kahit mali 7"'Yung ex ni Troy si Jelly dating best friend niya. Nagbreak sila kasi 'tong girl, ambisyosa! Tinu-time ba naman si Troy. Troy was so down that time. I remember when we were in second year, palagi siyang umiinom ng alak to the point that he nearly failed all his subjects for the second semester. Luckily, Fana was there for him kahit magkaiba sila ng course, Fana was making reviewer for Troy just for him to cope up. Fana is so deeply in love with Troy ever since first year kami, but Troy have no eyes for her because of her ex. But eventually, nagbreak sila so nagkaroon ngayon ng hope si Fana. But, even though nagbreak nga sila ng ex niya, Troy never forgets Jelly."
Nagkwento sakin si Ate Lovely nang kaming dalawa nalang nandito malapit sa may pool. Umuwi na 'yung iba, habang si Jason naman nasa may sofa ng living room, nakatulog na. Ang dami niyang nainom eh.
Kahit hindi ko tinanong eh, ikwinento niya. Medyo lasing na din kasi siya.
"Minsan nga naiinis na 'ko kay Fana sa sobrang pagkatanga niya kay Troy."
"Matagal na ba kayong magkakaibigan ate?" Nagsimula akong magtanong para naman hindi maging awkward ngayon.
"Mm, nabuo 'yung circle of friends namin sa isang leadership training sa school noong first year kami. It so happened na naging mas close kami because of Troy. He's always hosting party and over nights every weekends dito sa house niya kasi nga magisa niya."
"Magisa?"
"Yep. Both his parents are abroad and so busy. Mga famous Architect and Engineer sila abroad. Hindi nga sila nakauwi ngayon for his birthday kaya feeling ko malungkot si Troy. Even last year kasi hindi umuwi parents niya. Noong first year ko lang nasaksihang nandito sila sa Pinas for Troy, in his birthday." Kumakain kaming pareho ng barbeque habang hinihintay si kuya Troy. Inihatid kasi niya si Ate Fana sa bahay niya. "Hmm, Francis, I wanna see you sa Leadership Training next weekend, okay? Archi and Engineering Dept., kasi magoorganise, and I think that you could be a great leader since magaling kang makipagusap sa mga tao."
"Sige po, ate."
"Bring with you your friends, because I'm sure you will be enjoying the activities, para din makameet ka ng ibang tao."
Nakita namin 'yung kotse ni kuya Troy na pumapasok ng gate. Tumayo si ate Lovely papunta sa may parking area.
"Since nandito ka na, uuwi na ako. Don't worry about the mess, Francis and I already cleaned it up." Tumingin si Ate Lovely sakin. "How about you, Francis? Gusto mong sumabay sakin?"
"'Wag na po ate, salamat nalang. Magtataxi nalang ako."
"Okay," sumakay siya sa kotse niya at umalis.
"Ingats Lovely," Sigaw ni Troy.
"Yeah Troy!"
"Uh, una na din ako kuya. Iwan ko na din si Jason muna dito. Pakisabi nalang kapag nagising umuwi na ako."
"Hatid na kita."
"Naku 'wag na po. Magtataxi nalang ako." Medyo umikot 'yung paningin ko kaya napaigtad ako ng konti. Parang pumataas na 'yung mga alcohol na nainom ko kanina. Medyo nahilo na ako.
"Dito ka na matulog. Sabay na kayo ni Jason bumalik bukas, hatid ko kayo. Tutal, wala naman akong kasama dito..."
***
Nasa may pool ako nang ibinigay ni kuya Troy 'yung isa pang beer sakin.
"Hindi ka pa makatulog?" Tanong niya.
"Ewan ko, medyo hilo na pero hindi ako makatulog."
"Kulang 'yang nainom mo kaya ganyan. Yan inumin mo pa."
Pareho kaming uminom ng isang pang beer in can sa gilid ng pool.
"Magisa mo lang talaga dito?" Tanong ko.
"Hindi naman, magisa. Meron naman 'yun mga katulong tsaka driver. Mom and dad ko kasi nasa America gumagawa ng maraming pera."
"Buti hindi ka nagrerebelde 'no? May kilala kasi ako, mayaman pero yung mga magulang niya nasa ibang bansa. Basagulero siya tsaka nagaaddict."
"Dati, oo, nagrebelde ako. Noong second year. Muntik pa nga akong nabagsak eh."
"Ah, 'yun ba yung rason? Akala ko dahil nagbreak kayo ng ex mo na best friend mo dahil tinutime ka?"
Tumingin siya sakin. "Lasing ka na, Francis. Tama na 'yan!" Kinuha niya 'yung beer sakin.
"Kulang pa nga di ba, akin na yan!" Kinuha ko muli sa kanya yung beer. Tumawa lang siya sa ginawa ko dahil nilagok ko iyon.
"Pano mo nalaman? Si Lovely 'no?"
"Oo, kwinento niya sakin. Pero hindi clear eh. Sinong nambreak? Ikaw o siya? Of course ikaw... hehe..."
"Mali ka." Tumingin ako sa kanya sa sinabi niya. "Siya nakipagbreak. Pinipilit ko ngang ayusin nun pero ayaw na niya. Siya bumitaw eh. Mas pinili niya yung tinutime niya sakin."
"Ang sakit nga nun. Pero bakit ayaw mo kay ate Fana? Maganda naman siya, tsaka mahal ka niya. Hindi ka pa ba nakakamove on sa ex mo?"
"Gusto ko siya, pero hindi ko mahal. Alam mo 'yun?"
Naalala ko bigla si Mia. Naalala ko nung nagtapat siya sakin. "Naiintindihan kita kuya. Alam mo 'yung dahilan kung bakit hindi ako pinapansin ni Jason nun? Yung babaeng nakita niyo na kasama ko sa may mall, crush ni Jason. Tapos yung babae, crush din ako. Gusto ko si Mia, pero hindi ko mahal. Maganda siya tsaka mabait. Siguro pareho tayo?"
"Ang daldal mo talaga, eh." Sabi niya.
Oo nga. Ang daldal ko. Pakiramdam ko, ang lakas na ng tama ng alak sakin. Isa pa, nainom din ako kahapon.
"Ito, tatanungin kita kuya. Nakamove on ka na ba sa ex mo?"
"Oo."
***
Pumunta kaming kusina para maghanap ng pwede naming makain. May nakita akong instant noodles at mga itlog.
"Magnoodles tayo?" Sabi ko. Aminado akong lasing na ako sa pagkakataong ito. Ganundin siya kasi namumungay na rin yung mata niya. Pero hindi naman ako nahihilo parang ang hyper ko lang.
Tumango lang siya tsaka ko niluto 'yung noodles. Kumain kami malapit sa may swimming pool, at uminom muli ng beer. Tawa kami ng tawa, pero hindi namin alam kung anong tinatawanan namin.
Nang natapos naming kumain ay nahiga ako at tumingin sa mga bitwin. Naramdaman kong nahiga din siya sa may semento, malapit ang ulo niya sa ulo ko.
"Ang ganda ng mga bitwin," banggit ko.
"Mas maganda 'yung buwan!" Sabi niya.
"Walang buwan!"
"Meron, nakita ko kanina. Hindi mo nakita eh."
"Anong hitsura niya?" Tanong ko. Alam ko na walang sense na yung mga pinaguusapan namin pero ang sarap lang ng pakiramdam na may taong nasasabayan ang trip mo.
"Kamukha niya si Fana... na may mukha mo... na may muka ni Jelly na ex ko."
"Ha? Bakit pati mukha ko nasali?"
"Ewan ko, 'yun 'yung nakita ko eh..."
***
"Kuya Troy, Francis! Gumising kayo!"
Napamulat ako nang nakita ko 'yung mukha ni kuya Troy sa harapan ko. Pareho kaming nagulat nang pareho naming narealised na magkadikit 'yung mukha naming dalawa.
Napatayo kaming dalawa at parehong kinusot ang aming mga mata. Ang last na naaalala ko kagabi naguusap kami tungkol sa buwan eh.
"Buti hindi kayo nahulog dito sa pool!" Sabi pa ni Jason. "Tapos tingnan niyo, para kayong magasawa oh!" Nakita ko yung picture namin ni Troy sa cellphone niya. Nakahiga ako sa braso ni Troy habang magkaharap 'yung mga mukha namin.
"Putek, idelete mo yan, Jason!"
Hinabol habol ko siya habang si kuya Troy naman dali daling nagdive sa swimming pool sa hindi ko malamang kadahilanan.
BINABASA MO ANG
Kahit Mali
RomanceFrancis, a guy from the province will unexpectedly fall in love with Troy, a hunk, and a basketball player in their university. Their story starts when Troy started to trip on Francis because of his calm and innocent behaviour. Eventually, Troy wil...