Chapter 23: Sa bunganga mo nalang, pwede?

504 31 1
                                    


kahit mali 23

Pagkatapos ng klase ay dumerecho kami sa Beverage bar. Para kaming mga baliw na nag-gugroup hug sa dance floor at nagtatawanan. Nang natapos 'yung song ay umupo kami sa may table namin.

"For our long friendship!" Sigaw ni Cheska, tsaka kami nag-cheers at uminom ng alak.

Ang saya ko lang dahil isang linggo kong hindi nakasama 'tong mga gunggong. Akala ko nga hindi ko na sila makakabonding ulit.

Naiwan kami ni Mia sa may sofa dahil pumuntang dancefloor 'yung iba.

"Narinig ko kaninang parang victim din 'yung kuya mo?" Tanong ko sa kanya tsaka ako uminom ng alak.

"Yup, have I not told you that I was part of Jennica's fraternity?"

"Talaga?" Naamaze na talaga ako sa kanya. At habang iniisip ko kanina kung paano siya maglakad at magsalita na parang kinakatakutan, kumbinsido na akong totoo 'yung sinasabi niya.

"Yup. Akala ko, masaya silang kasama. Sa una, yes kasi protective naman sila tsaka ipapafeel talaga nilang belong ka. But I was wrong, may mga kababalaghan palang nangyayari sa group. And I learnt that yung girl friend ng kuya ko, frat mate ko, yun si Jennica. Well, we were close back then, but when I found out that they are taking drugs and fucking each other and, they are tripping strangers, tumiwalag ako sa group. I don't wanna be friends with those kind of people kasi, it's just not me. I've told kuya Terrence what I knew about Jennica, then they broke up and one night, nasa hospital na 'yung kuya ko, nabugbog daw ng mga gangster."

"Buti hindi ka din pinagtripan? Di ba kapag tumiwalag ka sa mga frat may consequence bago ka talaga makaalis?"

"Nuh, their frat is just you know, gawa gawa lang nila. Hindi naman 'yun malaking group, sila sila lang magbabarkada. Nasali ako sa initiation nun, nagbayad lang ako ng pera."

"Ah... ganun ba 'yun? So buti nga hindi ka nila sinaktan?"

"No, they can't do that to me. I know their secrets, I have evidence; like videos while they are taking drugs, na kitang kita 'yung mukha nila, so once kinanti nila ako, ilalabas ko 'yun, makukulong sila."

"Wow. Ngayon lang ako naka-meet ng babaeng katulad mo. Akala ko dati, patweetums ka lang! May gangster side ka pala."

Tumawa lang siya.

"Bakit hindi mo yun ginamit nung binugbog 'yung kuya mo?" Tanong ko pa.

"Uhm, 'yung reason ko nun ang babaw. Ayoko silang makulong eh, kahit papaano naging friends ko sila and naging good naman sila sakin tsaka I enjoyed their company. Ayoko lang talaga nung mga kababuyan na ginagawa nila with each other and about sa drugs. Ugh, my dad will kill me if he found out I'm using drugs."

"Narinig ko kay Cheska na broken family kayo, kaya ka sobrang protective sa mga friends mo? Pwede ko bang malaman kung bakit?"

"Of course. My dad is hard working guy kasi. My mom seeks attention and she sought it with other guy. I can't say I fully support mom because what she did is adultery, and that is really not cool. But seeing her right now, she seems so happy kahit hindi sobrang yaman ng partner niya. And I want a relationship like that, 'yung kahit hindi sobrang yaman, basta may time sa isa't isa."

"Oo. Mahirap yun. Mahirap din kapag pareho kayong busy ng asawa mo. Kawawa ang mga anak niyo kapag. Alam mo ba si Troy? 'Yung mga magulang niya sobrang busy, wala na silang time sa kanya. Naawa nga ako sa kanya kasi nung birthday ni Troy wala sila."

"Really?"

"Oo. Pero kahit ganun 'yung family ni Troy, sobrang bait naman niya tsaka hindi nagrerebelde. Ussually di ba kapag ganun 'yung type na family meron ka, magrerebelde ka? Pero si Troy hindi siya nagrebelde."

Kahit MaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon