One : My Possessive Vampire 💐
Robyn Eliana
TAHIMIK lamang ako habang pinagmamasdan ang bawat nadadaanan naming mga puno, napaka-linis ng paligid at napaka tahimik, ibinaba ko ang bintana ng kotse ng matanaw ko na ang mansyon.
Tinitigan ko itong mabuti, napakalaki pala talaga nito, hindi ako makapaniwalang simula ngayon ay dito na ako titira.
Nang tumigil ang kotse sa tapat ng mansyon ay bumaba na agad ako at kinuha ang aking maleta, agad rin namang umalis ang itim na kotse at iniwan ako, isang malaking gate na kulay itim ang unang bumungad sakin. Hawak ang aking mga gamit ay naglakad ako palapit dito.
Bukas ito kaya pumasok na agad ako at nilakad ang distansya ng malaking front door sa may gate.
Napatigil ako nang makita ko sa may gilid ang isang fountain, napaka ganda at ang daming ibat-ibang bulaklak ang nakapaligid rito, pero ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng pagpatak ng tubig galing sa itaas, tumingala ako at nakitang umuulan na pala.
Nakatingala parin ako sa papadilim na kalangitan ng biglang kumulog at kumidlat, agad akong tumakbo papuntang front door ng mansyon.
Binitawan ko saglit ang aking dala at pinagpagan ang aking sarili dahil sa nabasang patak ng ulan.
Nakakita ako ng isang handle sa malaking front door, hinawakan ko ito at ipinokpok ng dalawang beses, umecho ang tunog nito sa buong paligid.
Pero ilang minuto na ang lumilipas ay wala pa ring nagbubukas sa malaking pinto. Inulit ko pa ng isang beses ang pagpukpok sa handle nito bago tuluyang pumasok ng mapansin kong hindi rin pala ito naka lock.
"Hello." tawag ko habang dahang-dahan na tinutulak pabukas ang pinto.
Walang sumasagot.
Tuluyan na akong pumasok loob, magsasalita pa lamang sana ulit ako nang bigla itong sumara na mag-isa.
Medyo kinilabutan ako. Na i-imagine ko kasing ganito 'yong sa mga horror movie na napapanood ko.
"Hello po! May tao po ba dito?" Malakas na tawag ko.
I took a deep breath before knocking against the door, kinakatok ko ito habang inililibot ang aking paningin sa paligid, at least the place looks nice. Although, hindi ko pa rin maalis ang takot sa aking dibdib.
"May tao po ba dito?"
Siguro ay hindi nasabihan ang mga nakatira rito na ngayon ang dating ko.
"Hello?" muling tawag ko habang inililibot ko pa rin ang paningin.
Tumigil ako sa tapat ng isang malaking hagdan at pinagmasdan ito. Sobrang yaman naman nila. Sobrang gara kasi ng hagdan nila na may red carpet. Malaki at naggagandahan din ang kanilang mga chandeliers.
Iginala ko pa ang aking paningin sa paligid nang biglang mapadako ang aking paningin sa gawing kanan. Tila may naaninag akong isang lalaki doon na nakatayo, pero 'nung muling kumidlat at tinamaan ng sinag ang banda roon ay wala namang tao.
Baka guni-guni ko lang.
My stepmother told me to move here since she's going to be working abroad for a while. Sinabi rin niya na mas makakabuti sa akin kung dito ako titira kasama ang pamilya ng boss niya kesa raw tumira akong mag-isa sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
My Possessive Vampire
General FictionNapilitang lumipat nang tirahan si Robyn Eliana dahil sa kaniyang stepmother, kung saan makakasama niya ang pitong misteryosong lalaki na magkakapatid. Alam niya sa umpisa pa lamang ay hindi na siya welcome sa pamamahay ng mga ito, lalo na ng pagsab...