Twenty Two : My Vampire Lover 💐
Daddy
NAKATINGIN ngayon sakin ang mapula at nakakatakot na pares na mga mata.
Anong gagawin ko? Natatakot ako. Ganito rin ang pakiramdam ko tuwing nasa paligid si Lucian lalo na noong una ko rin siyang makilala.
"It's my first time meeting you right?" sabi niya habang linalapitan ako, agad akong humakbang paatras.
Patuloy ako sa pag-atras hanggang maramdaman ko sa aking likuran ang amba pinto. Inilahad niya sa akin ang kaniyang isang kamay para sana hawakan ako sa aking pisngi ng biglang may tumabig sa kamay niya palayo.
"Father, stop scaring her." Iritableng sabi ni Suga na ikinabigla ko.
Their father faced him and the aura only got deadlier. Napalunok ako bago ko sinubukang muling tumitig sa kanilang Ama.
Tumingin ulit siya sakin bago biglang tumawa ng malakas. "Sorry dear, I thought I should have a little fun."
My eyes widened in confusion at the quick change of mood.
Ang kaninang mabigat na nararamdaman ay biglang napalitan ng pagkalito. Nakita ko naman ang magkakapatid na umiiling at napasintido, hindi ko alam kung naasar o natatawa sila sa kanilang Ama.
"Did you like my greetings?" Tanong niya.
Hindi ako lubos maka isip ng maayos dahil sa sitwasyon. Ang kaninang pulang mata niya ay napalitan na ng kulay itim, tulad ng normal na tao. Nawala na rin ang kaninang nakakatakot na aura at ang lalaking nakatayo ngayon ay isa ng ka galang-galang na businessman.
Nakasuot sya ng formal suit at maayos din sa pagkakaayos ng kaniyang buhok. Looking at him now, parang nakikita ko sa kaniya ang itsura ni Leonardo Dicaprio sa movie nitong Great Gatsby.
"You went way overboard. I can't believe you'd pull off such an act when you know what just happened to her." naiinis na sabi Jin.
"He's right father. Alam mo naman kung gaano kalakas ang impact ng ginawa sa kaniya ni Uncle, hindi ka na dapat dumagdag pa." umiiling ding sabi ni Namjoon.
Itinaas ng kanilang Ama kamay nito hudyat ng pagsuko. "I didn't say yes to this meeting just so I could hear my sons nag at me." natatawang sabi niya pa.

BINABASA MO ANG
My Possessive Vampire
General FictionNapilitang lumipat nang tirahan si Robyn Eliana dahil sa kaniyang stepmother, kung saan makakasama niya ang pitong misteryosong lalaki na magkakapatid. Alam niya sa umpisa pa lamang ay hindi na siya welcome sa pamamahay ng mga ito, lalo na ng pagsab...