Gigi II

220 17 5
                                        

Twenty Five : My Vampire Lover 💐

Gigi II

DALAWANG TAON.

Dalawang taon na ang lumipas nang mangyari ito, hindi ganoon katagal pero bakit sobrang iba sila kumpara ngayon?

Ang mga mata nila, sobrang lamig at tila walang mga emotions. Wala kang mababakas na pagmamahal o pagpapahalaga sa mga ito.

Natatandaan ko nung unang salta ko rito, they treated me coldly, pero sa una lamang iyon. Nagbago rin sila ng makasama at makilala ko na sila ng lubusan. Pero ito? Itong nakikita ko ngayon, sobrang iba.

Kahit gaano man sila ka cold sakin noong unang pagkikita namin. Hindi naman nila ako binastos ng ganito.

Nakaramdam ako ng pagkailang at takot ng mapansin kong lahat sila ay nakatingin sakin.

"Feeling uncomfortable?" Sabi ni Namjoon na may ngiting nakakaloko.

"B–bakit ako nandito?" kabado kong tanong. Posibli kayang si Gigi at ako ay iisa? Pinadala rin ba siya dito para ipambayad utang?

Rinig kong lahat sila ay tumawa ng nakakaloko maliban kay Jungkook.

"You went here at your own will. Why are you even asking us that question?" Tumingin ako sa gawi ni Jimin, di ako makapaniwala sa klase ng isinagot niya.

Ano daw? My own will?

Bakit naman pupunta rito ang isang tao kung alam niyang magiging delekado ang buhay niya? Unless kung...

"Seems like she's forgetful." nakangising sabi ni Jin. "This is your new job. All you have to do is live with us. Sounds easy right?" aniya habang lumalapit sakin.

"Pero syempre, you can't just live here without doing anything for us." dagdag pa niya. Napaigtad ako ng bigla siyang sumulpot sa likod ko habang ang kaniyang labi ay nakadikit sa aking kaliwang tenga.

"A–anong ibig mong sabihin?" tanong ko ng makalayo ako ng kaunti sa kaniya. Hindi ako sanay na makita silang ganito. Hindi ito tama. Hindi ito totoo!

"You earn money by pleasing your customers. Don't act clueless unless you want to test my patient." pabalang na sabi ni Suga.

Hindi nila marahil mabasa ang nilalaman ng isipan ko—Ganoon nga ba? O baka hindi lang nila siguro gustong intindihin kung anong nais isipin ni Gigi noong panahong nandito siya sa sitwasyon na ito.

No wonder she's dressed this way...seems like she's used to this. Marahil ay isang bayarang babae si Gigi.

"N–nagkamali lang ako. Nagbago na ang isip ko." Dahilan ko, pero sa tingin ko ay mas lalo ko lang silang ginalit.

"Wala kang karapatang magbago ng isip, lalo na kung nandito ako." Bigla akong tinulak pasandal ni J-hope sa pinto.

"Stop it!" sigaw ng isang baritonong boses.

Kahit paano ay nakaramdam ako ng konting pag-asa ng biglang sumulpot si Jungkook at hinila niya palayo sa akin si J-hope.

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon