Kahit Mali 35"Cielo, tara kain sa caf," nasa harapan kami ngayon ni Cielo kasama sina Nina at Michelle, mga kakalse rin namin. Lunch time nun nang nauna nang pumunta sina Mia sa may cafeteria. Hindi parin sila nagpapansinan, at kaninang umaga, ako lang 'yung binati nila ng 'good morning'.
Ginawa ni Trevor 'yung sinabi ni Mon kahapon kaya, nandito kami ngayon, kausap sila.
"Of course, tara girls..."
Nagsimula kaming naglakad papuntang cafeteria. Nagsimula rin kaming magusap tungkol sa mga problem sets na nagawa namin tsaka kung tapos na namin 'yung isang drawing plate sa Autocad na pinapagawa ng isang professor namin.
"Nahihirapan akong mag-Autocad, nahihilo ako sa mga Commands." Sabi ni Cielo nang nakaorder na kami at habang papaupo. Nakita ng mga mata ko kung paano tumaas ang kilay ng mga girls sa may malayong table. Para bang galit na galit sila sa nakikita nila lalo na't nagtatawanan ngayon sina Trevor.
"Don't worry, turuan kita..." sabi ni Trevor.
"Talaga?"
"Yep. Turuan kitang magopen ng AutoCad. Hahaha!"
Mas lumakas 'yung tawanan namin nang nagjoke si Trevor kahit waley. Bulong kasi ni Mon, dapat tumawa kami ng malakas.
Nakita ko nalang na nag-walk out na 'yung tatlong babae. Nagsenyasan kaming apat na umepektibo 'yung plano.
***
Habang nagdi-discuss 'yung professor namin ay naramdaman kong parang puputok ang pantog ko kaya nag-excuse ako at pumuntang CR. Paglabas ko ng Comfort Room ay nakita ko sina Mia, Allysa at Cheska na nakapamaywang sa harapan ko.
"Oh?"
"So ano 'yun Francis? May bago kayong friends, ganun?" Nagagalit na salita ni Mia.
"So, ganun ganun nalang? Sila Cielo pa talaga?!" Sambit naman ni Allysa.
"Tapos nagtatawanan pa kayo ng malakas?" Dagdag ni Cheska.
"Sabihin mo nga Francis, bakit niyo ginagawa 'to? Para inisin kami?" Tanong muli ni Mia. "And if oo ang sagot mo, naiinis na talaga kami!"
"Teka lang ha," napakamot ako sa ulo ko sa mga sunod sunod na hinaing na sinasabi nila. Napahinga pa ako ng maluwag tsaka tuluyang magsalita. "Pwede ba ayusin niyo mga away niyo sa mga jowa niyo?! Ako naiipit sa inyong anim eh! Kung hindi kayo magpapababaan ng pride bahala kayo! Ayoko ng pumagitna sa mga away niyo!"
Sa inis ko ay medyo lumakas 'yung boses ko tsaka pinakita ko talagang galit ako. Eh galit ako eh, una dahil sa ako 'yung kinokompronta nila, eh ayoko ng ganun. Pangalawa, 'yung naalala kong magkakasama si Jelly at Troy mamayang gabi para sa investment meeting ni Jelly.
Tinatawag nila 'yung pangalan ko pero hindi ko sila pinansin. Naglakad lang ako papuntang classroom at nagtaka din sina Mon dahil kinuha ko 'yung bag ko tsaka ako umupo sa may bakante sa may gilid kung saan malayo sa kanilang anim. Nakita ko ring nakatingin sila Mia nang pumasok sila sakin, parang nakokonsensya sa nangyari.
Hindi ko sila pinansin nang uwian na kahit tinatawag nila ako. Bahala na, kung hindi sila magkakabating anim bahala sila. Ayoko namang naiipit sa gitna.
***
Mga gabi na 'yun nang magisa ako sa kwarto. Hinihintay ko si Troy pero ang alam ko mga alas dose pa 'yun uuwi kaya naman nag-AutoCad nalang ako pero dahil sa mababa ang specs ng laptop ko, naglalag siya kaya nainis rin ako nang hindi naisave 'yung ginawa kong plate.
"Bwisit!"
Padabog kong isinara 'yung laptop ko. Nakarinig ako ng katok sa pintuan,. Binuksan ko 'yun habang umaasa na si Troy na 'yun pero iba 'yung nakita ko. Silang anim! May dalang mga pagkain tsaka nakapantulog. May hawak pa sina Mia at Allysa na unan at parang binabalak pa ata nilang magover night dito.
"Francis," banggit ni Trevor at Cheska ng sabay.
"Ikaw na magsabi," sabi ni Cheska.
"Nakapagusap na kaming anim, pasensya kung naramdaman mong naiipit ka sa mga away namin. Bati na tayo p're, hehe!"
Nakatingin lang ako sa kanila at nanahimik ng ilang segundo habang may seryosong mukha. Para naman silang naghihintay sa mga susunod na gagawin ko base sa reaksyon ng mga mukha nila.
"Okay na! Hahaha, kayo pa hindi ko kayo matiis eh!"
"Kung ganun, tara na't maginuman!" Pumasok sila sa kwarto nang hindi ko pa sinasabi. Para ngang room nila ito dahil nahiga bigla 'yung girls sa bed namin ni Troy.
"Wait, bakit magkadikit 'tong bed niyong dalawa ni Kuya Troy? Magkatabi kayong natutulog?" Bigla akong kinabahan sa tanong ni Mia dahil ngayon ko lang naalalang nakadikit nga pala ito.
"Ah, ahm, ano kase," tae wala akong maisip na rason. Ano sasabihin ko?!
"Guys tara na dito sa lapag, start na natin 'tong pizza and drinks!" Sigaw ni Mon tsaka kami nagindian sit sa lapag.
Nagsimula kaming magusap at nagkwentuhan habang lumalagok ng mga alak.
"Pero promise niyo, 'wag na ulit kayo sasama kila Cielo!" Pagbabanta ni Mia.
"Yeah right, we hate them. Malalandi kaya 'yung tatlong 'yun." Sabi naman ni Cheska.
"Yan, Cheska, judgemental ka na naman," sita ni Trevor.
"Trevor, I'm just stating the fact!"
"Tama na 'yan, mamaya magaway away na naman kayo!" Sabi ko naman. "Mabuti pa, inom nalang tayo! Bottoms up, cheers!" Parepareho naming ibinottoms up 'yung alak namin.
"Ah wait, hindi ba magagalit si kuya Troy if mag-over night tayo dito?" Tanong ni Allysa, "wait, nasaan pala siya?" Dagdag na tanong niya.
"Sabi niya sasamahan daw niya si Jelly sa business meeting ata?" Sabi ko naman.
"Business meeting ng gabi?" Tanong naman ni Mia. "I doubt it, baka sila nagmemeeting sa isa't isa, hahahaha!"
Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni Mia. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Oo nga 'no? Magbi-business meeting sa gabi? Well pwede naman tsaka isa pa, estudyante si Jelly kaya gabi lang 'yung vacant time niya.
"Ano, Francis? Pwede kaya dito kami matulog?" Allysa asked.
"Hmm, ako ng bahalang kumausap sa kanya. Tingin ko hindi nga siya uuwi."
"Uh, Francis phone mo, may tumatawag." Nasa tabi ni Cheska 'yung phone ko na nagchacharge kaya nang may tumawag si Troy, nakita niya ito at ibinigay niya sakin. Dali dali akong tumayo at lumabas para hindi nila marinig 'yung usapan namin ni Troy. Thankful naman ako at hindi talaga "Hubby" 'yung nilagay kong pangalan niya sa phone ko kung hindi, nako nabuko na ako!
"Hubby?"
"Wifey, baka hindi ako makauwi."
"Ha? Bakit?"
"After ng meeting ni Jelly kay Mr. Martin, tumawag 'yung highschool friend naming si Clinton, birthday party niya ngayon sa Makati."
"Ah, edi waw."
"Ibaba ko na."
"Geh."
Parang narinig na naman ata niya 'yung pagkasarkastiko ko kaya biglang walang lambing 'yung sumunod niyang sinabi. Edi waw, si Jelly na naman kasama niya.
Pumasok akong muling kwarto at hinarap sila.
"Francis, may hindi ka sinasabi samin," sabi ni Cheska.
"Ha? Ano 'yun?"
"Sino si HB? Girlfriend mo? Nakita ko, siya 'yung tumatawag."
"Uy, tol, share mo naman samin kung sino 'yan!" sabi naman ni Mon.
"Mga sira!" Sabi ko sa kanila.
"Sino nga si HB? Ano 'yung HB?" Tanong ni Jason.
"Honey Bunch 'yun 'no? Uy Francis, sino si Honey Bunch?!" Tanong ni Mia.
"Wala nga. Basta, ipakilala ko sa inyo soon." To break the argument, ito nalang sinabi ko sa kanila pero sa tingin ko, never kong maipapakilala si Troy sa kanila as my boyfriend. Hindi sa hindi ko kayang ipagmalaki pero ayokong majudge kaming pareho kahit alam kong kaibigan ko silang lahat, hindi parin pwede. Ayoko. Ayokong sabihin.
***
Natulog nga sila dito sa room namin ni Troy at umalis din ng umaga.
BINABASA MO ANG
Kahit Mali
RomanceFrancis, a guy from the province will unexpectedly fall in love with Troy, a hunk, and a basketball player in their university. Their story starts when Troy started to trip on Francis because of his calm and innocent behaviour. Eventually, Troy wil...