Eleven : My Vampire Lover 💐
I'm Falling...
I DIDN'T KNOW when or how long I was out but I found myself waking up in a different room.
Once my vision got into focus, na realized kong hindi ako nag-iisa sa kama. Another realization hit me nang mapansin ko kung sino ang aking katabi, walang iba kundi si Jungkook.
Biglang nanumbalik sa aking ala-ala ang mga nangyari. I remember meeting my stepmother, Jungkook cheering me up...falling into the pool, darn!
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang aking sarili, ayokong umiyak ulit. Dahan-dahan akong kumilos at umupo sa kama, nang tangkang tatayo na ay doon ko lang napansing wala pala akong ibang suot kundi ang oversized shirt ni Jungkook.
I was confused since his vampire form took the effort to carry me all the way here and dress me up. Bumalik na siya sa normal form niya at sobrang himbing din ng kaniyang tulog.
I should be running out now—I should hate him right now but I even had the guts to worry about his fever. Hindi ko mapigilang mag-alala sa kaniya. Pero bakit...bakit?!
Ikinuyom ko ang aking mga palad at mabilis na umalis sa kaniyang kwarto.
Hindi ko gusto ang pakiramdaman na 'to. My tears were threatening to fall kaya mas binilisan ko pa lalo ang pagtakbo when I suddenly came across Namjoon. Mabilis siyang lumapit pagkakita sa akin.
"Saan ka nanggaling Eli? Kanina pa kami nag-aalala sayo." tanong niya.
Tuluyan na akong napa-iyak pagkarinig ko sa sinabi niya. "H–he...I was really...." napahikbi ako. Hinila ako ni Namjoon palapit saka niya at marahang hinaplos ang aking buhok.
"Sshhh...don't cry" ipinatong niya ang ulo niya sa akin "We're sorry for leaving you here, tatawagin ko ang iba." aniya.
Hinakbayan niya ako sa aking braso at iginaya papunta sa aking kwarto. Pag dating namin doon ay agad akong nagtungo sa banyo at naglinis ng aking katawan. Nang matapos ay dumiretso ako sa aking kama.
Lahat sila ay nandito na ngayon sa aking kwarto maliban kay Jungkook.
Naiinis ako sa paraan ng pagtingin nila sa akin. Nakatingin sila sa akin na para akong isang marupok na bagay na malapit nang masira...hindi ako ganoon. Hindi ako magiging ganoon. I'll never go to that state.
"We're sorry Eli." Unang nagsalita si Jin. "Dapat ay isinama ka na lang namin okaya ay hindi ka dapat namin iniwang mag-isa dito. Tingin ko ay kami ang may kasalanan sa nagyaring ito ngayon."
"Hindi." Iling ko. "Wala kayong kasalanan. It was my fault. If I didn't even leave the house then none of this would've happened." sabi ko habang ikinikuyom ang aking mga palad.
Lahat sila ay nag-aalalang nakatingin sakin habang si Taehyung ay nakatayo malapit sa pinto at seryoso pa rin ang mukha.
"Nasaktan ka ba?" tanong ni Jimin.
"Hindi naman." simpleng sagot ko. Hindi ko namalayang kinakagat ko na pala ang aking ibabang labi habang mahigpit paring nakakuyom ang aking mga palad. Narealize ko lang yun nung nilagay ni Jhope ang kamay niya sa braso ko.
"Hey, don't hurt yourself." sabi niya.
"I...I let him take me." bulong ko.

BINABASA MO ANG
My Possessive Vampire
General FictionNapilitang lumipat nang tirahan si Robyn Eliana dahil sa kaniyang stepmother, kung saan makakasama niya ang pitong misteryosong lalaki na magkakapatid. Alam niya sa umpisa pa lamang ay hindi na siya welcome sa pamamahay ng mga ito, lalo na ng pagsab...