Five : My Possessive Vampire 💐
Never say a full Vampire's name
I WOKE UP to the sound of people talking.
I blinked a couple of times to get my vision into focus. Nasa kwarto ko pa rin ako at ang magkakapatid, pati si Jungkook ay nandito at prenteng nakasandal sa may hamba ng pintuhan.
"Gising na siya." si J-hope ang unang nakapansin sa akin at agad niya akong dinaluhan, umupo siya sa gilid ng aking kama. Mabibilis rin nagsilapitan ang iba pa.
"We were so worried, you must be really exhausted to have fainted like that." Namjoon sighed in relief.
"Sorry for being a burden," pahumanhin ko.
"It's the least we could do." ani Jimin habang naka ngiti.
"B–bakit siya narito?" kabadong tanong ko. Jungkook who instantly looked confused.
"Bakit? Am I not allowed here?" confused niyang tanong.
"L–lumabas ka sa kwarto ko...please," naiiyak na sabi ko. I hated myself even more when my voice shook.
"Eli, kumalma ka muna." ani Jin.
"Please, paalisin niyo siya dito!" nag pa-panic na ako.
Sina Namjoon at J-hope ang humila kay Jungkook palabas ng aking kwarto. Parang hindi ko kayang manatili sa iisang lugar na kasama siya, lalo na dito sa kwarto, parang naninikip ang dibdib ko. Pagkalabas ng mga ito, tsaka lamang bumalik sa normal ang tibok ng puso ko.
"Kailangan mong manatiling kalmado Eli. Alam kong mahirap gawin 'yon lalo na't natatakot ka, pero kaylangan mong matutong kontrolin ang galit na nararamdaman mo." Paliwanag ni Taehyung habang hinihimas ang aking likuran.
Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "Sorry, natatakot lang ako na baka gawin niya ulit iyong ginawa niya sakin." sabi ko habang mahigpit na hinawakan ang aking kumot. "At...bakit hanggang ngayon ay hindi niya alam ang ginawa niya? Hindi ba niya nababasa kung ano ang laman ng isipan ko?" nalilito kong tanong.
"We blocked his thoughts, para na rin sa kapakanan mo." si Jin ang sumagot.
"As long as you don't get any physical contact with him, his other form wouldn't appear. He's out to get you, he has a right to do so." sabi ni Suga na agad nagpakunot ng aking noo.
Anong ibig niyang sabihing mayroong karapatan? Sino? Si Jungkook?
Suga had a worried expression on his face.
"Remember when Jungkook said that your scent was different?" sabi ni Namjoon pagkapasok ulit niya sa kwarto. Tumango ako, iyon yung tinapunan siya ng bread knife ni Suga.
"Your scent did change, and that's because you were claimed." hindi ko lubos maintindihan ang ibig sabihin ni Namjoon, pero ramdam kong hindi ito makakabuti para sa akin.
"Claimed?" pag-ulit ko.
"He left his mark on you and you know it's more than just the mark on your wrist." automatikong nanlaki ang aking mga mata ng makuha ko kung anong ibig nilang sabihin.
"Wag kang mag-alala, wala namang masamang mangyayari sayo, he claimed you but it can still be void as long as you don't become his mate." paliwanag ni Jimin.
"Mate? What do you mean by mate?" nalilito pa rin ako sa mga sinasabi nila. I don't know much about these vampire stuff, pero hindi ako makakapayag na maging isang laruhan lang ni Jungkook!
BINABASA MO ANG
My Possessive Vampire
Fiction généraleNapilitang lumipat nang tirahan si Robyn Eliana dahil sa kaniyang stepmother, kung saan makakasama niya ang pitong misteryosong lalaki na magkakapatid. Alam niya sa umpisa pa lamang ay hindi na siya welcome sa pamamahay ng mga ito, lalo na ng pagsab...
