Chapter 46: Naloloko tayo na hindi natin alam

401 28 0
                                    


Chapter 46: Naloloko tayo na hindi natin alam





"Picture tayo, pang my day."

Nang umupo sa tabi ko ulit si Aries ay nagpicture kami. Ngumiti naman siya tsaka siya nagfinger heart sa gitna namin.

Minyday ko yun with caption:

happy birthday goodboi @aries_toralba10

Tiningnan ko kung sino yung nagview, nagulat ako nang nakita ko yung pangalan ni Troy. Pinatay ko yung data ko at nakinig sa kwento kwento nitong Aries at Tolits tungkol sa mga pinaggagawa nila noong High school. Nalaman kong ilang beses pala silang naguidance office.

Lumipas ang oras at unti unting umuwi yung mga kaibigan niya hanggang sa kami nalang dalawa naiwan dito. Inayos niya yung lamesa at nilinasan ito habang nakatingin ako sa cellphone ko. Binisita ko yung profile ni Troy pero ang sabi, hindi daw available yung page na yun at this moment.

"Mahina ba signal dito?" Tanong ko.

"Malakas signal dito. Sa harap lang yung tower ng Globe. Bakit ba?"

"Pumupunta ako sa profile ni Troy, ayaw mag load."

Tumabi siya sakin. "Blinock ka kapag ganyan."

"Block?"

"Oo. Andali, tingnan natin." Sinearch niya sa fb yung pangalan ni Troy pero hindi din niya mahanap. "Tae, pati ako nablock na pala. Siguro noong nakita niyang naview ko yung myday niya."

Napatulala ako saglit.

"Ano ba nangyari sa inyo?"

Nagsimula akong magkwento.

"Aba eh, kalahating gago pala si Troy eh." Sabi niya.

"Hayaan mo na. Yun yung ginusto niya eh. Tsaka nakamove on na ako. Haha!" Sabi ko nalang. Kahit hindi pa talaga ako totally nakamove on. "Tsaka mas maganda na din ito. Ayoko na ng ganung relationship. Tago sa lahat ng tao. Wala kang karapatang magselos sa publiko." Sabi ko pa.

"Ihatid na ba kita?"

"Kaya mo pa ba? Namumungay na mata mo oh." Turo ko.

"Medyo hilo na nga ako eh. Dito ka nalang matulog. Hatid kita bukas ng maaga."

"Okey."

Pumasok kami sa kwarto niya tsaka ko nakita yung collection niya ng mga libro.

"Nandito pala yung book na hinihiram mo. Yung Hunger Games Trilogy. Kunin mo nalang bukas." Sabi niya at naupo kami sa kama. Nahiga kami at nagkatinginan. "Ayos ka na ba talaga?"

"Oo."

"Yung totoo kasi."

"Medyo masakit pa nga. Ikaw ba naman lokohin?"

"Lokohin pa nga!" Sambit niya. "Alam mo, kung gusto mong ipatira ko si Troy ngayon, ipapatira ko."

"Hoy. Wag!" Sabi ko. "Hayaan nalang natin."

"Mahal mo pa nga siya. Ayaw mong masaktan eh."

"Hindi sa ganun. Ayoko naman kasing may nasasaktan dahil sakin."

"Pero kung ikaw ang nasaktan, okay lang, ganun?"

Nagising ang diwa ko sa sinabi niya. Oo nga no? Bakit ganun ako? Ayokong may masaktan dahil sakin pero... okay lang sakin kapag ako ang nasaktan. Pinipili ko na lang na lumayo para sa sanity ng iba, habang okay lang sakin na makaramdam na nawawalan ng sanity.

Kahit MaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon