Kabanata 5

1.1K 35 2
                                    


Kabanata 5

Exception





"Ayan na si kalong girl," Nakangisi silang lahat ng dumating ako sa classroom. Jertine is the one who's teasing me, samantalang ang ibang kaibigan ay naka ngisi din sa akin.



I rolled my eyes at them while surpressing a smile. I licked the inside of my cheeks as i proudly wave my hair, nag mamayabang sa nagawa.


"Tangina ang landi! Seryoso ka ba 'don?" Natatawang sabi ni Klarisse.


"Mukha ba akong nag bibiro?" Mayabang kong sabi.


They all laughed. "Edi ikaw na nakakuha kay Dylan!" Hagikgik ni Kylla.


Ewan ko kung bakit bigdeal pa rin sa kanila iyon, but i love how they praised me for having Dylan. Siguro nga malaking bagay talaga na makuha mo ang isang Jacobo? I don't know. Hindi naman ganon ang nararamdaman ko, i just want to prove myself!



"After lunch walang prof, alas singko pa next sub. Ano? Akyat muna tayo?"


I was busy scrolling through my phone ng pinag uusapan na nila kung saan kami para sa lunch. Kagaya ng sabi ni Gwynette, alas singko pa ang next subject namin kaya gusto nilang umakyat muna sa taas ng Paseo. Mayroon kasi kaming tambayan doon malapit sa windmills at kalimitang doon kami nag papalipas ng oras kung sakaling may mahabang vacant.


But i have my own plans for today kaya hindi ako makakasama.


"Huh? Bakit? Saan ka?" Si Gwy.


Hinarap ko silang lahat na nag tataka sa gagawin kong pag hiwalay.


I smiled before pointing my back. Nilingon nila ang gawi ng college student kaya naman ang nag tataka nilang tingin ay napaltan ulit ng ngisi.


"Landi! Text mo nalang kami kung ano mangyayari sainyo. 'Wag ka lang mag papakalong ulit!"


I laugh as i wave at them, unti unti nang nag lalakad papunta sa College Department. Today, i planned to have a lunch with Dylan. Noong isang linggo kasi ay hindi kami nag kikita dito sa school dahil busy nga ako, ang unang pag kikita lang namin ay noong may recit sila. And now that I'm not busy anymore, i want to see him at school. Sana lang ay hindi rin siya abala!



Naglalakad sa field ng College Building, ramdam ko ang paninitig sa akin ng mga tao sa paligid. Some of them are even shamelessly whispering. Oh right, maybe they're talking about what happen last friday? Siguro nga ay kalat na din dito iyong pag buhat sa akin ni Dylan.


Ano naman kung binuhat ako? Let them think whatever they want, walang kaso iyon sa akin.



I immediately smile ng malayo pa lang ay natanaw ko na ang grupo nina Dylan, puro lalaki ang mga iyon at kakaunti lang ang babae. I saw how his friend point me at him, dahilan kung bakit nya lang napag tanto na naroon ako.


"Hi!" I greeted while both of my hands are on my back.


Tinignan lang ako ni Dylan at hindi siya bumati pabalik. As usual with his cold and snob eyes.


"Oh? May date kayo, Dylan?" I glanced at his friend, hindi ko iyon kilala ngunit nginitian ko nalang.


I think he's one of those people na kainuman ko sa barcade. I don't know, hindi ko matandaan lahat.


"Anong kailangan mo?" Bumalik ang tingin ko sakanya.



"Lunch?" I said cheerfully.



Playing with Fire (Paseo de Luna Series) #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon