Twenty Nine : My Vampire Lover 💐
Mr. Damon's Birthday Plan
"HEY KIDS!"
Sabay kaming napalingon ni Jungkook sa taong pumasok sa may pintuhan.
Mr. Damon entering the room. Hayy, sobrang wrong timing naman ng dating...
Lahat ay tumayo sa biglang pagpapakita ng kanilang ama. Tumayo na rin ako habang si Jungkook ay na nanatiling nakaupo, mukha siyang iritable at naiinis bago sumunod.
"What's brings you here?" tanong ni Jin.
"Wala man lang bang welcome back?" reklamo nito. Nagtinginan ang magkakapatid na parang hindi makapaniwala.
Eto na naman po kami. Tiyak na mas kawili-wili ang mga bagay kapag nandiyan ang kanilang ama.
"Father, you interrupted our training." Ungol ni Jungkook habang sinasabunutan ang sariling buhok.
Well someone's really irritated.
"Naka break naman na kayo." Sagot ng Ama. "At diba sinabi ko naman sa inyo na pupunta ako rito para bisitahin kayo, diba?" nakangising dagdag pa ni Mr. Damon.
"Maghahanda ako ng pagkain para sa lahat." sabi ko. Lalabas na sana ako ng kwarto ng bigla akong pigilan ni Mr. Damon.
"I have something to tell everyone, it's really important." aniya. Lahat kami ay lumapit.
"Birthday ko na bukas."
As if on cue, they all groaned inwardly.
Habang ako ay hindi na talaga mapigilan ang mapatawa. Akala ko talaga ay may sasabihin na talaga siyang Importanti at seryoso.
"Ano naman ngayon kung birthday mo?" Jin asked. "Everyone has a birthday too." masungit nitong sabi.
"Syempre, I want to celebrate. Dito sa bahay, kasama kayong lahat at ng iba nating mga relatives at kaibigan." proud niyang sabi.
"You do realize that Eli is here. You want to get her killed?" Suga rolled his eyes.
"Oh right." sabi ni Mr. Damon. Hindi ko alam kung nakalimutan lang ba talaga niya ang tungkol doon or what...
"She'll be fine, everyone in our family has a good sense of control...Maliban lang kay Jungkook." dagdag ni Mr. Damon
"Sigurado ka ba dito? Hindi ba iyan mapanganib para kay Eli?" tanong din ni Namjoon.
"O–okey lang. 'Wag kayong mag-aalala sakin, ayos lang ako. Ayoko kong masira ang espesyal na okasyong ito ng Ama niyo ng dahil lang sakin." nahihiyang sabi ko.
"See? Kahit si Eli ay okey lang sa kaniya. Tsaka, it's been years since we held a party at this house. It won't be too extravagant and I'll only invite our closest relatives." Masayang sabi ni Mr. Damon
Wow...Ito ang unang beses na makakita ako ng isang Ama na humihingi ng pahintulot sa kaniyang mga anak na mag celebrate ng kaniyang birthday sa sarili niyang pamamahay. Natatawa na lang ako na ewan.
BINABASA MO ANG
My Possessive Vampire
General FictionNapilitang lumipat nang tirahan si Robyn Eliana dahil sa kaniyang stepmother, kung saan makakasama niya ang pitong misteryosong lalaki na magkakapatid. Alam niya sa umpisa pa lamang ay hindi na siya welcome sa pamamahay ng mga ito, lalo na ng pagsab...
