kahit mali 12"Kinakabahan ako, midterms na," sabi ni Mia sa tabi ko pagkatapos umalis ni Sir Riley sa classroom.
Mabilis dumaan ang araw. Parang kailan lang noong nag-eenroll ako. Parang isang iglap lang biglaang midterms na naman bukas. Martes ngayon at kabibigay lang ng mga Pointers to review ng ilang mga professor. Sakto namang walang klase mamayang hapon dahil meeting ng mga faculty.
"Sa'n niyo balak mag-review this afternoon?" Tanong niya sakin.
"Ewan, kayo ba?"
"Sa lib kami nila Cheska."
"Ah, dun na din kami. Sama kami nila Jason."
"Okay, tara nang kain para makarami tayo mamaya."
Kumain kami sa canteen tsaka kami nagtungong library. Kaniya kaniya kaming mundo sa mahabang rectangular table nang nakita kong magkasama sina ate Fana at Troy na pumasok ng library. Umupo sila sa isang table malapit sa may entrance. Bigla akong napatingin sa notebook ko nang nakita ni Troy na nakatitig ako sa kanya.
'Tong mga nakalipas na araw, madalang kong makita si kuya Troy sa room namin. Ang pagkakaalam ko, busy siya sa mga requirements nila. Nag-oovernight siya sa mga kaklase niya dahil group project 'yung ginagawa nila for midterms. Nakikita ko lang siya kapag sa room minsan, na natutulog. At minsan minsan nalang kami nag-uusap. Ganundin naman ako dahil habang tumatagal, padami ng padami 'yung mga requirements namin. Ganun talaga ata kapag mahirap ang course mo eh. Halos hindi ka na makausap ng ibang tao.
"Jason, turuan mo naman ako sa problem number 4, nahirapan ako eh," sabi ni Mia. Tinuruan naman siya ni Jason at napangiti nalang ako sa kanilang dalawa.
"Oh, Francis, bakit?" Tanong ni Mia.
"Wala. Ang cute niyong tingnan."
"Yieee..."
Inasar namin silang dalawa. Dati kami ni Mia 'yung inaasar nila pero ngayon, si Jason na. Ang lawak naman ng ngiti ni Jason habang inaayos 'yung eyeglasses niya.
"Hi guys," tumingin ako sa nagsalita, si ate Fana. Nasa tabi niya si Troy. "Mahilig ba kayong mag-basket ball?" Tanong ni ate Fana.
"Opo ate."
"Ako po, naglalaro."
Si Mon tsaka si Trevor lang 'yung nagsalita. Wala talaga kasi kaming hilig nitong si Jason sa sports eh. Pareho kaming hikain.
"May trial sa gym para sa bagong members ng basketball team ng Civil Engineering Department. This coming friday na 'yun. So kung gusto niyo, pwede kayong makipag-try out. College Intramurals na kasi Next Week ng CoAE, kulang ang basket team ng Civil Engineering Department," sabi naman ni ate Fana.
"Ah, sige tingnan po namin," sabi ni Mon.
Natapos 'yung Midterms namin that week. Lahat kami masaya dahil nakapag-review kami ng maayos. Hapon ng friday nang ipatawag lahat ng mga student ng CoAE sa may gymnasium.
"This coming friday na 'yung College Intramurals natin. May mga sport games na magaganap including Volleyball, Basketball, Tennis, tsaka may pageant na magaganap ng miyekules. So nasa inyo na kung saan niyo gustong sumali. The other students na walang gustong salihang events, kailangan niyong sumali sa cheering team ng inyong mga department. Mandatory po 'yun, and attendance will be strickly checked," announce ni ate Lovely sa harapan. "So now, the president of each Department will talk to those under them para ma-accomplish 'yung list."
Pumunta kami sa may Civil Engineering Department at nakinig kay ate Fana. Siya kasi ang head ng Department namin.
"Ayan, halos complete na 'yung list, but wala pa tayong pambato sa pageant," sabi niya. "Sinong gustong sumali? From freshmen?" Tanong niya. Tiningnan ko si Mia. Feeling ko, may pagasa na manalo ito dahil maganda siya tsaka matalino. "Any suggestions?"
BINABASA MO ANG
Kahit Mali
RomanceFrancis, a guy from the province will unexpectedly fall in love with Troy, a hunk, and a basketball player in their university. Their story starts when Troy started to trip on Francis because of his calm and innocent behaviour. Eventually, Troy wil...