Chapter 3: Amoy Downy

757 45 2
                                    

kahit mali 3

***

Tiningnan ko yung oras, mag aalas diyes na ng gabi. Lumabas ako ng room at pumunta sa dorm E kahit nakasuot palang ako ng school uniform. Nakita ko si Jason sa lobby na hinahawakan yung tiyan niya.

"Oh? Problema mo?" tanong ko.

"Ang sakit ng tiyan ko. Kanina pa ako pururut ng pururut."

Napakagat ako sa labi habang tinitingnan yung paligid ko. Baka kasi makita ko si kuya Troy nang sa ganun hindi ko na siya hanapin.

"Tara na, samahan mo ako sa room niya!"

Nangunot yung mukha niya sa sinabi ko. "Ang sakit ng tiyan ko 'tol, ikaw nalang. Room 308 siya, ah... tae!" Bigla bigla siyang tumayo tsaka nagtatatakbo sa may CR dito sa ground floor. Napakamot nalang ako sa ulo dahil pupunta ako magisa sa third floor!

Hinanap ko yung room 308, pagpadyak ko sa third floor. Kumatok ako nang tatlong beses pero hindi ako pinagbuksan. Tss, baka naman wala siya sa loob? Sa sobrang desperado kong makuha yung cellphone ko ay mas nilakasan ko pa yung pagkatok nang biglang bumukas yung pinto. Nakita ko siyang biglang dumikit yung dalawang kilay niya na parang naghahamon na naman ng away. Nakacross arms pa siya. Para talagang ayaw niya akong makita eh.

"Oh? Problema mo?"

"Yung cellphone ko—ay hindi kahit yung simcard lang!" Medyo pasigaw na sabi ko. "Kailangan kong tawagan yung nanay ko sa probinsya. Please... kuya?" Ngumiti ako sa kanya ng paglaki laki. Nagbabakasakali ako nang umepekto yung charm ko sa kanya, pero naisip kong lalaki pala yung kausap ko hindi babae.

Pinagsarhan niya ako ng pinto.

"Troy, kahit yung simcard lang! Hoy!" Mas nilakasan ko yung pagkatok ng pinto. Ngayon pang alam kong nasa loob siya. Kailangan kong makuha yung simcard ko! Tsaka kapag nakuha ko yung phone ko, ifoformat ko nang sa ganun hindi niya magamit yung mga accounts ko gaya ng paggamit niya kanina.

Bumukas muli yung pinto. "Ang ingay mo!" Bulyaw niya tsaka napatingin sa pasilyo dito. Bigla niya akong hinila paloob ng kwarto.

"Diyan ka lang, wag kang maingay," sabi niya sakin tsaka lumabas ng kwarto. Hindi ko alam kung bakit niya ako hinila dito, ang alam ko lang parang may naririnig akong naglalakad kanina sa may hagdanan.

Idinikit ko yung tenga ko sa may pintuan para mapakinggan kung anong nangyayari dun, pero wala akong marinig. Bumukas yung pinto tsaka pumasok si Troy.

"Anyare?" Tanong ko.

"Yung nagbabantay ng dorm, nagiikot! Kung nakita ka niya papagalitan niya ako."

"Bawal ba bisita dito?"

Napatawa siya ng konti sa tinanong ko. "Oo!"

"Ah, kaya ibigay mo na yung simcard ko para makaalis na ako dito. Sige na! Yung cellphone sayo nalang."

He cleared his throat habang umupo sa isang kama. "Sa tingin mo kahit ibigay ko sa 'yo yang sim card mo o yang cellphone mo, makakalabas ka dito sa dorm?"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ka ba na-orient na curfew ng alas diyes? Anong oras na?" Tumingin ako sa wall clock, alas diyes na. "Ibig sabihin, nakalock na yung main entrance ng dorm. Hindi ka na makakalabas."

"A-akala ko, open ang mga dorms?" Naalala kong hindi pala ako umattend noong orientation ng dorm kaya hindi ko alam. Nakatingin siya sakin habang nagiisip ako. "May curfew pala?" Tanong ko sa sarili ko.

Napansin kong tumalikod si Troy at parang naririnig kong tumatawa siya.

"Tumatawa ka ba?"

"Ha? Hindi ah! Nauubo ako," aniya habang umuubo.

Kahit MaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon