Seventeen: My Vampire Lover 💐
Memories
ITINAGO KO sa aking drawer ang larawan at mabilis na naligo bago nagpasyang bumaba papuntang kusina.
"Need help?" bungad na tanong ko kay Jin. Mukhang na surpresa pa siya dahil sa pagdating ko.
"Binibiro lang kita ng sinabi kong tulungan mo ako sa pagluluto." sabi niya habang patuloy sa paghihiwa ng mga gulay.
"Well, hindi naman siguro ako masasaktan kung tutulungan kita, diba?" ngiting sabi ko.
"Mukhang good mood ka ata ngayon, ah." komento niya habang inaabot sa akin ang apron.
"Halata ba?" biro ko habang sinusuot ang apron.
"Well...you look like you're in a different glow. Mas okey ka ng tignan ngayon kumpara sa mga nakalipas na araw." Natatawang sabi niya. Ipinilig ko ang aking ulo habang naka ngisi sa kaniya.
"If that's another way of saying that I look good then thanks." I giggled.
Meeting their mother made me feel comforted in some way. Kahit paano ay nabawasan ang bigat ng nararamdaman ko dahil sa pag-uusap namin.
"Sabihin na nating, you look good and it's reflecting on your actions. Madalas kasi ay hindi ka good mood pag bumababa ka galing kwarto mo." sabi pa niya. Ngumiti na lang ako.
Minsan talaga ay hindi sila aware na sobrang straightforward nila tuwing may sinasabi silang mga compliments sa ibang tao. At masasabi kong isa iyon sa mga katangiang nagustuhan ko sa kanila, hindi sila tulad ng iba na nagpapanggap kung anong ugaling meron sila.
Nagpatuloy kaming dalawa sa pagtutulo. kalaunan ay nagsidatingan na rin ang iba, gaya ni Jin ay puros nabibigla ang mga ito dahil sa nakikita nila akong katulong ni Jin sa kusina.
"Where the heck do you get that energy?" nagtatakang tanong ni Suga habang kinukusot ang kaniyang mga mata.
Ang iba ay mukha pa ring mga pagod dahil sa nangyari kahapon. Napansin kong naghilom na rin ang kanilang mga sugat.
"A cold shower in the morning, it wakes your senses." ngisi ko. Suga only groaned once again before taking his seat on the dinning table.
Puros sila matamlay at mukhang kulang sa tulog, marami kasing energy ang nawala sa kanila. Mukhang wala rin ganang kumain si Suga.
I gave myself a determined smile when I thought of an idea. Bumalik ako sa kusina at nag pasyang maghanda ng hot choco para sa lahat.
Nang matapos ako sa pagtitimpla ang siya namang pagdating ng iba at kanya-kanyang umupo sa may dinning table.
"Naghanda ako ng hot choco para sa lahat." nakangiting sabi ko habang bitbit ang isang tray. Isa-isa ko itong inabot sa kanila.
"And why would you do this?" may pagdududang sabi ni Namjoon. "Hindi kaya may lason 'to?" natawa pa siya dahil sa kaniyang sinabi.
"Try it then." tukso ko.
"Masarap. Thank you Eli." nakangiting sabi ni Jimin.
Parang gusto kong puriin ang aking sarili dahil sa naririning kong magandang komento galing sa kanila. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito, it's so good to do something for them no matter how no big of a deal it is.
BINABASA MO ANG
My Possessive Vampire
Ficção GeralNapilitang lumipat nang tirahan si Robyn Eliana dahil sa kaniyang stepmother, kung saan makakasama niya ang pitong misteryosong lalaki na magkakapatid. Alam niya sa umpisa pa lamang ay hindi na siya welcome sa pamamahay ng mga ito, lalo na ng pagsab...