EpilogueNakatanaw kami ni Troy sa may baybayin habang nakaupo kami pareho dito sa may buhanginan. Gabi na at kitang kita namin yung mga bitwin sa langit na nagrereflect sa dagat.
"Pitong taon na no?" Panimula ko.
"Oo. Matagal na din."
"Ang dami nang nagbago." Sambit ko at uminom ng beer. "Si Mia at Jason, kasal na... si ate Fana at kuya Floyd, kasal na din... tapos kayo ni Jelly, may anak na..." sabi ko pa.
"Ikaw ba? Wala ka pa bang asawa?"
"Wala pa. Single na ata ako hanggang sa pagtanda eh."
"Si Aries? Hindi pa kayo nagkita?"
Nalungkot ako sa sinabi niya. Naalala ko tuloy si Aries. Sobra yung panghihinayang ko sa lalakinv yun.
"Nagkita kami pero... may asawa na siya. Si Catriona." Sabi ko. "Si Jelly, asan siya? Parang hindi ko siya nakita?"
Medyo napangiti at natawa siya sa sinabi ko. "Nasa America." Sambit lang niya.
"Hindi siya sumama dito?"
"Hindi pwede eh!"
Tumango nalang ako sa sinabi niya tsaka ako napabuntong hininga.
"Kamusta ka na, Francis?" Tanong niya tapos naglagok ng beer.
"Ayos lang. Eto... maayos na buhay ko. Ikaw ba?"
"Ayos naman na. Masaya naman ako."
May anak siya. May asawa. Siyempre, masaya nga siya. Naalala ko tuloy si Jelly.
"Nice to hear that," sabi ko.
"May tatanungin ako, okay lang?" Tanong ni Troy.
"Go, ano ba yun?"
"Napatawad mo na ba ako?"
Tumingin ako sa kanyang mga mata. Parang nangungusap ito at binabasa yung utak ko. Bagay na namiss ko sa kanya... yung mata niyang nangaakit.
"Oo naman. Ang tagal na noon. Tsaka bago pa man ako lumayo, napatawad na kita Troy. Naiintindihan naman kita kung bakit mo nagawa yun. Naguguluhan ka noon. Noong una hindi ko magets, pero nung naglaon, nakuha ko din. Mahirap yung sitwasyon mo. Pero wag na nating pagusapan... matagal na yun..."
"Pero dahil sakin, nagkagulo kayo ni Aries... napatawad mo na ba ako dun sa part na yun."
"Naman! Oo nga. Wala na akong grudges sa yo o kay Aries o kahit kaninuman." Sambit ko.
"Salamat." Sambit niya. "Noong nagpakalayo layo ka, hindi ka na ba sumubok ng ibang relasyon?"
"Siyempre, sumubok ako. Tatlong exe girlfriends. Tig two two months..."
"Eh, sa lalaki?"
"Wala... may mga nagpaparamdam pero... ayoko eh... ayoko sila."
"Good."
"Ha? Anong good?"
"Wala... cheers!" Nagcheers pa kami at uminom muli ng beer.
BINABASA MO ANG
Kahit Mali
RomanceFrancis, a guy from the province will unexpectedly fall in love with Troy, a hunk, and a basketball player in their university. Their story starts when Troy started to trip on Francis because of his calm and innocent behaviour. Eventually, Troy wil...