Chapter 25: Iblow mo muna tong candle ko.

504 28 4
                                    


Kahit Mali 25

Lumipas ang mga araw, nagfocus kami lahat sa mga exams namin. Halos hindi na nga ako matulog sa sobrang review dahil finals na, tsaka mataas ang percentage ng finals sa over all na grade. Isa pa, maraming mga deadlines at submissions na hinahabol kaya madalang nalang kaming lumabas ng mga barkada ko.

"Arrgh, nakalimutan ko 'yung dalawang formula," sabi ni Mia habang kumakain kami ng lunch. "Ano answer niyo sa number three?" Tanong niya.

"12 meter per second 'yung akin," sabi ni Cheska.

"Pareho tayo," sabi ko.

"Really? Oh my god, 12 din answer ko. Pinalabas ko lang 'yung mps pero hindi ko ginamit 'yung formula, nakalimutan ko kasi!"

Nakita ko si Troy kasama 'yung mga barkada niyang pumasok sa cafeteria. Kininditan niya ako, bigla akong napatawa ng konti.

Nakita ni Mia 'yung pagtawa ko tsaka siya tumingin sa gawi nila Troy. Bumalik 'yung tingin sa 'kin ni Mia. Tae, parang nababasa niya isip ko.

"Naalala ko, cgs unit pala 'yung ginamit ko. 12 fps 'yung answer ko. Tae, mali ata ako," sabi ko bigla ng tumingin si Mia sakin.

"Akala ko naman kung ano na tinatawanan mo. Since last day na ng exams ngayon, saan tayo mamaya?" Tanong ni Mia.

"Sa ibang place tayo, nakakaumay na sa Beverage," sabi ni Cheska. "I know a place, hindi ganun ka-wild 'yung place, nakaka-refresh dun, good for us since we need refreshment after this hell week."

"Saan 'yan?" Tanong ko.

"Fenty Bar, near St. Lucas High School."

Iniisip ko na sa Beverage pupunta sina Troy mamaya. Sabihin ko nalang kayang dun din sila pupunta sa pupuntahan namin?

"So, guys, what's your plan this holiday?" Tanong ni Jason. "Gusto niyo, mag-hiking tayo?"

"I'm up for that," sabi ni Mia.

"Me too," lahat sila umagree, ako lang hindi.

"How about you, Francis?" Tanong ni Allysa sakin.

"Ah, uuwi kasi papa ko this Christmass galing Saudi kaya uuwi akong probinsya. Pasensya na, bawi ako next time," sagot ko.

"Sayang naman. Paki hi nalang kami sa papa mo," sabi ni Mia.

Pagkatapos naming kumain ng lunch ay mabilis kaming pumunta sa loob ng class room. Lahat kami nagbubuklat na ng notes. Wala kang makikitang nagchi-chill, lahat kami aligaga. Last exam na kasi namin pero ito 'yung subject na napakahirap. Napakadami kasing nadiscuss na formula, tsaka unexpected pa 'yung mga bininigay.

Pagkatapos ng exam ay para kaming nabunutan ng tinik.

"So, this night. 9 pm, kitakits!" Nag-wave si Mia ng kamay nang inihatid namin sila sa Dorm nila. Alas tres palang kasi ng hapon .

"Tara na, inaantok na ako," naghiwahiwalay kami nila Trevor. Kasama ko si Jason na umuwi ng dorm tsaka ako natulog sa room namin ni Troy.

Paggising ko ay nakayakap sakin si Troy habang natutulog din. Napatingin ako sa mukha niya tapos hinawakan ko 'yun. Pinisil ko 'yung matangos niyang ilong tsaka siya nagising.

"Ginagawa mo?" Tanong niya.

"Ang tangos ng ilong mo," puri ko.

"Napopogian ka na naman sakin, wifey." Tsaka niya sinubsob 'yung mukha niya sa leeg ko. Nakikiliti ako dahil sa hininga niya

"Ano oras ka umuwi dito?"

"Kanina lang, mga six pm. Nag-extend 'yung exam namin kaninang hapon eh."

Kahit MaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon