko na nakakatakot ang ekspresyon niya ngayon. Pakiramdam ko tuloy may kasalanan ako. Pero hindi! Siya ang may kasalanan sa'kin,tss.
"Ano?," inis kong sabi rito. Patuloy parin ang laro ngunit wala roon ang atensyon ko kung hindi kay Kyle na masama parin akong tinitingnan.
"Tss, wear your fucking jersey. I'll be watching here," malamig nitong sabi at saka ay umupo. Kitang-kita ko pa kung paano nagpipigil ng kilig ang mga babae sa tabi niya. Pinaningkitan ko ito ng mata at lumapit sa may bars na pumapagitna samin. Nakipagtitigan ito sa'kin bago tumayo at lumapit.
YOU ARE READING
The Hacker (BxB) Completed
Romance"You can't hack someone's heart to make him fall in love with you." Date started: March 31, 2020 Date finished: May 18, 2020