Chapter 42: Dito muna ako habang wala si TroyDays passed at magmimidterm na kaya wala kang makikitang nagchichill sa college namin. Lahat may hawak na calculators at libro. Punuan din 'yung mga benches at tables sa park. Pati sa carpet grass ay maraming nagrereview.
"Ang ganda ng view kapag malapit na ang exam. Nakakaproud tingnan," sambit ni Mia habang napapatingin sa paligid. Nandito kami sa malaking table at nagsosolve ng mga problems sa Calculus.
"By the way, nakareceive din ba kayo ng invitation from ate Jelly? Birthday niya this April 2." Tanong ni Mia.
"Yep. I received it thru email." Sabi ni Cheska. "And nakita namin siya nila Trevor kahapon, personal niya kaming ininvite."
"Ah..."
Sinabi din sakin ni Troy na gusto daw akong pumunta ni Jelly sa birthday niya kahapon sa dorm. Umuo naman ako.
"Tara, punta tayo. After naman nun ng Exams natin kaya okay lang," sabi ni Jason.
"I wonder kung nainvite din si ate Fana?" Tanong ni Allysa.
"Oo. Ininvite niya din si ate Fana pero ang sabi ni ate Fana, titingan niya daw kung makakapunta siya. Nandun kami ni Mia nung mismong ininvite niya ng harapan."
***
We spend the time reviewing until night. Nagrereview ako sa room namin ni Troy habang siya ay nagtatapos ng mga plates niya sa drawing table niya.
"Wifey, tara kain sa labas." Tawag ni Troy sakin. "Tara munang magrefresh para mas magandang magreview."
"Ikaw nalang. Marami pa akong gagawin."
Hindi siya umimik. "Bibilhan nalang kita ng drinks."
Lumabas siya at nagsimula muli akong magsolve. As much as I hate numbers, pinangako kong tatapusin ko nalang tong semester na ito, magshishift na talaga ako. Iniisip ko din kung paano ko sasabihin kay tatay na magshishift ako. Ito kasi gusto niya para sa akin eh.
Ipinatong ni Troy yung isang coffee in can sa tabi ko pero hindi ko yun pinansin sa halip ay nanatiling nagpipindot pindot sa calculator ko.
Pagsapit ng exam days ay medyo nahirapan ako sa mga tanong lalo na sa calculus. Ang hirap! Parang dudugo ang utak ko.
Three days yung exam kaya the whole week akong puyat at tatlong oras lang tulog sa isang araw.
"Matulog ka naman, Francis. Baka mamaya niyan, magkasakit ka." Sabi ni Troy sakin at tumabi sa kin.
"Mmm, mauna ka na matulog. Kailangan ko pang intindihin tong problem na ito."
"Ang puti puti mo na oh. Para ka nang walang dugo." Sabi pa niya.
"Kaya ko pa. Isang araw nalang naman na matatapos na ang exam. Sulitin ko nalang matulog after nun."
Natulog siya at nagising nalang akong nasa bed ako. Medyo masakit yung ulo ko at hindi alam kung paano ako nakatulog. Nagpassed out ba ako?
Pumasok akong CR at naligo tsaka pumasok kami ni Troy sa school.
Habang nagsosolve ako ay napapaubo ako at parang nanghihina ang katawan ko. Parang inaantok na nahihilo. Tinapos ko yung tatlong exam ko na hazy yung vision ko kaya pagsapit ng hapon ay tumungo ako sa dorm at natulog.
Paggising ko ay ang sama naman na ng pakiramdam ko. Para akong nanghihina... hindi ko alam kung bakit. Tumingin ako sa labas at gabi na.
"Wifey, ngayon yung party ni Jelly. Di ka ba pupunta?" Tanong niya at nakita ko siyang nagpapalit ng formal attire.
BINABASA MO ANG
Kahit Mali
RomanceFrancis, a guy from the province will unexpectedly fall in love with Troy, a hunk, and a basketball player in their university. Their story starts when Troy started to trip on Francis because of his calm and innocent behaviour. Eventually, Troy wil...