Thirty: My Vampire Lover 💐
Thrilled
"ELI, GISING NA." ani Taehyung at Jimin, sila agad ang nakita ko pag mulat ng aking mga mata.
Sandali—bakit sila nandito sa aking kwarto ng ganito kaaga? Agad akong napabalikwas ng bangon na naging dahilan ng pagkirot ng aking ulo.
"Easy there, hindi naman kami nagmamadali." sabi ni Jimin habang ginugulo lalo ang magulo ko ng buhok.
"Bakit kayo nandito? Maaga ba ang practice niyo ngayon?" humihikab kong tanong habang kinukusot ang aking mga mata.
Usually naman ay maaga akong nagigising, ngayon lang hindi, since hindi ako nakatulog ng maaga kagabi sa kakaisip kay Jungkook at sa sasabihin sana sa akin.
"We can't have practice today." Si Taehyung ang sumagot. "There's an occasion." dagdag niya.
Doon ko lang naalala na ngayon nga pala ang birthday ni Mr. Damon na gaganapin dito sa Mansion mamayang gabi. "Oo nga pala." sabi ko. "Magpapalit lang ako saglit at susunod na lang ako sa inyo." habang bumababa ng aking kama. "Salamat nga pala sa pag gising sakin." dagdag ko.
"Bibili kami ng regalo para kay pops, gusto mo bang sumama?" tanong ni Jimin.
"Sige, sasama ako. Pakihintay na lang ako sa labas. Thank you."
Agad akong nagtungo sa banyo, naligo at nagbihis ng mabilis. Paglabas ko ng aking kwarto ay nakita ko agad sila, sabay-sabay kaming tatlo na nagtungo sa dining hall.
Breakfast was prepared earlier today.
"Sorry for oversleeping." paumanhin ko.
"Don't apologize, kaylangan mo ring magpahinga." sagot ni Namjoon.
Mabilis naming tinapos nina Taehyung at Jimin ang pagkain, nagpaalam rin kami agad sa lahat pagkatapos. Si Jimin ang nag drive papunta sa malapit na mall.
Ang weird lang dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na kaya nilang maki-halubilo sa mga ordinaryong tao, no one would think that they'll half-vampires.
"Tungkol nga pala sa mga relatives niyo..." umpisa ko. Agad ko namang nakuha ang atensiyon nilang dalawa. "Mga purong bampira ba sila? Ang uncle niyo si Lucian, wala siyang asawa at anak, tama ba? May iba pa bang mga kapatid ang ama niyo maliban sa kaniya?" sunod-sunod kong tanong.
"Dalawa lang silang magkapatid. It's only uncle and father and you're right about uncle having no family." sagot ni Taehyung. "Our grandparents have siblings though and you know how that branches out so we have more relatives than you think."
Tumango ako. Ibig sabihin lahat halos ng dadalo sa party ay mga pinsan ng kanilang Ama. "Close ba kayo sa mga ibang kamag anakan niyo?"
"Well, you can say that." sagot naman ni Jimin habang patuloy na tinitignan ang mga relos na puros mamahalin ang presyo. "We're all on good terms. Our cousins are like us though, tanging pagkakaiba lang nila samin they're are full vampires."
"Full vampires? H–hindi ba sila...nakakatakot?" napalunok ako bigla
"Hindi naman, mababait ang mga 'yon at kaya rin naman nilang kontrolin ang sarili nila since they work in normal companies gaya ng ama namin." paliwanag pa rin ni Jimin.
"But it'd be best if don't blow your cover though. It's better to be safe." paalala ni Taehyung.
"Hey Eli, tingin mo ba magugustuhan ito ni pops?" tanong ni Jimin habang ipinapakita ang relong napili niya.
BINABASA MO ANG
My Possessive Vampire
General FictionNapilitang lumipat nang tirahan si Robyn Eliana dahil sa kaniyang stepmother, kung saan makakasama niya ang pitong misteryosong lalaki na magkakapatid. Alam niya sa umpisa pa lamang ay hindi na siya welcome sa pamamahay ng mga ito, lalo na ng pagsab...
