Nineteen : My Vampire Lover 💐
Sorry
I'M SCARED. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Nasa other form na ngayon si Jungkook at ang masama pa ay may ibang tao kaming kasama. Hindi lang ibang tao, mga dati kong kaklase. Hindi ko man halos lahat sila kakilala pero natatakot ako para sa kanila, natatakot ako sa kung anong pweding gawin ni Jungkook sa kanila.
"W–what's going on?" umiiyak na tanong ng isang estudyante, mababakas sa mga mukha nila ang matinding takot.
Lahat sila ay nakatingin kay Jungkook na ngayon ay naglalakad palapit sa kinaroroonan ko. Gusto kong tumakbo palayo pero hindi ko magawa. Wala akong sapat na lakas ng loob para gawin 'yon.
"I thought we had an agreement?" tanong niya ng makalapit na siya ng tuluyan sakin.
Bago pa ako makalayo sa kaniya ay mabilis na niyang nahila ang damit ko sa likuran at iniangat paitaas. I couldn't even talk at all, something is different right now.
His aura seems...deadlier!
"I didn't know that you'd prefer it if it's me who'd come to you rather than the other way around." ngumisi siya habang pinipilit niya akong iharap sa kanya.
"Eliana!"
Agad na nabaling ang atensiyon ni Jungkook sa mga estudyante ng bigla nilang tawagin ang pangalan ko.
Hindi...hindi sila dapat masangkot dito! Hindi dapat nila malaman ang existence ni Jungkook!
"Umalis na kayo!" sigaw ko.
"H–hindi ka namin iiwan sa kaniya... s–sa halimaw na i–iyan..." Sinubukan ni Step na magsalita pero alam kong natatakot siya.
"With what? Trying to act heroic when you're just cowering in the corner?" nakangising sabi ni Jungkook dito.
"Huwag kang magkakamaling saktan sila!" Sigaw ko habang pilit na tinatanggal ang hawak sakin.
Pero imbes na bitawan ako ay lalo lang humihigpit ang hawak niya sa batok ko. Kailangang may gawin ako, hindi ako pweding tatayo lang dito at panonoorin siyang saktan ang mga taong nandito.
"Bakit ako makikinig sayo? Wala ka naman ibang alam gawin kundi magsinungaling sakin, diba?" seryoso itong nakatitig sakin.
Nabigla ako sa sinabi niyang 'yun, tama siya. Nagsisinungaling ako sa kanya...hindi lang sa vampire form niya kundi pati na sa normal niyang anyo.
"At wala ka rin ibang alam gawin kundi ang saktan ako!" giit ko ng makabawi.
Nagawa kong lumayo ng konti sa kaniya dahil sa biglang pagbitaw niya sakin. For a moment, I thought Jungkook's eyes looked different but they returned to their red color quickly.
"You said it yourself before, Eliana. I'm just a vampire. Baka nakakalimutan mo?"
Sa isang iglap ay malakas akong tumilapon at bumagsak sa malamig na sahig. Gusto kong maghalupasay ng iyak dahil sa sobrang sakit. Para akong mawawalan ng malay sa samut-saring sakit na aking nararamdaman.
Pero hindi ako pweding sumuko, hindi pwedi lalo na't may ibang taong madadamay kung susuko ako. Walang tutulong samin, wala ang mga kapatid ni Jungkook dito para tulungan kami.
Pinipilit kong tumayo kahit sobrang na akong nanghihina. Napatingin ako sa mga estudyanteng nandito.
"Bakit nandito pa rin kayo? Umalis na kayo rito!" galit na sigaw ko sa kanila pero hindi man lang sila natinag sa sinasabi ko.
BINABASA MO ANG
My Possessive Vampire
General FictionNapilitang lumipat nang tirahan si Robyn Eliana dahil sa kaniyang stepmother, kung saan makakasama niya ang pitong misteryosong lalaki na magkakapatid. Alam niya sa umpisa pa lamang ay hindi na siya welcome sa pamamahay ng mga ito, lalo na ng pagsab...
