Eighteen : My Vampire Lover 💐
He's Back
TAHIMIK lang kaming naglalakad ni Jungkook. Hindi ko alam pero wala akong nararamdaman na kahit na anong takot ngayon. Sa katunayan ay sobrang relaxed ng pakiramdam ko.
Mukha namang hindi siya nagmamadali kahit na medjo umaambon na, sinamantala ko ang oras para makapag lakad-lakad pa kami ng mas matagal.
Aaminin kong hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako, but at the same time ay masaya rin dahil hindi man lang siya bumibitaw sa hawak niya sa sleeve ng damit ko.
"Huwag kang masyadong kampante my dear Eli."
Natigil ako sa biglang pag-echoed ng boses ni Lucian sa isip ko. Para ko rin siyang nakita kanina sa harapan namin ni Jungkook.
Napapikit ako ng mariin, pagmulat ko ay wala naman siya. Ipinilig ko na lang ang aking ulo, hindi ko siya hahayaang gamitin at manipulahin na naman ako para sa masamang hangarin niya.
"You okay?" nag-aalalang tanong ni Jungkook na bahagyang hinila ang aking damit.
Huminga ako ng malalim habang hinahawakan ang hibla ng aking buhok. "O–okay lang ako, medjo sumakit lang ng konti ang ulo ko." pagsisinungaling ko.
Sumimangot siya bigla. "Dalihan na natin." aniya.
Alam kong alam niya na nagsisinungaling lang ako, nagpapa-salamat na lang ako na kahit ganoon ay hindi na niya ako kinulit pa.
Kalaunan ang kaninang ambon lang ay biglang naging ulan. Tumakbo kami ng mabilis papuntang mansion.
Pagkapasok ay nakita agad namin ang mga kapatid niya na nakatayo at mukhang naghihintay sa aming dalawa, sa main hall ng mansion. Binigyan nila kami ng nag-uuyam na mga tingin, lumapit agad si Jimin sa gawi ko at hinila ako palayo kay Jungkook.
"Why were the two of you together?" seryosong tanong niya.
"Nagkita lang kami sa may hardin. Nagkausap saglit at nagdesisyon na sabay na kaming bumalik sa mansion. Wala naman kaming ginawang masama." hinihingal pa na paliwanag ko.
"Jungkook, alam mong delekado para sa inyong dalawa ni Eli kung magkakalapit kayo diba?" paalala ni Jin sa kapatid.
"I know, pero ayoko naman siyang iwan mag-isa doon sa labas. Sinamahan ko lang naman siya, masama ba 'yon?" Jungkook said in disbelief.
"Yes it is, delekado para kay Eli." ani Suga. "What if the two of you suddenly make skin contact? We're all aware that the two of you tend to be impulsive, something could have gone wrong." sermon nito.
"Sorry then. But look, nothing bad happened and Eli got here safely. Kung sa tingin niyo ay ganoon kasama ang pagsama ko sa kaniya, patawad, kasalanan ko." sabi ni Jungkook sa kapatid habang itinaas ang dalawang kamay senyales ng pagsuko.
He looked frustrated.
Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil sa guilt. Lahat sila ay nagagalit kay Jungkook na naman. I appreciated the nice gesture, I wish his brothers did the same, pero naiintindihan ko naman sila, ginagawa lang din nila 'yung makakabuti para saming dalawa.
Pero hindi ko maiwasang maawa rin kay Jungkook, sinamahan lang naman niya ako at wala namang nangyaring masama.
"Okay lang 'yun Jungkook, basta mag-iingat na lang kayo, okay?" sabi ni Taehyung na tinangunan naman ni Jungkook. "Dinner is ready by the way, kumain na tayo." dagdag niya.
BINABASA MO ANG
My Possessive Vampire
General FictionNapilitang lumipat nang tirahan si Robyn Eliana dahil sa kaniyang stepmother, kung saan makakasama niya ang pitong misteryosong lalaki na magkakapatid. Alam niya sa umpisa pa lamang ay hindi na siya welcome sa pamamahay ng mga ito, lalo na ng pagsab...
