kahit mali 14KINAGABIHAN, nasa may gilid ako ng stage habang hawak hawak 'yung camera. Ilang minuto nalang magsisimula na 'yung pageant. Maraming tao ngayon at may iba't ibang mga letterings sa paligid.
"And now, please welcome the contenders vying for the title Mr. and Miss College of Architure and Engineering for their production number!"
Lumabas 'yung mga candidates at maririnig ngayon ang iba't ibang cheer at sigawan. Nakita ko sina Mia at Jason na nakatingin sakin. Binigyan ko sila ng thumbs up habang nakangiti sila sa audience. Nagsimula ako mag-capture.
Nagsimula ng magpakilala ang mga kandidata hanggang sa umabot kina Jason at Mia. Nasa malapit lang ako sa harapan habang patuloy na nagcacapture.
"Mia Valencia, 18."
"Jason del Fuego, 19."
"From Civil Engineering Department!"
Malakas na sigawan at palakpak ang narinig. Tuwang tuwa naman ako habang sumisigaw din at pumapalakpak sa kanila. Pagkatapos nun ay bumalik sila sa back stage. Umupo ako sa may mga monoblocks, sa tabi ni Troy, malapit sa may harapan. Upuan kasi 'to ni ate Fana kanina, pumuntang back stage. Nakita ko naman si ate Lovely na aligaga sa gilid ng stage.
"Makiupo ako, ah?"
Tumango lang siya tsaka ko narining na umubo siya ng konti.
"Okay ka lang?" Tanong ko pa.
"Oo, wala 'to." Pero umubo ulit siya.
Nakinig ako sa host. Hindi na ako nakipagusap dahil maingay 'yung paligid. Naghintay pa kami nang sumunod ang ibang categories. Pumunta ulit ako sa harapan para i-capture 'yung moment sa swimwear category.
Nang pagkatapos ng swimwear, bumalik ako sa upuan. Nakita ko si Ate Fana doon, wala na si Troy.
"Francis, nakita mo si Troy?" Tanong niya sakin.
"Hm, nandito lang siya kanina, iniwan ko dito," sagot ko.
"San kaya siya pumunta? Sige, balik na ako sa backstage."
Nagtuloy tuloy pa 'yung pageant hanggang Suit at Long gown category pero hindi ko na nakita si Troy. Patuloy ako sa pagmasid sa paligid ko, inaasahang makita ko siya pero wala. Baka umuwi na siya. Pero bakit ko ba siya hinahanap? Umiling na lang ako tsaka nag-focus na nung iaaward 'yung ibang minor awards.
"Miss and Mister Photogenic is... oh, what a surprise partner, pareho sila ng number. Magkadepartment ang ating Mr. and Ms. Photogenic. Guess who, future Architects and Engineers?!"
"Number 4," sigaw ko sa harapan ng pagkalakas lakas. Iba't ibang number 'yung naririnig ko sa paligid.
"Our Mr. and Miss Photogenic is... contenders number 4! Mr. Jason del Fuego and Mia Valencia From Civil Engineering Department!"
Tumakbo ako sa may harapan para kunan sila ng picture. Ang saya nila Mia at Jason dahil first award nila ito. Sabagay, out of all the contestant, angat sila sa mukha. Feeling ko talaga mananalo silang dalawa eh. Bukod sa maganda na mukha, matatalino pa!
"Best in Production Number is... number 4, Mr. Jason del Fuego," si Jason ang nanalo sa category na 'yun. Tiyak akong makakapasok siya sa top 3.
"Best in Long Gown is number 4, Mia Valencia from Civil Engineering Department!"
Nang pagdating sa top 3, natawag din sina Mia at Jason. Talon ako ng talon sa harapan dahil nakuha sila. Halata namang kinakabahan na si Jason dahil napapahawak na siya sa kanyang puso.
BINABASA MO ANG
Kahit Mali
RomansaFrancis, a guy from the province will unexpectedly fall in love with Troy, a hunk, and a basketball player in their university. Their story starts when Troy started to trip on Francis because of his calm and innocent behaviour. Eventually, Troy wil...