Chapter 10: Gusto mo ba yung maulit?

578 33 2
                                    

kahit mali 10

Gabi na ng umuwi ako sa room namin. As expected, may dala na namang babae si Chester. Nasa bed sila ngayon magkayakap. Ang gulo ng room namin. Pati 'yung bed ko napakagulo.

Padabog kong kinuha 'yung ilang notebook ko tsaka padabog na sinarado 'yung pinto. Dumerecho muli ako sa coffee shop tsaka dun na nagaral.

Chineck ko 'yung time, magaalas dose na naman ng gabi. Nagsosolve ako ng mga problems nang may umupo sa harapan ko.

"Sinabi ni Jason sakin na gusto mong lumipat ng room," panimula ni kuya Troy.

"Oo kuya. Pwede ba akong lumipat sa room mo?"

"Kailan mo ba balak lumipat?"

"Bukas sana. Napupuno na ako sa ka-room ko, baka masuntok ko 'yun ng wala sa oras."

"Suntukin mo. Ako bahala."

Sumingha lang ako sa sinabi niya. Ang totoo niyan gusto ko talagang pagsasapakin si Chester eh, pero iniisip ko naman baka ako ang mabugbog. Mas malaki ang katawan niya, eh.

"Anytime pwede kang lumipat. Mm, eto, spare key ng room natin."

"Sige, salamat kuya!" Kinuha ko 'yung isang susi at ibinulsa.

KINABUKASAN, pagkatapos ng klase namin sa hapon, nagpatulong ako kila Mon, Trevor at Jason na maglipat ng gamit. Wala nun si Chester nung nanguha ako ng gamit kaya baka mabigla nalang siya once na nakita niyang wala na 'yung mga gamit ko sa room namin.

Isinakay namin sa kotse ni Jason 'yung mga gamit ko at pumuntang dorm building nila. Dahil may susi ako ng kwarto ay binuksan ko 'yung room ni kuya Troy at nagsimula na kaming magayos.

"Ang astig ng mga designs at drawing ni kuya Troy oh," pagpuri ni Mon habang tinitingnan 'yung mga nakadikit na drawing ni kuya Troy sa may pader.

"Parang ang hirap gawin. Ilang araw kaya niya ginawa 'to?" Tanong naman ni Trevor.

"Mga 'tol, salamat ah," saad ko.

"Wala 'yun 'tol, what friends for are, 'di ba?" Sabi ni Trevor.

"Gunggong! What are friends for 'yun, bobo!" Sigaw naman ni Mon.

Napangiti nalang ako sa kanila. Natapos kaming mag-ayos ng gamit tsaka kami lumabas at kumain sa isang restaurant.

"Namiss ko ng malasing," sabi ni Jason.

"Ako din. Friday night, magwalwal tayo!" Sabi ni Mon.

"Kayong tatlo ang babaliw niyo kapag umiinom. Kawawa akong nagaalaga sa inyo," sabi ko.

Nagstay kami sa may restaurant habang alas nueve ng gabi. Nagreview kami dun, at nagpaturo ako kay Jason ng mga hindi ko maintindihan. Buti nalang matalino si Jason sa pag-solve. Ito kasi 'yung na-absentan kong topic nun eh.

Umuwi kami sa dorm namin. Pagbukas ko ng pinto, nakita ko si kuya Troy na nagsusulat sa may table niya.

"Oh, Francis."

"Ah, inilipat ko na pala 'yung mga gamit ko."

"Mm, mm," tango niya lang. "Kapag matutulog ka na, patayin mo nalang 'yung ilaw. Maliwanag naman 'tong study light ko."

"Ah, okay lang kuya. Hindi pa naman ako matutulog eh. Magrereview pa ako."

"Ano ba exams mo bukas?"

"Si sir Riley at sir Cammayo."

"Si sir Riley, mahilig magpa-enumerate 'yun. Imemorize mo 'yung pwedeng i-numerate. Tapos si sir Cammayo, mga formulas 'yung madalas niyang pinapa-answer. Imemorize mo pati 'yung mga parameters. Kapag namemorize mo mga 'yun, madali nalang sa 'yo 'yung Problem Solving."

Kahit MaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon