Tears

309 25 20
                                        

Fourteen : My Vampire Lover 💐

Tears




I FROZE in shock upon seeing Lucian. Ang kanyang mapupulang mga mata ay nakatutok sa akin at ang kanyang aura ay sumisigaw ng kamatayan. "You're really weak, aren't you?" he said as his feet landed on the floor.


"So this was all your plan?" sagot ni Jungkook na agad na humarang sa harapan ko para protektahan ako laban kay Lucian. Mukhang mas galit na siya ngayon.


"Anong sa tingin mo my dear nephew?" ngising sagot ni Lucian sa kaniya. "Eli and I had an agreement that she has to kill you. Alam ko namang mahinang klase lang ang mga tao pero hindi ko inakalang mas mahina pa pala ang isang 'to, tsk!"


Napatingin si Lucian sa pinto na biglang itong bumukas.


Everyone had serious looks on their faces. Sigurado akong narinig nila ang pinag-uusapan namin. At ngayon ay alam na din siguro nila kung bakit nagawa kong magsinungaling sa kanila.


"You know Eli's secret. I was responsible for blocking her thoughts." pagyayabang pa nya sa magkakapatid.


"P-patawarin niyo'ko. I–I was so scared, hindi ko alam kung anong gagawin ko." umiiyak na sabi ko.


All the guilt suddenly washed all over me.


Hindi ko namalayan na hawak na pala ni Jungkook ang kamay ko, ramdam ko ang paghigpit niya doon.


I wanted to do something, I didn't want to be helpless again but I just stood there in fear.


Takot na takot ako kay Lucian. Pero mas natatakot akong magalit ulit si Jungkook sakin. At higit sa lahat, natatakot ako sa pweding mangyari pagkatapos nilang nalaman ang ginawa kong kasinungalingan. I was afraid of how the rest would see me after this.


"Alam mo bang pinili niyang patayin ka para lang protektahan ang mga kapatid mo? And the best part of it, mas pinili niyang protektahan si Taehyung kaysa sayo, Jungkook." Lucian smirked as his eyes fell on Taehyung who suddenly looked confused.


"Stop your nonsense Lucian!" Suga hissed. "You tricked Eli into doing something that she wasn't willing to do. You took advantage of her!"


Hindi siya pinansin ni Lucian bagkus lumakad pa ito palapit samin ni Jungkook. "Stay away from her." babala niya.


Nakatingin lang sa akin ang kulay pulang mga mata ni Lucian. "Sinabihan na kita tungkol sa pweding mangyari kapag hindi mo ginawa ang pinag-uutos ko sayo, hindi ba? Ngayon simulan mo ng magsisi, Eli." sa isang iglap, pareho kaming tumilapon sa pader ni Jungkook.


Ang iba ay mabilis na lumapit sa amin para tumulong pero gaya namin ni Jungkook ay malakas rin silang tumilapon palayo.


Biglang sumulpot si Jungkook sa likod ni Lucian at nagbigay ng malakas na suntok dahilan para matumba siya sa sahig. "You should know that I'm just as strong as you, Lucian." puno ng lamig ang boses ni Jungkook. "Or maybe, stronger than you." ngisi pa niya.


Lucian laughed once again.


I felt shivers run down on my spine, may pakiramdam akong parte ito sa mga plano niya.


"How can you even say that you're stronger than I am when you don't even know that your own brother is betraying you?"Nakita kong nanliit ang mga mata ni Jungkook sa narinig.


"Alam mo bang may gusto si Taehyung kay Eli? Malamang hindi, diba? And if you don't do anything about it, she might start falling for him as well." naka ngising sabi pa niya.


My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon