Chapter 19: Kahit Mali

487 34 2
                                    

kahit mali 19

"May girlfriend ka pala," sabi ni Troy pagupo ko sa bed ko. Gabi na at gising pa kami. Magaalas dose na ng gabi at nakasindi pa 'yung mga ilaw namin.

"Mm, mm," sabi ko lang.

"'Yun ba 'yung kasama mo sa caf kanina?"

"Oo."

"Tinik mo ha? Maganda tsaka sexy. Pano kayo nagkakilala?"

"Uhm, inaantok na 'ko kuya. Matutulog na ako."

Sa totoo lang ayokong pagusapan si Jennica ngayon. Parang masyadong toxic na kung pati dito sa dorm siya parin 'yung paguusapan namin. Pinatay ni Troy 'yung lampshade niya tsaka natulog na din. Sa gabing 'yun, hindi ako makatulog kakaisip kay Mia. Sila Cheska. Kay Jennica.

Palaging si Jennica ang kasama ko, pagpasok, pagkain at paguwi sa dorms namin. Pati pagkain ng gabi, siya parin kasama ko. Hindi ko na madalas nakakasama sina Mia at nakakasabay sa pagkain. Parang ang layo na nga ng loob nila sa akin eh. Dahil pati sa classroom, parang iniiwasan ako ni Mia. Tapos sina Jason, Mon at Trevor naman, sumasama kila Mia.

Maging sila hindi boto kay Jennica.

Friday night, magkasama kami ni Jennica sa isang restaurant. Nakita ko sa facebook na nagpost si Mia kasama sina Trevor, Mon, Jason, Allysa at Cheska na nagbabar sila. Ni hindi man lang nila ako inaya.

"What's the problem?" Tanong ni Jennica nang napansin niyang malungkot ako.

"Ah, wala," ibinulsa ko 'yung cellphone ko at patuloy kaming magusap.

"Tomorrow, babe ha? Don't forget?"

Bago kami naghiwalay ay pinaalala niya sakin na birthday party niya bukas. Iniisip ko kung anong ibibigay kong regalo sa kanya pero wala akong maisip. Mayaman na kasi siya tsaka parang wala naman siyang ibang kailangan.

Hindi ako makatulog habang nagi-scroll sa isang online shopping web site. May nakita akong maganda teddy bear na kulay pink na 500 pesos. Chinat ko 'yung seller at sinabing ipapadeliver bukas ng alas diyes.

Bumukas 'yung pinto at nakita kong pumasok si Troy. Hindi niya ako tiningnan, at dumercho lang siya sa kanyang bed. Alam kong medyo lasing siya. Itong mga nakaraang araw, hindi din kami naguusap gaya ng dati na nagkwekwentuhan pa kami. Tsaka lang kami maguusap kapag nagtatanong ang isa samin.

Kinabukasan ay na-receive ko 'yung teddy bear. Inilagay ko sa gift bag at naghanda ako papuntang bahay ni Jennica. Iniisip kong tawagin sina Trevor pero malamang hindi sila pupunta kasi nga ayaw nila kay Jennica.

Nagcommute akong magisa papuntang village nila. Gabi na nun at nang pumasok ako sa gate, maraming tao.

"Francis," sabi niya pagapak ko sa loob ng mansion nila.

"Gift ko," binigay ko sa kanya 'yung gift bag, kinuha naman niya 'yun.

"Thank you." Ibinaba niya lang 'yun sa table at hinila ako papunta sa mga kaibigan niya. "Guys, I want you to meet my boyfriend, Francis. Francis this is Melody, Mark, Chester, and Ian."

Nakita ko si Chester, 'yung dating ka-room mate ko.

"Uy, Francis," sabi niya.

"Kuya Chester..."

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Jennica.

"Oo, ka-room ko siya dati pero lumipat siya. Bakit ka nga pala lumipat ng walang paalam, Francis?"

Tinatanong pa ba iyan?

Ngumiti lang ako sa kanya. Nagsimula 'yung party pero pakiramdam ko hindi ako belong dito. Wala akong kakilala, tsaka hindi ako kinakausap ng ibang tao. Tsaka wala akong ganang kumilala o kumausap ng iba. Bigla ko tuloy na-miss sina Jason, Trevor at Mon. Pati narin sina Mia dahil kung magkakasama kami tawa lang kami ng tawa. Nasa may gilid lang ako habang nago-obserba at umiinom.

Kahit MaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon