Chapter 22: The Lucky One

497 26 0
                                    


kahit mali 22

Pareho kaming nagising ni Troy kinaumagahan. Medyo maaga pa naman, alas sais palang ng umaga base sa wall clock na nandito. Pareho kaming hubad. Yumakap siya sakin at ramdam ko 'yung kabuuan ng katawan niya.

Ang sakit ng katawan ko sa nangyari. Isa na rin sa rason 'yung nabugbog kami kahapon ng grupo ni Chester.

"Aray," banggit ko.

"Okay ka lang?" Tanong niya, habang napapaos. Kagigising kasi namin kaya amoy panis na gatas 'yung bunganga niya.

"Baho ng bunganga mo," sabi ko. "Hindi ako okay. Binugbog na nga tayo kagabi, mas binugbog mo pa ako." Napatawa siya sa sinabi ko. Ang sakit dun sa part na 'yun, mahapdi pa din. Hindi ko naman inaasahan na ganun pala 'yung mangyayari. Nagpadala ako sa sensasyon na binibigay ng laplap niya.

"Ikaw din naman, mabaho din 'yang bunganga mo," birada naman niya. "Nag-enjoy ka naman, kaya worth it 'yung sakit, 'di ba?"

"Anong nag-enjoy, ikaw lang 'yung nag-enjoy! Ang sakit kaya!"

"Alam mo, bangon nalang tayo. Tara shower?"

Sa hitsura ng mukha niya parang gusto niya ulit gawin namin 'yun. Hahalikan sana niya ako sa leeg pero tinulak ko siya.

"Ako mauuna," sabi ko tsaka paika ikang pumunta sa may CR.

"Sabay tayo," sabi niya.

"Ayoko! Baka mamaya iba gawin mo."

Nagshower ako at pagkatapos ko ay siya naman ang sumunod. Nang nasa kotse na kami ay halata ata niyang hindi ako komportable ngayon.

"Masakit pa ba?" Tanong niya.

"Medyo."

"Mag-absent ka nalang, absent tayo?" Parang sinasabi niya gawin namin ulit. Umiling ako dahil naiimagine ko na naman 'yung mangyayari kapag nag-absent kami.

"Tara na sa school. Malelate na tayo."

Pumasok ako sa classroom at umupo sa likuran. Napatingin sina Mia at Jason sa mukha ko mula sa harapan. Meron kasing band aid ngayon 'tong mukha ko kaya nakaka-attract ng attention.

"Anyare diyan, Francis?" Tanong ni Clark.

"May nan-trip sakin eh."

"Sino sila?"

"Ewan ko."

Dumating 'yung teacher at nag-start mag-discuss. Nung lunch na ay lumapit sakin sina Mia habang nag-aayos ako ng gamit ko.

"What happened to your face, Francis?" Sabi ni Mia, tsaka naupo sa tabi ko. Hinawakan niya 'yung mukha ko tsaka binusisi. "Sinuntok ka 'no?"

"Oo. Pinagtripan ako ng grupo ni Jennica."

"Oh my gad, I knew it!" Sigaw ni Mia. "Sinabi ko naman kasi sayo 'di ba? Na stay away from that girl, look what happened to you! W-what happened between you ba?"

"Brineak ko siya nung birthday niya mismo, narealise ko kasing hindi ko siya mahal." Ikwinento ko pa sa kanila 'yung ibang detalye. 'Yung about sa parang nahalo sa drinks, tsaka 'yung pagprotekta sakin ni Troy. "Pati si Tr— si kuya Troy, pinagsusuntok nila. Magkasama kasi kami kagabi."

"That bitch!" Singhal ni Mia. "Hinahaluan talaga nila ng drugs 'yung wine nila kapag nagpaparty silang magbabarkada. And I know that Chester very well, he's a manwhore. Buti nalang nandun si kuya Troy," sabi naman ni Mia. "Hindi 'to pwede!"

Biglang umalis si Mia. Sinundan namin siya tsaka siya pumunta sa Electrical Engineering Department.

"Hoy, Mia! Bakit tayo nandito?" Tanong ko, habang sinusundan namin siya. Para siyang pupunta sa giyera sa paglakad niya habang nakataas ang noo. Hindi niya ako sinagot sa halip ay pumasok sa isang classroom.

Kahit MaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon