Chapter 37: Mas mahal kita sa kanya

421 27 3
                                    

Kahit Mali 37

"Okay cut," sigaw ko nang natapos 'yung isang scene na tinetake namin sa loob ng classroom. Walang klase ngayong hapon ng Wednesday dahil may Council meeting kasama lahat ng Professors. At dahil walang mga tao ay napagisipan kong magtake ng isang scene para sa short film na ginagawa ko.

"Okay lang ba 'yung acting ko, Direk?" Tanong ni Cheska, habang papalapit sakin.

"Yup, ang galing mo, Ches!"

"Galing daw eh nabubulol sa letter 'R' kanina!" Birada naman ni Trevor.

"Bwisit ka talaga. Manahimik ka nga!" Sinampal ni Cheska sa braso si Trevor.

"Aray ko!"

"Francis, I'm just curious kung anong basis mo, how did you come up with this idea? Sobrang sakit nung story eh. Love story that is hiding from the world... akala ko ba story nila ate Fana at kuya Troy?" Tanong ni Cheska.

"Hindi ko na pinursue 'yung story nila. Masyadong complicated 'yun eh."

"Nagpapatawa ka, Francis. Mas komplikado 'tong story na 'to. Why do the characters hide their relationship? Para hindi masaktan 'yung friend nung guy na naghahabol sa kanya?"

"Ganun na nga... may kaibigan kasi akong parang ganito 'yung situation, so nagkaroon ako ng idea. Nag-add lang ako ng ibang scenes mula sa napanood kong movie na may sad endings. Hehe."

Sa katunayan, story namin ni Troy 'tong ginagawa naming short film. Ginawa ko lang na babae 'yung sarili ko which is si Cheska ang gaganap. Si Trevor naman ang gaganap bilang Troy tsaka si Allysa 'yung parang si ate Fana.
"Anong next scene natin?" Tanong ni Cheska.

"Pool scene, this night. Sa bahay nila Jason."

***

Tinake namin 'yung pool scene kung saan nakita at narinig ni Cheska si Allysa at Trevor na naguusap.

"Bakit ba kasi hindi mo ako kayang mahalin?!" Acting ni Allysa sa may gilid ng pool kasama si Trevor. Nasa may gilid din naman kami ni Mia habang tinututok 'yung lighting at camera sa kanila. Finocus ko kay Cheska 'yung isang camera tapos kinunan 'yung reaksyon niya.

"Huwag kang magalala kung sa future, pag nakita tayong muli, kung wala ka pang asawa at hindi ka pa kinakasal, papakasalan kita..."

"CUT!" I shouted.

Kinuha ko 'tong scene na 'to nung birthday ni Troy, nung nakita ko kung paano mahalin ni ate Fana si kuya Troy. Nung sinabi niya 'yung mga salitang 'yun sa kanya.

"Oh my gad, I like that scene," sabi ni Mia. "Alam mo Francis, mas naaawa ako sa character ni Allysa kaysa sa main character. Habol ng habol sa guy na hindi naman siya mahal. I hate the guy here, he's such a jerk."

"Gusto mo malaman 'yung ending?" Tanong ko sa kanya. Kalahati palang kasi 'yung natapos na script at 'yung ending pinagiisipan ko palang. And right now dahil nandito si Mia, alam ko na kung anong magiging ending nitong short movie ko.

"Of course," she answered. "Can you tell me what is it?"

"Trevor will fall out of love for Cheska. Cheska will be so devastated and lonely but chooses to just walk away, appearing strong wherein in fact, she is hurt so much."

"Wait, why will he fall out of love?"

"Because of another character named... Mia. Oo ikaw ipapasok kita."

"What?! So Trevor won't choose Allysa nor Cheska? May other girl?! What the fuck, Francis?! Parang sobrang sakit naman ata netong short movie mo na ito?!"

Kahit MaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon