The Persistent Jungkook

422 24 4
                                    

Six : My Possessive Vampire 💐


The Persistent Jungkook




TAKOT NA nakatigtig ako kay Jungkook, bumalik na siya sa kaniyang vampire form. This time ay mas lalo akong natatakot sa kanya.


"Jungkook, kumalma ka!" Suga warned but Jungkook only smirked. Nakakatakot.


Napatingin ako sa aking pulsuhan nang makaramdam ako ng matinding sakit doon, nagliliwanag ang markang inilagay niya.


Jungkook closed his eyes, the smirk was still plastered on his face.


"Your blood smells delicious," sabi niya bago buksan ang kaniyang mga mata, diretso siyang nakatingin sa akin.


Wala akong ibang magawa kung hindi ang humakbang paatras, nanginginig ako sa sobrang takot.


His eyes were glowing different shades of red. Tila ako sinusuri nito, tinititigan niya ako mula ulo pababa sa aking katawan hanggang dumako ang tingin niya sa aking nagdudugong tuhod, ngumiti siya ng nakakatakot bago dinilaan ang kaniyang labi.


"Leave unless you want to be torn into pieces." sabi niya bago humarap sa kaniyang mga kapatid.


They all looked at me in concern, ayoko silang umalis at iwan ako dito kasama siya, pero ayoko din naman na pati sila ay madamay nang dahil sa akin.


"Leave!" Jungkook voice got louder.


Unang nakapagsalita si Suga. "Let's leave." sabi niya sa mga kapatid. His brothers looked at him in disbelief. "Jungkook will not kill her, that's important. Ayokong may muling masaktan pa sino man sa atin, mas mabuting umalis na muna tayo." walang emosyon niyang sabi bago tumalikod.


Bago pa makapag react ang iba ay kusang bumukas ang malaking pinto at lahat sila ay malakas na tumilapon palabas. The doors closed before they could even run back.


Naririnig ko pa silang nag-aaway mula sa labas. Pero isa lang ang sigurado ko, walang sino man ang makakapasok dito sa loob hangga't nasa vampire form niya si Jungkook.


"Wag kang lalapit sakin!"I tried my best to show a brave face, pero hindi ito pinansin ni Jungkook, patuloy lang siyang naglalakad palapit sa akin.


Napatigil ako sa pag-atras nang maramdaman kong wala na akong aatrasan pa, nakita ko siyang gumisi na tila mas natutuwa sa kaniyang nakikita.


Para akong isang pahin na kahit anong oras ay handa niyang kainin.


I was about to move but he held my wrists tightly then he got down on one knee. Hindi niya inalis ang kaniyang tingin sa aking tuhod. Dumampi ang ilong niya sa tuhod ko at nakita kong nilalanghap niya ang amoy ng aking dugo.


Nanigas ang aking katawan nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga doon, dinilahan niya ang dugo sa sugat ko.


Unti-unting nanlalambot ang aking mga tuhod, tanging ang pader na sinasandalan ko ang nagbibigay suporta sakin para huwag tuluyang matumba. I bit my lip to stop myself from groaning.


It feels... weird.


"Look at you, getting all flustered because of this," he chuckled as he got up.


Nasa harapan ko na siya ngayon, ilang dipa ang layo mula sa akin, hawak pa rin niya ng mahigpit ang aking pulso.


"Bitawan mo ako!" pagpupumiglas ko. Pero tumawa lang sya nang nakakaloko.


My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon