Twenty Seven : My Vampire Lover 💐
Family Love
NASAAN AKO? Patay na ba ako?
Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa isang damuhan. I blinked numerous times to get my vision into focus. Hindi familiar sakin ang lugar na ito.
Mula sa aking kinaroroonan, kita ko sa di kalayuan ang mansion.
Marahan kong inilagay ang aking kamay sa aking leeg para damahin ito kung saan ako hawak ni Jungkook bago mawalan ng malay. It wasn't feeling any pain anymore.
Tinignan ko rin ang aking braso at kamay para makita kung naroon pa ang mga pasang natamo ko, pero wala ako ni isang sugat o marka ng mga bugbog. Suot ko na rin ang totoong kong damit, hindi ng kay Gigi.
I let out a sigh of relief as I sat up.
Salamat sa diyos at tapos na ang bangungot na gawa ni Lucian. Inakala ko talagang iyon na ang aking katapusan. Akala ko, tuluyan na talaga akong mamamatay sa kamay ni Jungkook.
"Had fun?"
Napasinghap ako ng biglang sumulpot si Lucian sa aking harapan. "That could happen to you one of these days." aniya.
Naikuyom ko ang aking mga palad habang nakatingin sa kanya. "Hindi ako naniniwala sayo!" singhal ko.
Tinawanan lang niya ako. "Look around you Eli, you might change your mind."
Sinundan ko ang sinabi niya. I did look around and I nearly froze when I saw headstones. Nasa isang sementeryo pala ako.
"Dito lahat inililibing ang mga babaeng pinapatay ni Jungkook. They were the same girls that the boys played with." aniya habang naglalakad.
Tumigil siya sa isang bakanteng lupa na walang nakalibing at nakangisi siyang tumingin sakin. Tila alam ko na kung anong nais niyang ipahiwatig.
"Isa sa mga araw na ito, matutulad karin sa mga babaeng nandirito. This area over here...will be you future grave." Inapakan niya ang sinabing lupa.
"That will not happen." matatag kong sabi.
Parang sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili sa sinabi. Sariwa pa sa isip ko kung gaano kalupit ang ginawa nila kay Gigi at ayokong malaman kung paano nila tratuhin ang iba pang mga babae noon.
Sariwa pa sa memorya ko ang itsura ni Jungkook habang sinasakal niya si Gigi...bumalik sa alaala ko ang mga nangyari noon sa auditorium kung saan pinatay rin niya ang mga dati kong kaklase na walang laban.
"Mga demonyo sila Eli, hindi mo dapat sila pagkatiwalaan. Kahit sino man sa kanila." dagdag pa niya.
"Baka nakakalimutan mong tulad ka rin nila, demonyo ka rin' kaya bakit ako maniniwala sayo?" ngisi ko.
"I trust them. No matter what I did see in that reality that you brought me, it's in the past!" tumayo ako at dahan dahang naglakad patungo sa kaniya. "I know they wouldn't do anything to break my trust. Hindi nila iyon magagawa sakin, dahil hindi mo sila katulad!" gigil na giit ko.
BINABASA MO ANG
My Possessive Vampire
Aktuelle LiteraturNapilitang lumipat nang tirahan si Robyn Eliana dahil sa kaniyang stepmother, kung saan makakasama niya ang pitong misteryosong lalaki na magkakapatid. Alam niya sa umpisa pa lamang ay hindi na siya welcome sa pamamahay ng mga ito, lalo na ng pagsab...
