Chapter 45: Gago Talaga to datiKinuha ko lahat ng gamit ko at inayos sa dalawang maleta ko. Ipinatong ko sa drawing table ni Troy 'yung camera na binigay niya sakin. Nandun parin yung memories namin, hindi ko dinelete. Gusto kong makonsensya siya sa ginawa niya.
"Henry," sabi ko sa phone nang sinagot ni Henry yung tawag ko.
"Oh, Francis?"
"Lipat ako sa kwarto mo. Wala ka pa namang karoom di ba?" Tanong ko.
"Oo, wala pa pero bakit?" Tanong niya. "Paano si kuya Troy?"
"Ah... ganito kasi... maingay kasi dito kapag, meron yung mga kaibigan ni Troy, hindi ako makapagaral ng mabuti. Nakapagpaalam naman ako ng mabuti sa kanya." Pagsisinungaling ko.
Sa katunayan, gusto kong umiyak pero hindi ako makaiyak. Para bang sa sobrang sakit ay agad agad namanhid yung nararamdaman ko? Ang agad kong naisip na gawin ay umalis sa dorm na ito. Ayoko siyang makita.
"Ah, sige. Iopen ko nalang tong kwarto kapag umalis ako. Yung mga gamit mo?"
"Huwag mo ng alalahanin. Kaya ko nang idala diyan."
"Sige. May klase pa kasi ako."
Nagpatulong ako kila kuya janitor na idala yung gamit ko sa dorm nila Henry. Ilang lakaran din yun kaya binigyan ko sila kuya ng tig limang daan. Masaya naman sila sa binigay ko. Pumasok ako sa kwarto ni Henry at nagayos ng gamit. Pumunta ako sa may shower at nagsimulang maligo.
Totoo pala yung moment in shower minsan eh. Yung babalik yung memories sa utak mo habang napapaupo ka nalang sa tiles at hinahayaan ang pagdaloy ng tubig sa katawan mo. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulala.
Ang alam ko lang... masakit... na namamanhid yung pakiramdam ko.
Hindi ako pumasok sa school at nanatiling nakahiga habang nakatulala sa kama ko. Ngayong monthsarry pa talaga namin eh.
Napapatawa nalang ako habang pinapagaan ang pakiramdam ko. Sinasabi ko nalang sa sarili ko na, okay lang yan. Hindi mo deserve ang isang manloloko.
Kahit naiinis ako kay Troy ay hindi ko parin magawang iwaksi yung mga pinagdaanan namin. Sa five months na yun, ang daming nangyari.
Hanggang sa kusa nalang tumulo yung luha ko mula sa aking mata. Hanggang sa tuloy tuloy na yun hanggang naging hagulgol. Hanggang sa sobrang sakit ng hikbi ko na parang hindi ako makahinga.
Iyak lang ako ng iyak hanggang sa nakatulog ako.
Paggising ko ay gabi na. Nakita ko si Henry na kalalabas ng CR.
"Oh, Francis. Mugto mata mo. Umiyak ka ba?"
"Iyak? Bakit naman ako iiyak? Nasobrahan lang sa tulog."
"Wag mong sabihing noong naabutan kitang natutulog ng tanghali dito, kagigising mo palang? Anong oras na? Mag aalas onse na ng gabi? Di ka pa kumakain!"
Ngayong araw, hindi pa ako kumakain. Pero hindi naman ako nagugutom. Ang weird ng feeling, pero feeling ko, hinang hina ako.
"Labas lang ako, kakain sa labas."
Nagpaalam ako at pumuntang seven eleven. Bumili akong soya milk at noodles tsaka hotdogs and buns. Kumuha din ako ng pack dinner at sandwich. Kumain ako ng mabilis sa sobrang gutom na naramdaman ko noong unang kagat ko ng hotdog.
Pagkuwan ay kulang yung nabili ko kaya kumuha ulit ako ng isa pang noodles, hotdogs at pack dinner at kumain ulit.
Tumingin ako sa table ko, at nakita kong gaano kadami ang nakain ko. Pero bakit ganun? Hindi ako nabubusog?
BINABASA MO ANG
Kahit Mali
RomanceFrancis, a guy from the province will unexpectedly fall in love with Troy, a hunk, and a basketball player in their university. Their story starts when Troy started to trip on Francis because of his calm and innocent behaviour. Eventually, Troy wil...